Chapter one

1.6K 46 0
                                    

Ang mga tao bagay at pangyayare ay pawang imahinasyon lamang at kung nagkataon na nangyayare ito sa totoong buhay, bala kayo dyan....

.
" Alam mo ba anak, ang lalaking may-ari ng lupain dito, alam mo ba ang balita ko, naghahanap ng mga trabahador sa farm nila. " Sabi ni Nanay Lilia kay Chris

"Eh  nay, ayoko magtrabaho sa farm, ang init kaya, iitim ako. " Sabi ni Chris sabay kamot sa ulo...

"Anak , ayokong maging batugan ka habang buhay, dahil hindi naman habang buhay nasa tabi mo ako, darating ang araw na mawawala din ako.... "

"Saan  ka naman pupunta nay?.... "

" Ikaw talaga, ang loading mo, magsaing ka na nga nang makapaghapunan tayo.... " Ginulo nito ang buhok ni Chris.

Chris POV
Kinabukasan ay maagang naligo si Chris para pumunta sa bahay ni Don Roman
Si Chris ay 25 taong gulang na, elementary lamang ang natapos dahil sa kahirapan , hindi katangkaran pero maputi at may dimples sa magkabilang pisngi, kataasan ang ilong at makapal ang kilay pati pagmumukha.
Madalas mapagkamalan syang binabae dahil pihikan sya sa babae...
.
Ang nag interview sa mga aplikante ay isang binata na nasa 30 na taong gulang sa hula ni Chris
Matangkad, moreno, at of course ubod ng gwapo at matikas ang katawan
Napanganga na lamang si Chris dahil hindi lang pala sya ang pinakagwapong tao sa buong mundo...
Sya na ang susunod na ininterview at di sya maka focus sa sagot nya dahil bukod sa wala talaga syang msisasagot ay nakatingin sya sa mukha nito....

" Excuse me? "  Sabi ng lalaki...

" Ah well ah, yes, yes po! " Nasagot nya bigla...

"Anong  yes? Ang tanong ko, anong alam mo na trabaho sa farm... " Sabi ng lalaki na medio naaasar...

" Wala po eh..." Mahina nyang sabi...

Napabuntong-hininga ang lalaki...

" Pero marunong po ako sa mga gawaing bahay tulad ng paglalaba, pagluluto, pagwawalis, pagsisibak ng---"

" Enough , may mga katulong na kami rito.. "

" Sige  na po please kahit hardinero o yaya..." Pagbibiro n'ya rito.

"Ang  tigas ng ulo mo, lumabas ka na nga! " Singhal ng lalaki.

"Sige  na po senyorito, wala na po kaming makain, may sakit po ang nanay ko... " Pagmamakaawa n'ya rito.

Naantig ang puso ng lalaki..

" Pweding ako nalang ang manager nila? "  Pabiro nyang sabi...

Mas lalong nainis ang lalaki...

" Sige na please!! "Lumuhod  si Chris at nagmamakaawa... 

" Sige , magsimula ka bukas.. "

Yes! Napatalon si Chris sa saya at naiiling na lamang ang lalaki....
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
" Anak natanggap ka ba? "  Tanong ni Lilia...

" Opo nay, kung di ko sinabi na may sakit ka at wala na tayong makain ay di ako tinanggap... "

Nanlaki ang mga mata nito.

" Walang hiya kang bata ka! "  Binatukan nito si Chris...

" At least natanggap ako nay... "

" Eh ano pa nga ba edi salamat sa ginawa mo.. " Nakasimangot na sabi ni Lilia.

" Nay kung buhay pa si Tatay, palage ka sanang nakangiti ngayon.... "

"Anak , wag mo ng banggitin ang patay, gusto mo bang dalawin ka mamaya ng tatay mo? "

SenyoritoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon