Third Person's Point of View
"Ei, aalis na ako ha," sigaw ni Alleiyah sa kanyang kapatid habang nagmamadaling isinuot sa kanyang paa ang pares ng itim na sapatos, na parati niyang ginagamit sa kanyang trabaho.
Ala-sais na ng hapon at ilang minuto na lang ay malelate na siya.
"Dalhin mo 'to," sagot ng kapatid niya sabay abot ng isang supot ng plastic sa kanya.
"Thank you Ei," masaya nitong tugon sa kapatid. Hindi na ito magkandauga-ga sa pag-aayos ng kanyang sarili dahil sa hinahabol na oras.
"Alis na'ko," nakangiting wika nito nang handa na sa pagpasok.
Tumango lang ang kapatid nito, kaya minabuti na niyang naglakad palabas ng kanilang maliit na apartment at tinungo ang daan upang pumara ng sasakyan.
Naiwan naman ang kapatid nito na pinagpatuloy na lang ang pagliligpit ng kanilang pinagkainan sa kanilang munting kusina.
Pagkatapos magligpit ay nagtungo na ito sa kanilang kwarto upang magpahinga.
Sa kabilang banda, nakarating na rin sa kanyang pinagtatrabuhan ang dalaga.
She automatically went to the waiters room to put her things on her locker.
"Hi guys," she greeted when she saw some of her co-workers inside, who are also a working student like her.
"Hi Ally," they greeted back.
When the time strikes 7:00 in the evening, they immediately perform their tasks for the night shift.
Marami-rami na rin ang mga customers at may mga ilan ding kakarating pa lamang.
Maingay din sa loob dahil isang kilalang bar ang kanyang pinagtatrabuhan.
Abala si Alleiyah sa pagdadala ng mga inumin sa kanilang customers nang may tumapik sa kanyang balikat.
"Bakit?" halos pasigaw niyang tanong habang patuloy parin sa paglalakad na sinasabayan naman ng kasama patungo sa isang table.
"Tawag ka ni Manager," sagot nito sa kanya.
Napakunot naman ang kanyang noo dahil sa narinig.
"Bakit daw?" takhang tanong nito.
"This is your order sir," nakangiting wika nito sa lalaking customer nang marating ang table nito. Maingat niyang inilagay ang inumin nito sa mesa bago nagpaalam.
"Hindi ko alam eh," tugon ng kasama.
Inihatid naman nito sa kabilang table ang isa pang order pagkatapos.
"Ano bang sabi?" Tanong nitong muli nang malayo na sila sa mga customers na abalang ninanamnam ang kanilang inumin at ang nakabubuhay na musika.
"Basta pinapatawag ka lang," sagot nito sa kanya.
"Did something happened? Bakit naman ako pinapatawag?" Nagtatakang tanong nitong muli.
"Gaga. Hindi ko nga alam. Sige na, puntahan mo na. Ako muna bahala sa workplace mo," ani ng kasama habang tinutulak-tulak siya.
Napabuntong hininga na lang ito bago tinungo ang opisina ng kanilang manager.
"I don't remember doing anything stupid lately" bulong nito sa kanyang sarili. "So bakit ako pinapatawag?"
Nang marating ang opisina ay kumatok muna ito ng tatlong beses. Agad naman siyang pinagbuksan ng isang babae sa loob.
"Come in," sambit nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Fate Of Czareinah (Truth Unfolds)
Mystery / ThrillerThe Fate Of Czareinah is about a young lady who's fate is about to unfold.