Chapter 5: Nestle
"Mama, baka po hindi ako makauwi this weekend kasi nagkasabay-sabay yung requirements namin next week"
'Ok lang yun, anak. Ingat ka diyan ha'
"Opo,mama. Pasensya na po"
'Ano ka ba. Basta tawagan mo kami kapag may kailangan ka. Nako dapat pala dinamihan ko pabaon sayo!'
"Huwag po kayong mag-alala marunong naman ako magprito ng itlog at tuyo!"
'Ikaw bata ka. Dapat maturuan ka na talaga magluto ng maayos'
Natawa naman ako sa sinabi ni mama at hinayaan siyang magreklamo sa cooking skills ko. Ewan ko ba kung wala lang akong pasensya o may mga tao talagang walang talento sa pagluluto. Tinuruan akong magluto ng adobo noon ni mama. Madali lang naman kung tutuusin dahil ilalagay lang ang ingredients sa lutuan pero hindi ko alam bakit naging chicken barbecue ang kinalabasan. Proud pa nga ako dito dahil masarap kahit may parteng sunog kaso binalaan ako ni mama na baka sa susunod ay iba na ang masunog.
'Oh siya kung wala ka ng makain ay lakasan mo ng loob mo at humingi sa kapitbahay! Mas gusto ko pa yun kaysa puro noodles ang kainin mo.'
"Opo mama. Sige po magluluto na ako."
'Ubusin mo muna yung adobo bago magluto ha'
"Opo mama"
Si mama talaga akala mo naman isang taon akong hindi uuwi sa amin.
Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa sahig at pumunta sa stocks ko ng pagkain. Parang hindi ko feel mag-adobo ngayon. Mayroon akong ilang balot ng noodles, tuyo at isang tray ng itlog. Meron ding sari-saring gulay.
Bumuntong hininga ako dahil parang may gusto ako kainin pero hindi ko maisip kung ano.
Bumalik ako sa pagkaka-upo at tinuloy ang pag-aaral. Hindi naman ako makapag-concentrate dahil iniisip anong kakainin maya-maya.
Naisipan kong tawagan si Yohan para humingi ng suggestion.
"Yoyo! Help, di ko alam anong kakainin ko"
'Ano bang meron diyan'Inisa-isa ko sakanya ang mga nakita kanina.
'Ano bang gusto mo?'
"Hindi ko nga alam" napadukdok ako sa librong katapat ko.'Tara samgyup?' Napa-angat ako sa pagkakadukdok.
Eto na ata ang kanina ko pang gusto kainin.
"Tara!"
'Meron malapit diyan sa inyo diba?'
"Oo. Ako nalang siguro mag-isa. Dadayo ka pa dito"
'No! Sama ako!'
"Sige" tinawanan ko siya "Sabihan mo ako kapag malapit ka na"Naghintay ako ng mga 30 minutes ng magtext siya na malapit na siya. Hindi daw siya nag-kotse ngayon kaya natagalan.
Inayos ko agad ang sarili at nagmamadaling bumaba gamit ang kakagawa lang na elevator. Pasara na ito ng nakita ko si Ms. Marissa na humahabol kaya pinigilan ko ang pagsara.
"Salamat, Ace"
"Ah. Welcome po" nginitian ko siya at pinindot ang ground floor."Kamusta po?"
Sa halip na sumagot ay binigyan niya ako ng maliit na ngiti. Baka wala sa mood si Ms. Marissa kaya hindi na ako nagtanong ulit. Pagkadating sa groundfloor ay nagpaalam siya sa akin at tumuloy sa labas.
Hindi naman kami close ni Ms. Marissa pero pakiramdam ko ay may nangyari. Kung ano 'yon ay wala akong ideya.
Bago pa masarahan ng elevator ay lumabas na din ako at hinintay si Yohan sa tabi ni manong guard.
BINABASA MO ANG
The Sound of my Heart
RomanceI stopped hitting the drums but still there's this sound