Beat 4

4 0 0
                                    

Chapter 4: Grocery bag


Lunes nanaman at kaklase ko nanaman si Jose. Pagka-upo ko palang ay nagsimula na kaming magkwentuhan.

"Tuwing kailan pala kayo tumutugtog doon?" tanong ko sakanya

"Lunes at Biyernes"

Wala naman akong maitanong pa kaya tumango tango nalang ako.

"Next time na manonood kayo, request kayo ah"

"Sige ba! Humanda kayo kasi iisip ako ng mahirap"

"Kaya yan ng Twilight Escape!" sabay nag-pose na parang ewan.

Hindi kami nahinto sa chikahan kahit nandyan na ang professor namin. Hininaan lang namin ito at parehong nakatingin sa white board.

"Gets mo yun?" tanong niya sa akin habang tinuturo ang nasa board.

"Hindi masyado" sagot ko naman kahit ang totoo ay nahihilo ako kapag tinitignan ang sinusulat ni sir.

"Same" sabi niya kahit alam ko namang mas naiintindihan niya ito kaysa sa akin.

Ilang beses na kami maging magkaklase ni Jose pero ngayon lang kami laging nagkakatabi dahil ngayon lang siya laging nalalate. Napansin ko na matanong siyang estudyante at hinahangaan ko sisya dahil dito. Ako kasi, wala akong maitanong kasi wala akong ideya ano ang itatanong. Siya naman ay maraming tinatanong. Kadalasan ay ako ang tinatanong niya. Kapag nangyayari ito ay nagkukunwari akong nag-iisip ng sagot. Sa oras na 'nag-iisip' ako ay masasagot na din niya ang tanong niya at sasabihin sa akin.

Hindi ko maitatanggi na marami akong natututunan sakanya.

Matapos ang klase ay nagpaalam siya sa akin at naiwan naman ako sa room. Wala namang next class dito kaya naisipan kong dito muna tumambay.

Tinignan ko ang notes ko kanina at ni re-write ito. Habang ni rere-write ko ito ay may kaunti namang nareretain. Kailangan ko lang talaga gumawa ng maraming problem solving.

Bakit ka ganyan, deformable bodies?

Narinig kong tumunog ang tiyan ko kaya naisipan ko ng humanap ng pagkain. Tinext ko si Yohan para tangungin kung kumain na siya.

'Wait for me!'

'Wait kita sa gate!'

Dumiretso ako sa gate para hintayin siya. Makalipas ang ilang minuto ay natanaw ko na siya at may inaakbayan siya.

Don't tell me thirdwheel nanaman ako.

Habang papalapit ay nag-mouth siya ng 'please'. Nagkunwari naman akong nag-inat at nilakasan ang suntok sa hangin.

Nagkunwari naman siya natawa sa sinabi ng kasama niya kahit na hindi naman niya napakinggan.

"Hi!" bungad sa akin ng kasama niya

"Hi, I'm Ace"

"OMG nakwekwento ka sa kin ni baby Yohan! I'm Bianca, by the way"

"Ah ganon ba hehe nice to meet you" sabay tingin ng masama kay Yohan.

"Saan niyo gusto kumain?" pag-iba ni Yohan ng usapan

"Tara mall?" Nag-baby eyes pa si Bianca kay Yohan

"Sure baby"

"Ah ok din sa akin yun"

Pinauna ko na silang lumakad at patagong sinipa ang bestfriend ko sa likod ng tuhod

"Ay gutom" mahina kong sabi pero siguradong narinig niya.

"Are you okay, baby"

Sinagot niya si Bianca pero masama ang tingin sa akin.

The Sound of my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon