01

29 3 1
                                    

Alliah

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa locker room para magpalit ng P.E uniform dahil nga P.E subject na namin, alangan naman History ang subject namin ngayon dahil sa suot namin 'di ba?

Papasok na sana ako do'n sa loob nang biglang may humarang sa'kin ang isang grupo ng kababaehan, mga fans ko sila mga teh! Alam nyo naman gandits ako ehe! Charot! Mga bully 'yan, kala mo naman kinaganda nila pambubully nila. Tse! Mga mukha namang impakta iwww!

"Why is this trash blocking our way?!" galit na saad ng leader nila, Si Fiona, ang leader nilang maarte.

"Girls! Take these trash over there"

Umalis nalang ako sa daanan saka sila pumasok ng grupo nya sa loob. Inirapan pa ako. Tanggalin ko mata mo dyan tamo ka!

Hihintayin ko nalang sila lumabas bago pumasok do'n, ayaw kasi nila na may kasabay sa loob, ang aarte porket mayaman.

Uupo na sana ako nang maka-rinig ako ng sigaw sa loob.

"Ugh! How dare you eat here while I'm here!? So irritating!" Sigaw malamang ni Fiona, nakarinig ako ng malakas na sampal sa loob kaya napagdesisyunan ko na pasukin 'yon.

Nakita ko ang isang babaeng may salamin, may hawak na sandwich, naka-school uniform, at higit sa lahat, umiiyak habang sapo ng isang kamay niya ang pisngi. Halatang siya ang sinampal.

"Isa ka pa! Ba't ka pumasok?! You already know the rules right?" Singhal sa'kin ni Fiona

"May rule ba na bawal maki-alam? As far as I remember there is no rule like that" pang-aasar ko

Nilapitan ko naman 'yung babae, patuloy pa din s'yang umiiyak, namumula ang pisngi nito at halatang 'yon ang naging sanhi ng sampal ni Fiona.

"Gusto mo bang pati ikaw makatikim ng sampal ko?!"

"Ayoko, lalo na't marumi ang kamay mo, alcohol ka muna para payag na 'ko" naka-ngisi kong sambit

"You bitc--"

"Baka nakakalimutan mong magulang ko ang may-ari ng school na 'to at kahit anong oras pwede kitang patalsikin." pananakot ko na ikina-atras niya at ng grupo niya. "Kung 'yung pangungutya mo sa'kin pinapalampas ko, 'yung pananakit mo sa iba ay ibang usapan na."

"So what? Ginagamit mo lang ang posisyon na meron ka dito kasi kayo ang may-ari nito, baka rin nakakalimutan mo, kapatid mo 'ko. Patatalsikin? Tsk, I doubt that."

"Lol, kung maka-asta ka kala mo ikaw tunay na anak, hey nalilimutan mo atang sampid ka? Sino ulit nanay mo? Ah iniwan ka pala no'n sa ampunan." matapang kong saad, alam ko masasakit 'yon pero kulang pa 'yon sa mga ginawa niya sa'kin 'no! Tsk.

"At nalaban ka na talaga!?"

"And? Pake mo? You know? I'm tired of your bitchiness, nakakasawa, eh mukha ka lang namang tanga. Kung maka-asta parang tunay na anak, ulol! I've had enough, and later? I'll tell mom and dad about the stupid stuffs you did." malamig kong tugon saka ko hinatak 'yung pinagdiskitahan nila ng grupo nila.

Pero di pa kami nakaka layo nang hablutin niya ang buhok ko, impokritang 'to! Kagigil!

"Don't you dare tell them, because if you do? I'll make your life feels like hell" bulyaw niya

"Umalis ka na, may gagawin lang ako" pagtataboy ko dun sa babae na sinunod niya naman saka ko hinarap si Fiona.

"You can't stop me. Kahit pa saktan mo 'ko ngayon" malamig kong sabi sa kaniya sabay karipas ng takbo.

Takbo ako ng takbo hanggang sa makarating sa school field. Bigla akong hindi makahinga, naninikip ang dibdib ko.

Hanggang sa nararamdaman ko ang panghihina ko at napahiga, nagiging blurred na ang paningin ko.

Naka-aninag ako ng taong bumubuhat sa'kin, naghahabol pa din ako ng hininga.

"Breathe, huminga ka lang. T-Teka dadalhin kita sa hospital" a voice said which I think is a man's voice, it's deep but has a warm tone, feeling ko ang gwapo ng may boses na 'yon, shet. Ay ano ba Alliah, halos mamatay ka na kume-kerengkeng ka pa.

At ayon mga bhe, nahimatay na 'ko.

**

Nagising akong nakaratay sa isang kama, naka-oxygen at may kung anong nakaturok sa'kin. Dextrose ata 'to? Basta 'yon! Tinanggal ko naman ito.

Ang sakit ng ulo ko at medyo naninikip pa din ang dibdib ko. I managed to stand up and headed towards my parents. I saw them talking to a doctor. Probably discussing stuff about my condition.

"Apparently I'm having a guess about her condition which is--"

"Sorry for cutting you off but I think I'm perfectly fine Doc. There's nothing to worry about me. Napagod lang po siguro ako kasi tumakbo ako then I fainted. There's no big issue. Maraming tao din naman pong gano'n." saad ko

"You can't be sure about that Alliah. We haven't done any test on you yet. But we can assure we will. But for now, kailangan mong ma-confine so we could run some test about your condition." sagot naman ni Doc

"You're just being paranoid lang po, look, nakapag-pahinga na po ako and I'm already okay." pangungulit ko pa

"Anak, we should definitely confine you and they should run some tests on you. This is not the first time this happened to you Lia. Remember when you we're 11? You're playing outside, and all you did is run for only 3 minutes then you ran out of breathe, and fainted. So please anak, agree with it. It's for your own good." mom said

"Mom, it's only the second time right now--"

"Third time Alliah, on your 17th Birthday, the same thing happened." This time si Dad na sumabat. Okay, it is really a big deal for them. Seryosong seryoso kasi si Dad unlike his everyday mood.

"Okay. Let's have a deal nalang. Give me 3 months, kapag walang nangyari sa'kin, you're not gonna confine me here. Pero kung meron, I'll be the one to insist to go here." sabi ko

"But--" I cut Mom off

"Please?"

"Okay.." Mom answered sounded like suko s'ya sa'kin.



Honestly... I'm scared to know what's wrong with me. Scared to know if I'm an ill person. Natatakot ako. And being here at the hospital? Makes me feel I'm really sick. Those 3 months I requested, that's the time I'll prepare myself. Because I know....

I AM SICK.

-------------

VOTE. COMMENT.

THANKYOU!

Breathe, LiaWhere stories live. Discover now