Czareinah's Point of View
I looked at the problem on the board, and analyze it to divert my attention from this girl beside me.
May kakaiba talaga sa kanya. At hindi ko talaga maipaliwanag kung ano ba talaga, ang kakaibang nararamdaman ko sa babaeng ito. Sighed.
Yes, she's also new here. Ipinakilala na ito kanina bilang isang transferee. Sa totoo lang, halos lahat sila'y hindi makapaniwala na may isang transferee student ngayon dito. And to mention na isang hamak na nerd lang daw ito-the typical one.
Kung pagbabasehan kasi sa itsura nito ay hindi mo iisipin na makakapag enroll ito rito. Kaya nagtataka sila kung paano ito nakapasok dito. Akala ko nga kanina ay isa siya sa dalawang kasama kong scholar na nakapasok dito. Hindi pala.
Well, about what happened earlier, some of my classmates already knew about it and tada! They've prepared a welcome greetings for her. A mischievous one. Tsk.
Fortunately, wala naman akong naranasan na ganong welcome greetings galing sa kanila. Wala pa.
Maybe because I look more decent than this girl beside me. Well, I don't know how these students think. I just need to put my guards on.
"Ok class. Who wants to solve this problem?" Our professor asked. "Anyone?"
Actually bago din dito ang gurong ito, dahil narin sa naging reaksyon kanina ng aking mga kaklase. Ngunit di man lang ito nag-abalang magpakilala kanina at basta-basta na lamang nagsulat sa unahan pagkatapos ipakilala sa amin itong bago naming kaklase. Napaka weird talaga ng mga tao dito.
I looked at the four corner of the room and saw my classmates doing unnecessary things, again. 'Wala talagang pakialam sa paligid.'
They are not paying attention and some of them are sleeping. What the hell is their problem? Tatlong araw na rin ang pamamalagi ko dito pero hanggang ngayon wala parin silang pinagbago. For goodness sake, we are here to study. I mean, they are here to study. Hindi nila ba alam 'yon? Tsk.
Ibinaling ko ang aking paningin sa unahan at tiningnan ang aming guro. Seryoso lang itong naghihintay sa harapan at hindi alintana ang nakikitang kabaliwan ng aking mga kaklase.
"I repeat. Who wants to solve this problem? Please come in front," ulit nito.
"The fuck I care about that problem. Ikaw na lang ang sumagot," walang modong sagot ng lalaking abala sa pakikipaglampungan sa isa naming kaklase.
Hindi ako umimik at pinanood na lang ang nangyayari. Mukha naman kasing ganito na talaga ang normal na eksena dito. Wala naman din kasi akong alam tungkol dito sa eskwelahang ito. Judging these students from the very start, I know something's off here. This is not like the usual school like we've used to, as I've observed from the very beginning. Well, if you really try to observe everyone here.
Mas may superiority pa kasi ata ang mga estudyante rito kaysa sa mga guro. Like what happens now, these students really know how to play their card. As if, they don't care about the consequences of their actions towards their teachers. Nakakapagtaka talaga bakit ganito ang inaasal nila. Oo bago lang ang gurong ito pero sa tatlong araw kong pamamalagi sa klaseng ito, ganito sila lahat sa mga guro. No one's exempted.
"Anyone?" Seryosong tanong muli ng aming guro at hindi pinansin ang bastos na bunganga ng aming kaklase. I like how he handle the situation. Kahit na nakakainis na rin.
"Sir!" Shouted one of our classmates again. Napatingin ako rito at nakita itong nakatayo habang nakataas ang kanang kamay.
"Yes Mr. Ramos," tugon naman ng aming guro sa lalaki.
BINABASA MO ANG
The Fate Of Czareinah (Truth Unfolds)
Misteri / ThrillerThe Fate Of Czareinah is about a young lady who's fate is about to unfold.