Chapter 5

41 5 1
                                    

Pagkatapos ng iyakan natulog ako ulit. Wala na akong gana sa buhay.

Sabado na ngayon kaya napag desisyonan ko ng bumaba. Nasa may pintuan ako ng makasalubong ko ang isang sa mga katulong.

Napakurapkurap ang mata nito habang nanlalaki. Parang multo lang.

" Hoy! Ano?!" Sigaw ko.

" Kase po ma- master ang gulo ng buhok mo tapos t-tapos....

" Ano nga?!" Naiirita ako sa pagmumukha nya. Di ako naiinggit period.

Ang kapal ng make up. Red lips si Manang. Wow feeling bagets.

Napayuko ito at napakamot sa ulo. " Tapos may bisita yung lolo mo sa baba m-master." Seryoso nitong sabi.

" Ano namn ngayon? Nagugutom ako. Gusto kung kumain."

Nauna na akong naglakad pero agad na namn niya kong hinarangan.

" P- pero Master bawal nga. Baka manggulo ka don. Yun ang sabi ng lolo mo.  Ako na lang ang kukuha ng pagkain sa baba." Nakayuko pa rin nitong sabi.

" Oh sige. Bigyan mo ako ng tubig yung madaming yelo." Masaya kong sabi.

Dali dali namn itong bumaba. Nang bumalik ito dala na nito ang isang basong tubig na may yelo.

Umupo ako. " Dito mo ilagay manang. "

" Okay Master. Kung may ipapautos ka tawagin mo lang ako." Nakangiti niyang sabi at naglakad papuntang sa kabilang kwarto.

" Manang." Napalingon namn ito at mabilis na tumakbo sa gawi ko.

" Ano kailangan mo master?"

" Wala namn. Tinawag lang kita." Nakangiti kong sabi.

Nagtaka namn siyang tumingin sa akin. " Akala ko may kailangan ka." Agad namn itong napakamot sa ulo.

" Gusto ko ng bumaba. Wala na ba yang mga bisita na yan." Singhal ko.

Nanatili lang siyang nakatayo at napailing. Bahala sila. Ano naman ngayon kung makita ako ng bisita na yan?

" Nandon pa sa baba Master." Seryoso niyang sabi.

" Bababa na ako. " sigaw ko.

Tumakbo ako papuntang kusina at umupo sa silya. " Manang Lourdes, nasaan ang pagkain dito?!" Singhal ko sa mga katulong.

" Wait lang Master."

Nang bumalik ang mga katulong bitbit na nila ang mga masasarap na pagkain.

" Manang, tubig. Nauuhaw ako!" Sigaw ko muli.

Pumunta namn si Manang lourdes sa harapan ko at kinuha ang isang basong tubig.

Ang sarap ng pagkain ngayon ah. Iba talaga pag may bisita. Pero pag wala balik sa itlog, hotdog, at sausage.

Sinulit ko talaga ang pagkain. Nagkamay lang ako at pagkatapos kong kumain.

Pumunta akong lababo para maghugas ng kamay at maghilamos.

" Don Emilio. Kailan ka babalik sa probinsya?" Tanong ng bisita ni Lolo.

Napahinto ako at nakinig. Mabuti at aalis na si Lolo.

" Siguro sa susunod na araw. Marami pa kong inaasikaso sa ngayon." Sagot namn ni lolo.

"Mabuti kung ganon. Nasaan pala yung apo mo?" Tanong nito.

Napahinto ako sa pakikinig. Ba't nasali ako?

" Yan na ba si Rex? Ang laki laki na ah." Nakangiti nitong sabi.

Tiningnan namn ako ng masama ni Lolo. Tumayo lang ako doon. Galit na namn.

"Hi po." Nakayuko kung sabi.

"O hija, ang laki mo na ngayon. Buti naman at nagkita muli tayo." Nakangiti nitong sabi.

Nagkita? Destiny na ba ang tawag non? Charrs

Nakakunot noo lang akong tumingin sa kanya. "Ahmm alis na kayo." Sabi ko.

Nanlaki namn ang mata ni Lolo. May mali ba sa sinabi ko?

Kaya namn pala. " kasi gabi na po. May bagyo ata ngayon kasi umuulan." Nakangiti kong sabi. Todo ngiti talaga ako sa kanila. Yung makita talaga ang gums ko.

" O sige na Mang Emilio at sayo hija." Nakangiti pa rin niyang sabi.


"O sige po ingat po kayo sa byahe." Magalang kong sabi at nagmano.

Babalik na sana ako sa kwarto ng pinilan ako ni Lolo.

" Dyan ka lang walang aakyat!" Sumbat nito.

Di ko na lang siya pinansin at nanood na lang ng tv.

Nang bumalik ito  tinapon niya ang isang malaking envelope.

" Ano yan Lo?!" Naiinis kong sabi.

" Buksan mo." Singhal nito.

Dali dali ko namn binuksan at tumambad sa'kin ang litrato ni mommy at daddy bago sila naaksidente.

Gusto ko na namng umiyak pero pagod na ako. Ayoko na.

Tumayo ako at naglakad papuntang kwarto. Naupo ako sa kama at kinuha ang letter galing sa envelope.

Dear Rex,

       I miss you so much my daughter. Sorry dahil wala na kaming time sa'yo. I hope you're doing great. I love you anak tandaan mo yan. Proud kami ng daddy mo sayo. Wag ng pasaway. I love you♡

                                                    From : Pretty Mom

Pagpakatapos kong mabasa. Gumaan na ang pakiramdam ko.

Sana sinulit ko na lang yung oras ko na kasama sila. Bakit ako pa?

Pag sa school yung makikita mo yung mga classmates mo kasama ang parents nila nakakainggit. Gusto kong maramdaman yung feeling na yon. Pero di na yon mangyayari.

Lahat nga ng subject binagsak ko para umuwi sila dito sa bahay pero mali na namn ako. Madami na kong nagawa pero wala pa rin.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ANG BOYISH NA MAGANDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon