Chapter 2. Stain

66 2 0
                                    

[Chapter 2]

"Katie, meet Drew. He's my son. Drew meet Katie, Kyle's daughter." Napatingin ako sa tumabi sa akin. Pinapanuod niya ako habang nagbabasa. Ang weird niya. Nakangiti ba naman? Yung ngiting parang may ginawang kasalanan. Ugh!

"I'm Katie Dale G. Dickson, Kate for short." Pagpapakilala ko sa kanya at inalok siya ng handshake.

"Hey Kade, I'm Eugene Drew P. Cabanilla. Nice meeting you." Sabi niya ng naka-smirk. Is he deaf? It's Kate, not Kade, duh!

"Let's eat merienda na!" Nabaling ang tingin ko kay Tita Emelie. Kahit conyo siya magsalita, ang ganda pa rin niya. Kumuha ako ng cupcake sa table, then chocolate drink.

Busy ako kumain ng bigla akong kalabitin ng katabi kong si Drew.

"What?" Tanong ako. Nabigla ako ng pinunasan niya ang gilid ng labi ko, What is he doing?

"May chocolate kasi," Sabi niya. Oh, kaya pala. Akala ko kung ano.

Bumulong ako kay Papa, "Pa? Bakit pala tayo nandito kila Tita Emelie?" Tanong ko. Hindi niya sinagot ang tanong ko.

"Before I forget, kaya pala kami nandito kasi 'di ba nung bata pa kayo, you promised to each other na magpapakasal kayo." Remind sa amin ni Papa. Napanganga na lang ako, did we really do that?

"Oh. Oo nga pala. 'Di ba Drew you promise it to me?" Napatingin kami ni Tita Emelie kay Drew. Nagkibit balikat lang siya.

"Ang pakay ko talaga ay maging close kayo kasi gusto namin matupad ang pinangako niyo dati." Sabi ni Papa. What?

"Yeah!" Pag-sang ayon ni Tita.

"Papa but I can't remember what happened years ago." I exclaimed.

"I'm gonna tell the story!" Masayang sabi ni Tita Emelie. Napunta sa kanya yung attention ko.

"When you and Drew was young, you were really close. Sabay kayong lumaki. Madalas sa favorites niyo pareho, like Sinigang, favorite niyo yun dati. Ewan ko lang ngayon. Ayaw niya nga dating mahiwalay sa isa't-isa eh. Six years old kayo nung aalis tayo Drew papuntang America. Iyak ka ng iyak nun. Ayaw mo kasing mahiwalay kay Katie. Ganun din si Katie. Panay iyak kasi sa Maynila na sila titira. At bago tayo sumakay ng kotse Drew, hinawakan mo kamay ni Katie and promised in front of us na magpapakasal kayo in the future." But – how come I don’t remember anything?

Nagpaalam muna ako saglit at nag-cr. Pagbalik ko narinig kong nagsasalita si Drew.

Umupo na ulit ako sa tabi ni Drew. "Mom, I can't remember those things." Saad ni Drew. Kahit ako eh. Wala akong maalala. Tumingin siya sa akin sabay ngisi. What the heck? Problema nito?

"Baka dahil bata pa kayo nun kaya 'di ninyo maalala." Sabi ni Tita. "But you can make new memories!" Pahabol ni Tita. What the?

Consigned to oblivionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon