Chapter 1: Ace
Bakit ba ngayon pa nasira ang elevator dito sa building kung kailan mas bumigat ang pinabaon sakin ni mama?
Habang hingal na hingal ako sa pag-akyat sa, naramdaman kong nag-vibrate ang aking cellphone. Paniguradong si mama ito at tatanungin kung nasaan na ako. Dali-dali ko naman binaba ang dala-dala at sinagot ang tawag dahil sobra iyon kung mag-alala.
'Asan ka na anak?' bungad niya sa akin pagkasagot ko ng tawag.
"Paakyat na po ako mama. Isang floor nalang"
Puro 'ano' naman ang sagot niya dahil mahina ang signal dito sa fire exit. Kinuha ko nalang ulit ang dala at nagmadali pa lalong umakyat.
"Hello mama? Sorry po mahina signal pero nandito na po ako papasok sa unit"
'Mabuti naman anak nag-aalala na ko at gabi na'
"Nako yung nanay ko di na nasanay. Ilang beses na po akong nagpapa-balik sa probinsya at dito sa Manila mama. Kaya ko na po, promise"
'Kahit na anak. Ikaw pa naman 'tong lampa'
"Mama naman eh"
'Oh siya huwag mong kalimutan yung bilin ko ha at matulog ka na kaagad pagkakain'
"Opo, mama. I Love you po."
Pagkabukas ng pinto ay nilagay ko sa lamesa ang dala. Isa-isa kong tinignan ang mga laman ng bag. Mga gulay, lutong adobo, bigas, at may isang jar din ng bagoong alamang. Bilin ni mama ay bigyan ko ng gulay at bigas ang bagong kapitbahay dahil nakwento ko sakanyang dadating ito sa isang araw.
Pagka-ayos ng mga ito ay sarili ko naman ang sinunod ko habang hinihintay ang sinaing. Binilisan ko lang ang pagbabad sa tubig dahil gabi na. Pagkatapos ay binawasan ko na ang baong adobo. Kahit halos araw-araw na adobo ang kinakain ko, okay lang kasi masarap magluto si mama nito. Mas gusto ko na ito kaysa sa luto ko na walang lasa o kaya naman ay sunog.
Nang patulog na ay nag-text naman si Yohan.
'Home yet?'
'I'm home. See you tomorrow! :) '
' >.>'Kinabukasan ay nagmamadali ako papasok. 7 am ang pasok ko pero araw-araw din na almost 7 na ako magising. Kung nakakapag-salita lang ang alarm ko ay sinumbatan na ako nito. Normally ay di naman ako nagmamadali dahil wala lang sa professor ko kahit late ako kaso kabilin-bilinan niya ng huling meeting ay huwag daw kaming mala-late ngayon. It's his way of saying na may quiz kami.
Habang tumatakbo papasok ay hinihiling ko na huwag akong madapa. Tulad ng sabi ng nanay ko, lampa ako. Ilang pantalon na ang naging ripped jeans dahil dito. Malapit na ako sa corridor ng nawala sa isip ko ang isang maliit na baitang.
Ang tanga.
Mabuti na lamang at walang nakakita. Habang nahihirapan ako tumayo ay may narinig akong bumubungisngis. Napahinto ako sa pag-tayo at napaluhod sa entrance ng corridor. Hinanap ko ito at nakatayo siya malapit sa pinag-dapaan ko. Nakaharap siya sa likod ko at mukhang papasok din siya sa entrance na nangyari ang aksidente.
Huminto naman siya kaagad nang tinignan ko siya, pero halatang nagpipigil sa pagtawa.
Hindi siya pamilyar sa akin. Naka-blue na t-shirt siya at pantalon. Naka-cross body bag siya na parang wala namang laman at magulo ang buhok. Yung buhok na alam mong hindi naligo pero mukha parin siyang mabango. Sana lahat ganon no? Humihinga siya na malalim para matigil ang sarili sa pagtawa.
BINABASA MO ANG
The Sound of my Heart
RomanceI stopped hitting the drums but still there's this sound