Chapter 6: Getting to know
"Di-dito ako nakatira" sagot ko kay Jose nang may pag-aalinlangan dahil kaunti lang ang nakaka-alam na dito ako nakatira.
Hindi naman ito sikreto pero syempre hindi ko rin naman ipagsisigawan na dito ako nakatira.
"Neighbor!" Excited niyang tinaas ang isang kamay. Nagbuffering naman ako ng ilang sandali bago ma-realize na naghihintay siya ng high five.
"Mag-isa ka lang dito?" Tumango at nag-isip ng sasabihin.
"May pupuntahan ka?"
"Ah oo—Man!" Parang hindi niya ako kausap nang sinalubong niya si Yohan at ang aso na kakalabas lang ng elevator.
Nag-usap sila habang hindi ko alam ang gagawin. Papasok na ba ako o tatayo lang dito sa labas.
"Dito ka din nakatira? Akala ko mag-isa-" bago pa niya tapusin ang sasabihin ay pinaliwanag ko na ang sitwasyon.
"Ikaw! Dito ka pala nakatira? Laging nagrereklamo si Ace dahil sa kapitbahay niya" tinignan ako ni Jose at hindi napigilan ang tawa.
Napaka-OA talaga ng kaibigan ko na 'to. Hindi naman ako laging nagrereklamo? Twice palang? Nakakahiya naman kay Jose baka isipin niya ang sama kong kapitbahay.
Nahinto silang dalawa sa tawanan ng napansing may nakasilip mula sa loob ng unit ni Jose.
"Anong ginagawa niyo diyan? Tara na at may aayusin pa tayo!"
Bumukas ng mas malaki ang pinto at nilabas nito ang ibang members ng Twilight Escape.
"Sige man, Ace, alis na kami at may aayusin pa"
Kumaway isa-isa sila Kevin, Jose at Drew sa aming dalawa ni Yohan bago maglakad papuntang elevator. Pinagtataka ko naman bakit nanatili si Warren sa sa pintuan at tinanaw lang ang tatlong naglalakad paalis.
"Ah hello" kumaway ako kay Warren na nakatingin sa akin mula sa pintuan niya. Sa halip na sumagot ay nakita kong kumunot ang noo niya at sumimangot.
I don't get him.
Magsasalita pa sana ako ng tumahol ang aso.
Thank you, Nestle!
"Ooh baby come to mama" lumapit ako kay Yohan at kinuha sa kanya si Nestle. Mukhang nagtaka naman ito sa reaksyon ko at muntikan pang hindi ibigay si Nestle.
Pagkakuha ko ay pumasok ako sa unit at sinara ng ang pinto pero hindi nilock dahil literal na nasa labas nalang si Yohan.
Umupo ako sa kama at niyakap si Nestle. Dahil inalis mo ako sa awkward na sitwasyon, tatawagin na kita sa pangalan mo. Ilang sandali ang lumipas ay pumasok na din si Yohan.
"Bakit mo kinuha mo baby ko?"
"Possessive mo naman kay Nestle!" Sumbat ko sakanya at binaba si Nestle sa kama. Natandaan kong kailangan pala ng picture ni Nestle para sa poster na ididikit ko bukas. Naisip kong mas mabilis yun na paraan para mahanap siya ng may-ari sakanya.
"Yoyo, picturan pala natin si Nestle" sumimangot siya at nilagay ang bag sa upuan malapit sakanya.
"Ayoko" niyakap niya si Nestle at luamabas ng unit.
"Lakad lang kami!" Rinig kong hiyaw niya mula sa labas.Anong gagawin ko? Kailangan magawa na ito habang mas maaga at hindi pa kami pareho ganoon ka-attached kay Nestle. Knowing Yohan babantayan niya ito ng mabuti para hindi ko magawa ang plano.
Bumaba ako at pumunta sa malapit na conveniece store. Kumuha ako ng ilang junk foods at lumingon sa drinks. Lasingin ko kaya si Yohan? Lumapit ako dito at humawak ng isang bote ng alcohol. Malalasing na kaya siya sa isa? Nilagay ko sa gitna ng kili-kili ang isang bote at kumuha pa ng isa. Kumuha ako ng isa pa para sigurado.
BINABASA MO ANG
The Sound of my Heart
RomanceI stopped hitting the drums but still there's this sound