Beat 2

7 0 0
                                    

Chapter 2: Kapit-unit

Pagka-uwi sa condo ay nakasalubong ko ang may ari ng karamihan sa unit ng floor ko na si Mrs. Linda. Tinawag niya ako at kinamusta.

"Pasenya ka na at hindi pa nagagawa ang elevator. Kinausap ko na ang admin ngayong linggo daw ay dadating na ang gagawa."

"Ok lang po yun. Magandang exercise din naman po" Nagtawanan kami.

Ang totoo, ayoko ng hagdan. Naaalala ko kaasi noong nagbakasyon kami ng pamilya ko at si papa ang namahala ng mga pupuntahan namin. Ni-plano niyang pumunta sa tourist spot na may maraming palapag ng hagdan ang aakyatin. Ok lang naman iyon kung hindi pa kami pagod, ngunit kalahating araw na kaming naglalakad. Pagkarating namin sa tuktok ay nalaman namin na may short-cut pala na hindi kailangan umakyat ng napaka-daming hagdan. Tandang-tanda ko pa ang luha sa mga mata namin ni mama at kuya habang tinitignan na masayang nag-pipicture si papa.

Simula noon ay naiiyak-tawa ako tuwing nakakakita ng mataas na hagdan. Ganito ang naramdaman ko ng nabalitaang nasira ang elevator namin, lalo na at nasa 9th floor ang unit ko.

"Siya nga pala. Mapapa-aga daw ng lipat ang bagong kapitbahay mo."

"Ah ganon po ba. Salamat po sa pag-inform sa akin"


Nagkwentuhan muna kami ng ilang minuto bago ako nagpaalam at umakyat. Pagka-pasok ay naghanap ako ng lalagyan para sa mga ibibigay ko sa bagong kapit-unit. May ilang grocery bags akong naitatabi na ginagamit ko kapag nagpupunta ng mall.

Sabi ni Mrs. Linda ay mag-isa lang daw sa unit ang lilipat. Siguro ay okay na ang ilang pirasong gulay at ilang kilong bigas.


Gusto niya kaya ang adobo? Bagoong kaya?

Napailing nalang ako at hindi nalang nilagyan ng adobo at bagoong ang bag. May design na puppies ang napag-desisyonan kong ibigay sakanya. Wala namang ibig-sabihin ang desisyon na ito.

Habang hinihintay na may marinig na naglilipat ay nag-aral nalang muna ako. Sana naman matapos ko agad ito para matupad ko na ang pangako kay Jose. Hindi ko naman gustong maturingang isang drawing.

Muntikan na ako mabilaukan ng maranig ang mga boses. Kanina ko pa kasi hinihintay at kanina parin ako kinakabahan. Kaunti lang kasi ang close ko na nakatira sa building na ito. Karamihan kasi ay madalang kong makita at nauunahan na din ng hiya. Kahit ang dating nakatira sa katabing unit ay ilang beses ko lang nakita. Kung hindi lang ako pinagbilinan ni mama ay baka hindi ko na din ibigay ang padala niya.

May naririnig akong babae na pinapalapag ang mga gamit sa loob ng unit. Siya na siguro ang bagong kapitbahay.

Inayos ko ang sarili at huminga ng malalim. Inalala ko kung paano ito ginawa ni mama noong bagong lipat ako dito. Siya ang nagbigay ng pagkain galing sa probinsya sa mga malapit na unit at binilin na alagaan ako. Sana pala ay inaya ko si mama na samahan ako ngayong linggo.

Binuksan ko nang kaunti ang pinto ko para malaman kung naka-alis na ang mga tumulong sa paglilipat niya. Nakita ko ang isang babae na siguro ay kasing edad lang ni mama. Binayaran niya ang mga lalaki at nagpasalamat. Sinara naman niya ang pinto niya pagkakitang naka-alis na ang mga ito.

Ito na ba ang tamang oras?

Lakas loob kong kinuha ang bag na may gulay at bigas at lumabas ng pinto ko. Hindi ko na ito sinara dahil literal na sa kapitbahay lang ako pupunta at para may dahilan ako na hindi pumasok sa loob. Normally naman matapang ang loob ko pero kapag sa mga ganitong bagay ay umuurong ang tapang ng loob ko.

Kumatok ako ng tatlong beses at hinintay na lumabas siya. Hindi naman ako matagal naghintay at pinagbuksan agad ako. May hawak siyang bag at mukhang aalis.

The Sound of my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon