Continuation

26 6 2
                                    

" Baliw! Ey tumingin din kaya siya sayo oh. Tingnan mo rin."

" Red, anong nangyayari kay Rex? Ba't di nya ko maaalala?" Mangiyak ngiyak nitong sabi.

" Ewan. Doctor ba ko?" Sarcastic na sabi ni Red.

" Sinabi ko ba! Ha?" Sigaw din ni blacky.

" Alam mo Blacky." Umpisa ni Gray.

" Ano?" Sagot nito.

" Napaka oa mo!" Pasigaw na sabi ni Gray.

Dali dali naman tumayo si Blacky.

" Blacky? Saan ka pupunta?" Tanong ni Blue.

" Pupunta sa Doctor." Malakas nitong sigaw.

Sinundan namn ito ni Red at White. Pagbalik  nito sa kwarto kasama na nila ang doctor.

" Doc, anong pinainom mo sa kanya? Ba't di nya ko naalala." Sumbat ni blacky.

Grabe talaga tong si blacky.

Napangiti lang ang doctor. " Iho, she's okay. Di naman nabagok yung ulo niya kaya pwede na siyang uuwi ngayon."

"Pero bakit nga ho doc? Di nya kasi kami naalala." Malungkot na sabi ni blacky.

" Iha, ok ka lang ba?" Sabi ni Dr. Ong.

" Yes ninong. Sobrang okay." Nakangiti kong sabi.

" O sige na maiwan ko na kayo. Marami pa kong asikasohin na pasyente." Sabi nito.

Nakangiti ko naman itong kinawayan ng lumabas ito ng pinto.

" Red, Blue, White at Gray buti na lang at bumisita kayo sa akin." Masigla kong sabi.

Natigilan naman sila sa sinabi ko.

"Bro, mauna na ako sa baba ha." Malungkot na sabi ni Blacky.

Kinindatan ko naman sila at natawa na lamang kami sa inakto ni Blacky.

" Blacky!" Natatawa kong sigaw.

Pero di mn lang niya ko nilingon. Bahala sya.

Niyakap ko sila isa isa.

Nag group hug kami ng may kumatok sa pinto.
Napatingin kami sa pinto.

" Isama nyo naman ako." Nakasimangot na sabi ni blacky.

" Sure. Ang oa mo dude." Natatawa kong sabi sa kanya.

Nag group hug ulit kami. Ang saya pala sa piling pag kasama sila.

Nagkwentuhan lang kami at bago pa mn nila ako iwan ay nag story telling pa tong si Red. Bago ako nakatulog.

..........................

Mansyon

 

Kain. Tulog. Ligo. Yan lang ginagawa ko sa loob ng dalawang linggo. Nandito pa rin si Lolo sa bahay.

Ayaw niya talagang umuwi.

"Apo, kakain na." Sigaw nito.

" Lo, ayoko. Ayokong kumain." Sigaw ko rin.

" Wag ng matigas ang ulo, Rex. Sisirain ko talaga tong pinto." Naiinis nitong sabi.

"Edi sirain mo. Tulungan pa kita...

Napatingin ako sa may pintuan ng bumukas ito.
Sinamaan lang niya ko ng tingin.

"Akala ko ba sisirain mo, lo!"

" Rex, please wag ka namn ganyan sa'kin."  Sermon nito.

" Lo, di ko naman sinabi sayo na mag stay ka dito. May choices ka. Pwde kang umalis ngayon, bukas, anytime lo. Di kita pipigilan." Sigaw ko.

Ganito na ako. Ito na ang ugali ko. Ganito na talaga ako.

"Rex, pero pinapangako ko sa mga magulang mo na aalagaan kita. Ayoko kong biguin yun." Pagdadahilan niya.

" Lo, tigilan mo yan. Ikaw nga matagal mo na akong niloloko. Matagal mo ng alam na wala na si mommy at daddy pero ano tinago mo sa'kin , Lo."

Di ko na kayang pigilan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala. Hinayaan ko lang ang sarili ko na umiyak.

" Umalis ka na. Iwan niyo na ako. Kagaya ka rin namn nila eh." Umiiyak ko pa ring sabi.

Niyakap niya ko ng mahigpit.

" Hindi. Hindi kita iiwan. Ssssshhh tahan na di ako tulad nila, Rex. Tandaan mo yan."

ANG BOYISH NA MAGANDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon