Maraming tao sa gabing yon doon sa pamamahay ng Mondragon, tahimik lamang si Chris na nagmamasid, pasimpleng pumasok sa loob ng bahay at umakyat sa hagdanan papunta sa kwarto ni Jacob... Nakita nya agad ang cellphone ni Jacob dahil nagliliwanag ito
Nakailang tawag na pala doon si Russell.
( Naakasilent mode pala, sabi nya sa isip buti naman. )
Dahil madilim doon ay ginamit nya na ilaw ang cellphone pero may nadinig syang mga yabag na papalit doon sa kwarto kaya dali-dali syang nagtago sa cabinet...
Hindi nya nakita ang tao pero naaninag nya na naghalughog ito sa paligid pero mas swerte sya dahil umalis na din ito...
.
Lalabas na sana sya pero may nakapa syang parang lock ng pintuan, pinihit nya ito at laking gulat nya dahil may hagdanan doon pababa.
" Paano nagkaroon ng pintuan sa loob ng cabinet? Ang weird diba? " Pabulong nyang sabi.
.
Tinahak nya ang daan pababa,at buong ingat na pumanaog sa hagdanan..
Ginamit nya ang flashlight ng cellphone nya...
Nakarating sya sa ibaba pagod at humihingal..
( Langya tong hagdanan na to, pero wala na syang makikitang pweding daanan doon dahil sementado lahat at mukhang luma na ito. )
" Wala palang kwenta dito wala man lang pintuan! Bulalas nya. May nakita syang lock ng pinto sa dingding, kumunot ang noo nya, pinihit nya ang siradora at nagbukas nga ito...
May mga yabag na naman na papalapit kaya isinara nya ulit.(Langyang buhay to, dami ko ng pawis sa kaba at takot. )Sabi nya sa isipan.
.
May nadinig syang parang boses ng babae, inilapit pa nya ang tenga nya sa pintuan, napalunok sya sa takot..
May multo ba dito?..
.
Binuksan nya ang pinto at lakas loob na pumasok doon..
( Wow grabe naman dito, ang laki naman ng kwartong ito. ) Sabi nya sa isip..
May nadinig syang sumisigaw na babae at nanghihingi ng tulong.
Dali-dali syang lumapit doon..
May nakita syang isang may edad na lalaki, pinapahirapan ang babae, napalingon ito sa sa kinaroroonan nya at laking gulat nya.
Dahil sa takot ay dali-dali syang umalis doon at hinahanap ang pintuan palabas ngunit dahil ka-kulay lamang ito ng dingding ay nahirapan syang hanapin, papalapit na ang mga yabag, mabuti nalang nahanap nya ang pintuan, sinarado nya agad ito..
.
"Di ako makapaniwala. " Pabulong na sabi n'ya.
Nanginginig sya sa takot at nahimatay...
.
Kinabukasan ay nagising si Chris sa kagat ng mga lamok." Ang lamig pala dito pero andaming lamok sheyt. "
Agad nyang naalala ang nangyare kagabi.
.
"( Walanghiya nakatulog pala ako sa sahig kaya pala ang lamig. )
"Si Maxine, kailangan ko syang iligtas. " Pabulong na sabi n'ya.
.
Luminga si Chris sa paligid.
Walang tao kaya lumapit sya sa kinaroroonan ni Maxine.
Maraming pagkain sa loob ng kwartong yon..
Nakatakip ang bibig ni Maxine ng masking tape kaya hindi sya maintindihan ni Chris, kain ng kain sya samantalang mangiyak-ngiyak si Maxine sa takot." Di kita maintindihan eh, wow may burger at donuts! Panalo to! "Bulalas ni Chris.
.
" Ay oo nga pala, ililigtas pala kita! " Dali-daling tinanggal ni Chris ang mga tali sa kamay at paa ni Maxine..
.
Itinakas nya ito mula sa bahay na yon at inuwi sa bahay nila.Di nya alam kung bakit pinagtitinginan sila ng mga tao..
.
Nagsalita si Maxine pero di pa din naiintindihan ito ni Chris kaya tinanggal ni Maxine ang masking tape na nakalimutan nyang tanggalin kanina..
.
" Nakakaasar ka din no? Nanganganib na nga ang buhay natin gumawa ka pa ng kalokohan." Inis na sabi ni Maxine." Now tell me, anong nangyare pala bakit buhay si don Roman? O multo lang yon. "
" May kambal si papa, sya ang pumatay kay papa at mama. "
.
" Means inosente pala si Jacob ko? " Tuwang sabi niya.
.
" Jacob mo? Ewan ko sayo puro kalokohan magseryoso ka naman! "
.
" It means ba inosente si seniorito? "" Oo pero wala pa tayong sapat na ebedensya. "
.
" Ang mga camera sa bahay, baka makakuha tayo doon ng ebedensya. " Aniya rito.
.
Napairap ang mata ni Maxine. " Finally , may utak ka din naman pala akala ko wala. "" Eh kung ibabalik nalang kaya kita doon sa loob? " Seryosong sabi n'ya rito.
" Oy huwag nagbibiro lang naman ako. " Anito at natawa s'ya.
.
BINABASA MO ANG
Senyorito
Short StorySo , this is my draft story , i'm aware of ungramatically incorrect grammars and spellings because I am not a professional writer and I wrote this story when I was just 10 years old..... Uhmmm I still working on progress and don't worry , I will dev...