XI. Angkin

290 30 0
                                    

Pagod… Hapdi… Sakit…

Patuloy kong tinatahak ang daan pabalik sa aking pinanggalingan. Tanging ang orakulo lamang ang nakakaalam sa aking pag-alis.

Malungkot itong nagpasalamat sa aking desisyon. Masakit ngunit ayokong ako ang magiging kasiraan ng mabuting hari na kanilang kinagisnan.

Ang tubig at presensya ni Vistus ang nagpapagaan ng aking damdamin at hinihilom sa sakit na nadarama. Ngayon, tanging ang tubig na lamang ang makatutulong sa akin.

Uminom ako sa sisidlan na ibinigay ng orakulo para sa aking paglalakbay. Wala ng natitira at kailangan kong magtiis hanggang makarating ako ng Eredea Halcon.

“Kamukha ng reyna ni Haring Vistus ang babaeng ito!”

Kinabahan ako sa paglapit ng isang grupo ng kalalakihan sa aking kinatatayuan.

“Binibini, bakit mag-isa ka lang? Gusto mo ba ng kasama?”

Nilagpasan ko sila ngunit agad akong nahaklit ng isa.

“Ang ganitong kagandahan ay hindi dapat nanatili sa daan. Dapat nasa kama!”

Kakaibang kilabot ang dulot ng kanilang mga tawa.

Eredea Halcon… Vistus… Tulong!

“Umuulan pa! Magandang pagkakataon para sa amin ito, magandang binibini.”

Ang panghihinang nadama ay nawala nang pumatak ang ulan sa aking katawan.

Ako’y gamitin mo, Ranaya.”

Mabilis na tumilapon ang nakahawak sa akin ng ito’y aking itinulak.

“Si Vistus lang ang maaaring humawak sa akin!”

Isang mahabang tali ang nabuo sa pagdikit ng mga butil ng ulan. Agad iyong pumulupot sa katawan ng tatlong lalaki na naiwang nakatayo.

“R-Reyna!”

Patuloy pa rin ang ulan nang ako’y makarating sa kinagisnang batis.

“Eredea Halcon, masaya akong makita kang muli.”

Naglakad ako sa tubig upang makapunta sa bato na nasa sentro. Muli kong narinig ang tinig ng aking pinagmulan.

“Ranaya…”

“May kasama ka.”

Gulat na gulat ako sa lalaking tinatawid ang tubig upang makarating sa akin.

“Vistus!”

Nilangoy niya ang tubig upang mas mapabilis ang kaniyang paglapit.

Bumaba ako sa tubig upang siya ay salubungin.

“Pag-aari na kita, Ranaya. Hindi ka lang basta makakawala sa akin.”

Isang marubdob na halik ang iginawad niya sa akin. Tinanggal niya ang roba na pag-aari pa ni Flora at pinunit ang puting manipis na kasuotan na mula pa sa kaniyang kaharian.

“Akin ka. Walang iba ang pu-puwedeng umangkin sa iyo.”

“P-paano ang iyong nasasakupan? Ang digmaan?”

Usal ko sa pagitan ng aming mga halik.

“Isa akong mabuting hari, tulad ko ay mabuti rin ang aking nasasakupan. Susuportahan nila ang desisyon ko.”

Nagmamadaling tinanggal ng hari ang kaniyang kasuotan. Ang mga tela ay lumulutang na ngayon sa aking batis.

“Ayaw ng orakulo na iyan ang desisyon mo.”

Kinagat ko ang aking labi nang dumapo ang halik ng hari sa aking dibdib.

“Sigurado ka, aking Reyna? Alam mo bang ang orakulo ang nagsabing angkinin kita para hindi ka na makakawala sa akin?”

Naging saksi ang Eredea Halcon, ang mga alitaptap, ang sumasayaw na mga dahon, ang mahinang patak ng ulan at ang bilog na buwan kung paano ako inangkin ng Hari ng Vistorata sa gabing iyon.

The Woman of Eredea HalconTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon