Nakatanaw mula sa glass window ng ward si June. Mino-monitor pa kasi ng nurse ang pasyenteng dinala niya sa ospital.
He even saw his own reflection through the glass. Maputik na ang suot niyang damit dahil sa lakas ng ulan kanina. Sobra siyang kinabahan para sa babaeng sinagip niya.
Is she a victim of rape or any form of abuse?
Kung titingnan, puro latay ang katawan ng babae. Maging ang maliit at maganda nitong mukha ay puro na rin sugat.
Napasinghap na lang siya nang lapitan siya ng mga pulis at hiningian siya ng salaysay tungkol sa natagpuang babae.
Sa kasamaang palad, walang makuhang pagkakakilanlan sa babae kahit stable na ang kalagayan nito, tanging relo lang ang natirang gamit nito— and it's not an ordinary one, parang may special features ang relo kaya minabuting itago muna iyon ni June. Sinabihan na lamang si June ng mga pulis na kung maaari'y sa pangangalaga niya muna mapunta ang babae habang hinahanap pa ang pagkakakilanlan nito.
He agreed because he had no choice. Nangibabaw pa rin ang awa para sa babaeng nakaratay ngayon sa hospital bed. Nanay Isay came alone and immediately approach him. Alintana kaagad ni June ang pag-aalala sa mukha nito.
"June, pasensiya na at nahuli ako nang pagdating. Huwag mo sanang sabihin kay Remmy na tinapunan ng bangkay ang farm niya. Baka magalit siya at isiping nagpabaya ako sa—"
"Wala kayong dapat ipag-alala Nanay, hindi magagalit si Tita Rems, at alam ko namang may bakod naman ang farm, kaya lang gawa sa kawayan kaya nasira kaagad." Pinatigil ni June ang nababahalang ginang dahil sa mahinahon niyang paliwanag.
"Hindi na sana kayo pumunta pa, stable naman na ang babaeng nakita namin ni Puti," dagdag ni June at iniyakag sa bakanteng upuan sa harap mismo ng ward.
"Eh siyempre nag-alala naman ako. Kailangan pag nagising na ang babaeng 'yan, dapat makausap din siya ulit ng mga pulis para makabalik sa pamilya niya at mahanap ang gumawa niyan. Kawawa eh," nahahabag na pahayag ni Nanay Isay habang tinatanaw ang babae.
Matiyagang naghintay sina June at Nanay Isay sa resulta ng tests na isinagawa sa babae. Nanlumo sila sa ulat ng doktor. Na-damage ang utak ng babae dahil sa pagkabagok at nagkaroon ng temporary memory loss o maaring ikonsidera bilang amnesia. Mas lalo tuloy silang mahihirapan sa pagtunton ng identity nito.
"Malaking problema 'yan June. Paano natin mahahanap kung sino ang kaanak niyan? I-post kaya natin sa social media?" suhestyon ni Nanay Isay.
"Huwag po, hindi makakabuti para sa privacy niya. Paano na lang kung isa pala siyang biktima ng domestic abuse? Or worst, isang kriminal o kaya member ng mafia?" katwiran naman ni June. Hindi niya gustong husgahan ang babae pero hindi naman malabong mangyari ang assumptions na gano'n lalo na't wala itong anumang bakas ng pagkakakilanlan.
"So gano'n na lang nga. Kailangan muna natin talagang kupkupin siya. Pero pag nagising siya, subukan kaya natin siyang tanungin kung may naaalala pa siya?" si Nanay Isay.
June sighed and glanced at the lady on the hospital bed. "Yup, kailangan po nating gawin iyon."
****
Dalawang araw ang lumipas bago nagkamalay ang kawawang babae na iniligtas ni June. Binundol ng kaba ang puso nina June at Nanay Isay pagkamulat pa lang ng mata ng dalaga.
