Chapter 3

60 5 2
                                        

Dahan dahan akong umaakyat sa puno. Tumalon ako at buti na lang sa damuhan ang bagsak ko.

Dahan dahan akong naglakad ng papuntang sala. Gising na pala yung mga katulong. Dali dali akong nagtago sa sofa.

"Saan ka galing?" Nanlambot ang tuhod ko ng marinig ko ang boses na yun.

Napatayo ako sa pwesto ko at kinakabahan nilingon si Lolo. Di ko alam na pumunta pala sya dito kahapon. Nakalimutan ko tuloy . Wrong move Rex.

" Sa tabi tabi lang po, Lo." Matamlay kong sabi. Sinamaan lang nya ko ng tingin. Di ko na lang siya pinansin at naglakad na lang.

"Rex, hindi pa tayo tapos!" Bulyaw nya kaya napahinto ako sa hagdanan. " Ang dami na ng demonyo sa katawan mo. Pag uuwi ng ng mommy mo pabibinyagan kita ulit. Tskkk"

Tinaasan ko lang siya ng kilay. Ba't ba napake alamero nya.

" Rex, kinakausap kita! Sumagot ka ng maayos! " sigaw nito muli.

"Tapos ka na ba, Lo? Kung tapos na matutulog na'ko." Sigaw ko rin sa kanya.

Napailing iling lang si Lolo sa'kin. Bahala sya sa buhay nya.

Pumunta ako sa kwarto at natulog. Kailangan kong makapagrelax ngayon.

Tok! Tok! Tok!

Nagising ako sa lakas ng katok ng pinto. Tanghali na pala. Di ko na lang pinansin ito at nagtulog muli.

"Apo gumising ka na!" Sigaw nito. Teka ba't boses yun ni lolo. Pati ba namn sa panaginip napaka epal nya.

" Gigising ka dyan o hindi!" Sigaw nito muli. Teka totoo pala talaga na si Lolo. Umupo ako at napakamot sa ulo.

" Lo. Ayokong bumaba. Bahala ka dyan !" Sigaw ko din sa kanya. Kanina pa nya ko sinisigawan ah.

" Ayaw mo talagang bumaba?" Iritable nitong sabi sa'kin.

Nanatili lang akong nakaupo at nakinig na namn sa paulit ulit sinabi sa'kin tuwing nandito siya sa bahay.

"Ayoko nga diba! Bakit ba, Lo?" Bulyaw ko sa kanya.

Napataas ang kilay ko ng biglang bumukas ang pinto. Nandoon si Lolo na masamang nakatingin sa'kin.

" Hija, kaya ako nandito para kausapin ka. Lolo mo pa rin ako. Kung ayaw mo sa'kin. Okay lang. Basta't irespeto mo rin ako bilang tao. " seryoso nitong sabi.

Ba't parang ako na namn lagi yung may kasalanan? Di kasi sya sa kalagayan ko. Kaya sya ganyan.

Napatingin lang ako sa kanya kahit gusto kong umiiyak. Nagawa ko pa rin ngumiti sa kanya. Alam ko  mali ako. Alam ko yun.

" Nandito ka din ba, Lo para sermonan ako?" Mahinahon kong sabi. Gusto  ng kumawala ng luha ko pero ito parin ako aakto na parang di ako naapektuhan.

" Rex, alam mo ba kung bakit ako nandito. Gusto ko lang sabihin sa'yo na patay na ang mommy at daddy mo." Simula nito. Napaluhod ako ng marinig ko yun mismo sa kanya. Umiiyak lang ako ng umiiyak. Bakit ganito? Bakit palagi akong iniiwan?

"Kahapon mo ko gustong sabihin pero nahihirapan akong kausapin ka." Malungkot nitong sabi.

"Lo, iwan nyo muna ako dito." Matamlay kong sabi sa kanya. Pero ni manlang nya ako iniwan. Nananatili lang syang nakatayo duon.

"Apo, dito lang ako di kita iiwan. Alam ko kailangan mo ng makakausap ngayon." Sabi nito. Lalapitan na sana nya ako pero mabilis akong umilag.

"U-umalis ka na  k-kaya ko na ang sarili ko, Lo. Sanay na kong mag isa. Iwan mo na ko." Nauutal kong sabi.

"No. Hindi kita ii---------

" Umalis ka na!!!!" Pasigaw kong sabi.

Malungkot namn nya akong tiningnan bago nya ako iniwan.

Ni lock ko ng mabuti ang pinto. Umiiyak lang ako ng umiiyak ito lang talaga ang magagawa ko.

Dalawang araw na ng sinabi iyon ni Lolo. Pero di ko pa din tanggap. Di mn lang nila ako sinama.

Dalawang araw na di ko kumakain. Di ko nagawang magbihis. Di ko na alam ang gagawin ko. Wala namn di akong silbi sa mundo.

Kung minabuti ko lang sana ang paggawa ng kalukuhan dito sa bahay edi sana buhay pa si Mommy at daddy ngayon.

Sobrang sakit ng tyan ko. Napatayo ako at dahan dahan naglakad habang nakahawak sa tyan.

"Ang sakit....ahhhhh Lo tulong." Sigaw ko.

Di ko alam siguro ito na talaga ang katapusan ko . Bago ako mawalan ng malay nakita ko si Lolo na nag aalalang tumingin sa'kin.


ANG BOYISH NA MAGANDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon