"Tita Rems, buti na lang at natawagan kita. May idudulog kasi ako sa inyo." Huminga nang malalim si June bago magsalita sa telepono.
"Ano ba 'yon hijo? May problema ka ba sa farm?" nag-aalalang tanong ni Nanay Remmy.
"No, actually this is very personal... At isang malaking problema."
"Sige. Makikinig ako."
"Can you help me to find an investigator? 'yong pinakamagaling sana." May panginginig pa sa boses niya nang sabihin iyon.
"May babae kasi akong kasama rito at akala niya, ako ang asawa niya."
"June! Huwag mo sabihing nangidnap ka ng babae?" puno ng pagkagitlang sigaw ni Nanay Remmy kahit ayaw niyang pag-isipan nang masama ang pamangkin. Hindi naman gano'n ang pagkakakilala niya kay June.
"Tita, let me explain and don't just jump out in those conclusions," kalmadong pahayag ni June.
Sinalaysay niya lahat kung paano niya natagpuan si May sa bakuran hanggang sa setup nila ngayon. Nakahuma naman si Nanay Remmy at pinangakong bibigyan siya ng mabilisang feedback. He also sent May's pictures, maaring makatulong iyon sa paghahanap ng impormasyon tungkol sa dalaga.
"Thanks Tita Rems, tayo-tayo lang ang nakakaalam nito huh?" pakli ni June.
"Oo, makakaasa ka. Mag-iingat ka palagi."
He sighed as he hang up the phone. Isinandal niya ang ulo sa headboard. He's so tired the whole day and he badly wants to sleep. Kung dati ay madali siyang makatulog, ngayon ay hindi na dahil sa kaiisip kung paano ibabalik si May sa tunay nitong pamilya. Mabilis na lumilipas ang araw at mauubusan na siya ng oras. Isang buwan lang ang palugit niya sa sarili.
Kapag tumagal pa sa poder niya si May, baka hindi na niya alam ang gagawin. Ayaw niyang masanay sa presensiya nito.
Minabuti niyang buksan ang dvd player at naghalungkat ng cd na galing pa sa pinsan niyang si Martina. Naalala niya lang kasi ang music na paborito nito, at kadalasan ay rnb soul genre.
He decided to play Justin Timberlake's album. There, he played "Until The End Of Time" kung saan ka-duet ng nasabing singer si Beyoncé na isa rin sa artist na paborito niyang pakinggan.
"Coz if your love is all I had,
in this life
That would be enough
Until the end of time
So rest your weary heart
And relax your mind,
Coz I'm gonna love you more
Until the end of time..."Effective nga na pampaantok ang kantang iyon dahil unti-unting bumibigay ang kanyang mga mata.
Malapit na sana siyang makatulog nang mahimbing kung wala lang kumatok sa pinto.
"Si Nanay Isay kaya 'yon?"
Medyo tinatamad siyang pagbuksan ng pinto ang kung sinumang kumatok pero wala naman siyang choice. Pero imbis na si Nanay Isay, si May pala ang may sadya sa kanya. Nagising ang diwa niya at buong pagtatakang pinagmasdan ang pagluha nito.
"Bakit? Anong problema?"
"June, nanaginip na naman ako nang masama. Parang bangungot, may nagtatangka raw sa buhay ko at gusto akong patayin," tumatangis na sagot ni May at yumakap sa kanya.
"Hush, walang mananakit sa'yo," buong simpatyang usal ni June. Ginantihan din niya ng mahigpit na yakap si May at hindi iyon labag sa kanyang kalooban.
"Natatakot ako," usal ni May habang nakasandal ang ulo niya sa dibdib ni June. Ramdam niya ang kapanatagan dahil yakap siya nito.
"Dito ka na matulog." Nangilabot siya nang sabihin iyon. Heto na nga ba ang sinasabi niya, posibleng higit pa doon ang mangyari dahil magkasama sila sa iisang bubong.
Hindi siya tinanggihan ni May. Tinabihan niya ito sa kama at hinayaan niyang yapusin siya nito.
"Salamat..."
Iyon ang huli niyang narinig bago ito magpatalo sa antok.
At kinabukasan, isinulat na naman ni May ang masayang gabi kasama si June. Well, magkatabi lang naman silang matulog pero umaawit pa rin sa kagalakan ang puso niya. Wala na siyang ibang demand, as long as kasama niya lang si June.
Magana siyang nagluto ng almusal. Mabuti na lang at mas maaga siyang nagising. Syempre sakto rin ang hinanda niya para makakain si Nanay Isay.
"Magugustuhan niya ito..."
Puno siya ng enthusiasm hangga't saatapos siyang magluto. Sakto, gising na ang dalawa.
"Magandang umaga po!" masiglang bati niya. Iyon ang kauna-unahang beses na nakita nina June at Nanay Isay ang kakaibang sigla ni May.
"Anong mayro'n?" puno ng pagtataka sa mukha ng ginang. Napatingin din siya kay June.
"Basta, masaya lang po ako kahit may masama akong panaginip," wika ni May at kahit sa paghahain sa mesa ay 'di pa rin mawala-wala ang kanyang ngiti.
"Saglit lang, pupunta lang ako sa labas. Titingnan ko si Puti," sabi pa ni June. He twitched his brows while looking at Nanay Isay, na-gets naman nito na gusto niya itong kausapin kaya sumunod ito nang 'di namamalayan ni May.
"Mayro'n daw gustong pumatay kay May, ayon sa panaginip niya. Kinatok niya ako kagabi at magkatabi kaming natulog," pagtatapat ni June na ikinagulat ni Nanay Isay.
"Huwag mo sabihin na kaya ganyan kasaya si May kasi—"
"Nay, hindi gano'n. Tinabihan ko lang siyang matulog, ni hindi ko siya hinawakan. At 'yong panaginip niya, posibleng bahagi ng past niya. Kaya nga kailangan ko nang mahanap ang pamilya niya." May kirot sa puso niya nang maisip na maghihiwalay din sila ng landas. Ewan ba niya, hindi pa sila matagal na magkasama pero kahit papaano'y attached na siya rito.
At kinagigiliwan niya ang ugali ni May na sobrang masiyahin at determinadong matuto.
"Mamaya na tayo mag-usap, baka makahalata siya," sambit ni June at muling pumasok sa bahay.
Kibit-balikat na sinundan siya ni Nanay Isay.
BINABASA MO ANG
May With June [FINISHED]
RomanceGusto lang namang makalimutan ni June ang yumaong fiancé ngunit hindi niya kayang gawin, dahil siya na mismo ang gumawa ng bakod sa puso niya upang hindi na magmahal ng iba. Ngunit isang gabi, nawindang na lamang siya dahil sa isang babaeng natagpua...