"Ms., Kumusta ang pakiramdam mo?" pabulong na tanong ni Nanay Isay at inaanalisa ang mukha nito. Maliit ang mukha ng babae at may pagka-chinita, malalantik ang pilik-mata at may matangos na ilong. Lalo pang nagpaganda rito ang labi nitong manipis. Sa wari niya'y galing ito sa mayamang pamilya.
Hindi sumagot si Vanessa at matamang pinagmasdan ang dalawang tao na mukhang worried sa kalunos-lunos na sinapit niya. Kilala kaya siya ng mga ito? Wala siyang matandaan sa nangyari sa kanya at kung paano siya napadpad sa ospital. Bukod pa doon, hindi niya matandaan kung sino ba talaga siya.
"Siguro maiging tawagin ko ang doktor, alam niya kung anong gagawin," payo naman ni June at lumabas saglit sa hospital room.
Sinundan ni Vanessa ng tingin ang lalaking kalalabas lamang. Hindi niya ito kilala pero may nagdidikta sa kanyang puso na dapat niya itong pagkatiwalaan kahit papaano. And also the fact that he's handsome makes her unable to take her eyes off to him. May panghihinayang siyang nadama nang tuluyan itong makalayo. Bakit kaya?
"Ah..." she uttered in a struggled way. Hindi niya alam ang sasabihin dahil hindi niya talaga alam kung ano ang dapat na sasabihin. Wala siyang ideya kung sino siya at kung saan siya nanggaling ngayon.
"Sige, magsalita ka," malumanay na utos ng ginang na kaharap niya.
"Hindi ko alam kung sino ako. Kilala ko ba kayo?" tugon naman ni Vanessa. Iniayos niya ang pagkakabangon sa kama at iniabot ang kamay ni Nanay Isay. "Kayo ba ang nanay ko? Yung lalaki kanina, sino po siya?"
Napabuntong-hininga naman si Nanay Isay. "Natagpuan ka namin sa farm at—"
"Nandito na po ang doktor," pagtigil ni June sa dapat na sasabihin sana ni Nanay Isay.
Hinayaan nilang i-assest ng doktor ang panibagong pagsusuri kay Vanessa. Kumpirmado nga na may amnesia ito. Pinayuhan sila ng doktor na maari namang ma-discharge si Vanessa kung maghilom na ang mga sugat nito.
Nanatiling tikom ang bibig ni Nanay Isay tuwing sinisilip sa ospital si Vanessa sa loob ng isang linggo bago ito i-discharge. Sabi rin kasi ng doktor na hindi pa dapat kinakausap si Vanessa kung may mga pagkakataong nagkakamalay tao ito. Hindi raw kasi makakabuti sa pag-recover, isa pa ay bihira lang naman niyang maabutang gising si Vanessa. Salitan sila ni June sa pagbabantay, at kahit si June bihira lang maabutang gising ito. Kung gigising man ay pinapainom lang ng gamot, pinapakain at nakakatulog na rin kaagad.
Gustuhin man ni June na kausapin si Vanessa, palagi namang walang pagkakataon. But he will do it if Vanessa get some enough rest to recover. He and Nanay Isay called her "Puti", because of her light complexion and also their dog named Puti saved her.
Hangga't sa huling araw na ng pamamalagi ni Vanessa sa ospital, nakatakda na siyang umuwi sa bahay nina June at Nanay Isay. Nakatulog siya sa byahe habang nakasakay sa kotse ni June, kasama rin nila si Nanay Isay.
Hindi naman por que maganda ang pinakita ng mga ito ay dapat na siyang magtiwala. Kaya naisip niya rin na kumuha na lang ng tiyempo at umalis kung kinakailangan para lang malaman kung sino siya. Iyon ang naglalaro sa utak niyang nagka-amnesia bago makatulog.
BINABASA MO ANG
May With June [FINISHED]
RomantizmGusto lang namang makalimutan ni June ang yumaong fiancé ngunit hindi niya kayang gawin, dahil siya na mismo ang gumawa ng bakod sa puso niya upang hindi na magmahal ng iba. Ngunit isang gabi, nawindang na lamang siya dahil sa isang babaeng natagpua...