Prologue: Ang simula

8 3 5
                                    

Abala ako sa pag-aayos ng aking sarili nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang aking kapatid- Si Allieyah. Ang nagsisilbing pamilya ko kasama ang kanyang mga magulang mula nang mamulat ako sa mundong ito.

Tuluy-tuloy lang ito sa pagpasok at parang wala sa kanyang sarili. Nakasuot na rin ito ng uniform dahil maya-maya na lang ay papasok na kami sa aming paaralan.

Siya ay dalawang taong matanda sa akin, may tangkad na 5'4, medyo chubby ang pangangatawan na bumugay sa mahaba niyang buhok na parating naka-braid, may bilugang mata, matangos na ilong at maninipis na labi. Siya ang aking nagiisang kapatid, hindi man sa dugo ngunit sa puso.

Tiningnan ko ito na may halong pagtataka habang inaayos ang aking necktie.

"May problema ba?" takhang tanong ko sa kaniya. May pagkakataong umaasta ako na parang ako ang mas nakakatanda sa amin katulad ngayon. Pero sa lahat ng oras, hindi naman niya gustong tawagin ko siyang ate dahil sabi niya para na kaming isang matalik na magkaibigan.

Umupo muna ito sa aming kama bago tumingin sa akin ng seryoso. Mukhang may problema nga ito.

"What is it? Tell me," aniya ko rito.  Tumingin ito ng diretso sa akin bago magsalita. "I don't know where to start," panimula nito. "Hindi ko alam kung paano ko sasabibin sayo. Hindi ko naman Kasi sinasadya eh."

"Ano bang problema?" I asked confused. I can feel the tension within her. At alam kong natatakot ito. Pero bakit?

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Hinawakan ko ang kaniyang balikat at iniharap siya sa akin.

"Tell me. Makikinig ako," malumay na sambit ko rito. 'Ramdam ko ang panginginig ng kanyang balikat dahil sa pagpipigil sa mga luhang nagbabadya nang tumulo ano mang sandali.

"Natatakot ako Einah. Natatakot ako sa kanila," umiiyak na nitong wika. Kumunot ang aking noo dahil sa sinabi niya. 'Sinong sila?' I asked behind my thought.

"Ano bang nangyayari sayo? What are you talking about? Bakit ka natatakot. Sino sila?" sunud-sunod kong tanong sa kanya. Ayokong nakikita siya sa ganitong kalagayan. Oo mas matanda siya sa akin pero sa aming dalawa siya ang may mahinang loob.

Pero sa nakikita ko sa kanya ngayon, mukhang mayroon nga siyang malaking problema. Nanginginig na rin ang kanyang mga kamay nang hawakan ko ang mga ito.

"I'm so sorry Einah," umiiyak paring sambit nito.

I was about to say something when the door suddenly swung open.

Dalawang lalaking nakakulay puting suit ang tumambad sa amin at parehong may hawak-hawak na baril. Napatayo kami ni Eiyah at gulat na napatingin sa mga ito.

Hindi sila maihahalintulad sa mga nakakatakot na itsura ng mga taong may dala-dalang armas dahil sa maaamong mukha ng mga ito.

"Einah," mahinang tawag sa akin Eiyah habang nanginginig ang ang mga kamay na nakahawak sa aking mga braso.

"Sino kayo?" matapang kong tanong sa mga ito habang inaalisa ang aming sitwasyon. Kailangan namin ng proteksyon.

"Sino sa inyo ang nagngangalang Allieyah Santos?" pabalik na tanong nito sa amin. Napatingin ako sa aking kapatid na may pagtataka. Bakit niya hinahanap ang aking kapatid?

"Bakit ka hinahanap ng mga taong ito?" nagtataka kong tanong sa kaniya.

Napakagat lang ito sa kanyang labi habang humihikbi. Ano ba kasing nangyayari dito!

The guy on the left side put out his phone inside of his pocket then browse for a minute.

Nang matapos sa kung ano man ang kaniyang tinitingnan sa kanyang cellphone ay bigla na lang nitong itinutok ang kanyang baril sa pwesto kung nasaan ang aking kapatid.

The Fate Of Czareinah (Truth Unfolds)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon