Chapter 2: Consequences (/)

0 0 0
                                    

Czareinah's Point Of View

I was reading a book while leaning on the headboard of my bed when Andrea, my roommate, appeared in front of my sight. She is holding a cup, probably a cup of coffee or another.

"Why are you still in bed? Di ka ba papasok?" Nagtatakang tanong nito sa akin.

Walang gana ko itong tiningnan bago ibinalik ang tingin sa aking binabasang libro. Mula nang dumating ako dito hindi niya pinapalampas ang mga pagkakataong kausapin ako kahit hindi ko siya pinapansin.

"Hey!" Tawag nito sa atensyon ko. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa pagtitig sa aking libro. Ang totoo niyan ay wala sa binabasang libro ang isip ko. Hindi parin kasi ako mapalagay sa sitwasyong kinalalagyan ko ngayon.

It's been almost a week nung mangyari ang lahat ng iyon at dalawang araw na rin mula nang pagpasok ko sa boarding school na ito. Pero hanggang ngayon ay hindi parin ako nakakapag adjust sa mga nangyayari lalo na't alam ko ang dahilan kung bakit ako nandirito.

"Fine!" Padabog nitong sambit. "Kung ayaw mo akong pansinin edi wag!"

Naiinis itong pumasok sa kusina kaya hinayaan ko na lang.

I know I've been acting rude to her. But, I have to distant myself from everyone here because of my mission. Kailangan kong maging maingat dahil kaligtasan ni Eiyah ang nakasalalay dito.

And besides, I am an antisocial person, always keeping myself distant from everyone. And, hindi din naman ako sanay makihalubilo sa kahit na sino. I don't have friends and I don't know how to act like one. Tanging si Eiyah lamang ang kasa-kasama ko parati.

Having friends right now is the least thing I want to do.

Lumabas si Andrea galing kusina at diretsong nagtungo sa kanyang kama.
Naiinis nitong kinuha ang kanyang bag at padabog na naglakad palabas ng aming kwarto.

Sorry for that, If I may say.

Ibabalik ko na sana ulit ang tingin ko sa aking libro nang narinig ko muli ang marahang pagbukas ng pinto.

"Kain ka muna bago ka pumasok," sambit ni Andrea habang sumisilip sa siwang ng pinto. Tiningnan ko lang ito na nakakunot ang noo at hindi na lang nagsalita.

"Hehe bye," paalam nito sabay wagayway ng kanyang kamay at tuluyan nang isinara ulit ang aming pinto.

"Ang kulit talaga ng babaeng iyon," I sighed.

I closed my book and head my way to the bathroom. Hindi naman pwede hindi ako pumasok sa klase dahil striktong pinatutupad dito ang pag-aaral ng mga estudyante. Kailangan ko ding pumasok para makakuha ng impormasyon tungkol sa misyong ibinigay sa akin.

Nang matapos na ako ay sinilip ko muna ang kusina at nadatnan ang almusal na ginawa ni Andrea. Umupo na lang ako at kinain ang inihanda nito. Hindi naman kasi matigas ang aking puso para balewalain lang ang ginawa niya. Ayoko lang talagang makipagkaibigan sa kahit na sino.

Pagkatapos kong mag-almusal, lumabas na din ako sa aming kwarto at naglakad patungo sa hagdanan. Nasa ikatlong palapag kami ng dormitoryong ito kaya matatagalan bago ako makarating sa School building.

Hindi naman ako mahuhuli sa klase kaya hindi na ako nagmadali sa pagbaba. Marami din akong nakakasabay na estudyante kaya di maiwasan ang bulungan nang Makita nila ako.

"She's one of the newbees right?" Rinig kong bulong ng isang babae.

Napataas na lang ang aking kilay sa sinabi nito. Wala ba silang pakialam kung marinig ko sila? Halos andito lang sa harapan yung pinag-uusapan nila.

The Fate Of Czareinah (Truth Unfolds)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon