Chapter 4

23 7 1
                                    

Nagising ako sa di pamilyar na lugar. Ba't ako nandito? Pilit kong inaalala ang mga nangyayari. Napahinto ako sa pag iisip ng may tumapik sa 'kin sa braso.

"Apo, mabuti naman at gising ka na. May masakit ba sayo? Nagugutom ka ba? " malungkot niyang sabi.

Duh! Piling concern tong si lolo. Yan pinaka ayoko sa lahat nagiging concern lang pag may sakit. Di ako sanay period.

"Lo, pwede ba wag kang ganyan sa harapan ko. Di bagay." Matamlay kong sabi.

Nginitian lang niya ko pero nakikita ko pa rin yung lungkot.

Ipinikit ko na lang ang dalawa kong mata. Nagtulog tulogan ako hanggang sa marinig ko ang pagsira ng pinto.

" Lolo, gising na ba si Rex?" Ba't parang pamilyar.
I open my eyes and now I know. Kahit di ko nakikita alam ko kung sino.

"Mamaya mo na lang kausapin. Pagod pa yun."  Sabi ni lolo.

" But I want to see her, Lo. Sandali lang naman." Pagkukumbinsi niya ulit.

Yun lang ang huli kong narinig ng bumukas ang pinto.

"Alam ko na gising ka. Stop acting you're not good on it." Umpisa niyang sabi.

Ibinuka ko na lang ang dalawa kong mata.

"Anong ginagawa mo dito?" Kalmado kong sabi.

" Wag kang feeling, nandito ako para kay Lolo." Mataray niyang sabi.

" Ehh bakit nandito ka?! Nasa labas si Lolo!" Sigaw ko.

Tinaasan lang niya ako ng kilay. Ang sarap burahin ey drawing lang naman. Nakahawak ito sa ulo at naiinis na tumingin sa 'kin.

" Isip bata! Tsk pag si lolo talaga pumayag kawawa ka talaga!" Sigaw niya.

I hate this person. Bw*s*t talaga sa buhay ko!

" Ey di pauwiin mo sya. Kasalanan ko pa ba yun?" Sarcastic kong sabi.

Ayan magalit ka lang.

" Wala ka pa ring pinagbago, Rex! Para kang walang pinag aralan. "Seryoso niyang sabi at lumabas.

Napahinto ako sa sinabi nya. Edi okay. Ako na ang mali , ako naman talaga.

Napapikit ako at pilit na pinapakalma ang sarili. Wag kang magpapa apekto Rex. Please wag sabi ko sa sarili.

..............

"Bahala ka dyan. Si blue na lang kaya ang bumili."

"Anong ako si Blacky na lang kaya."

" Masakit tyan ko. Si Gray na lang."

Ang ingay nila grabe. Eh magkaharap lang namn pero puro sigaw ng sigaw.

" Masakit ang paa ko. Si Red na lang." Pagdadahilan ni Gray.

Andyan lang ako sa kama nakikinig.

" Red ikaw na lang kase.  Bilhan mo lang namn tong si Rex ng prutas at pagkain. Tsaka damihan mo ha dito tayo kakain." Sigaw ni White.

Nanlaki namn ang mata ni Red.

" Ayoko. Masakit ang ang..... ang puso ko." Pagdadahilan nito.

Umupo ako sa kama at agad namn nila akong napansin.

" Rex sa wakas nagising ka na rin. Nag aalala ako sa'yo." Malungkot na sabi ni Blacky.

Naku! Isa pa to.

" Rex, may masakit ba?" Sabi ni Gray.

"Rex, naririnig mo ba ako? "Sabi namn ni Red.

" Siraulo malamang may tainga eyyy" singit sa usapan ni Blue.

Tumayo namn si Blacky at mabilis akong niyakap.

"Hoy! Blacky napaka oa mo talaga." Natatawang sabi ni Red.

" Namimiss ko lang talaga to si Rex." At niyakap niya ako ng mahigpit.

" Teka, teka lang!" Sigaw ko. Napaatras namn sila at natigilan.

" Hala ka blacky. Ginalit mo talaga si Rex. Patay ka talaga." Kantyaw ni Red.

" Sino kayo?" Seryoso kong sabi.

Ang sarap nilang asarin. Na speechless. At nagtitigan lang sila sa isa't isa.

" Umalis  na kayo. Alis!!!" Sigaw ko muli.

Nataranta namn sila sa sinabi ko. Wow ang galing ko siguro. Nanatili pa rin silang nakatayo.

"Alis!" Sigaw ko muli.

Gusto kong matawa sa reaction nila. Grabe to!

" Hala ka White. Alis daw ohh." Sabi ni Blacky.

"Bakit ako? Kayo ang sabi ni Rex." Pagdadahilan niya.

" Ikaw daw. Tingnan mo sayo lang siya tumingin. Ibig sabihin umalis ka raw." Sabi ulit ni blacky.







ANG BOYISH NA MAGANDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon