Alliah
Kasalukuyan akong naka-upo or I mean 'kaming' naka-upo nina Kiro, siya 'yung nag-dala sa'kin sa hospital, at si.. Oh I forgot, I haven't ask for her name yet.
"Yo, uhm, ano nga pala pangalan mo? 'Di ko pala natanong sa'yo kanina." Tanong ko dun sa babaeng niligtas ko
"I'm Mira, thank you pala kahapon." sagot n'ya
"Mhm, oh anyways. Mira, this is Kiro, Kiro this is Mira." pagpapakilala ko sa kanila sa isa't isa
"Hi"
"Yo"
They looked at each other. Lol, ship agad! HAHAHA charot!
At since nandito kami sa Cafeteria ay kakain kami tutal 'yon naman talaga ginagawa dito 'di ba? Alangan matulog dito hoho.
"What do you guys want? Treat ko"
"H-Ha? 'Wag na, n-nakakahiya sa'yo" sabi ni Mira
"Yep! Tama s'ya" sabat pa ni Kiro
"Nah, ayos lang, dali ano gusto niyo?" tanong ko
"Iekaekekwqkwks" bulong ni Kiro na hindi ko naintindihan na ikina-bungisngis ni Mira.
"What?" usisa ko
"Wala! Sabi ko cheese burger tapos coke lang. Psh!" saad ni Kiro
"Parehas nalang kami" ani ni Mira
"Okayyy! Order lang ako ha?" paalis na sana ako nang higitin ni Kiro ang wrist ko.
Tinaasan ko lang s'ya ng kilay
"Ako na at baka mapano ka pa" saad nito, iiiiiiihhh ano baaa! Charot landi mo selp!
Wala na akong nagawa at binigay nalang sa kaniya ang pera saka umupo sa tabi ni Mira.
"Ang gwapo n'ya 'no?" pang-aasar ko sa kaniya
"Super huhu. Swerte maging girlfriend n'yan! Gwapo, mabait, gentleman, mabango, at siguradong matalino! Huhu sanaol bwiset!" ani n'ya habang kumikinang pa ang mga mata
"Ay sorry, andaldal ko" dagdag n'ya pa
"No, it's okay no worries!" nakangiti kong saad "Actually, you know? We can be friends.. if you want to?" dagdag ko pa.
"H-Ha? 'Di b-ba nakakahiya sa'yo?" nahihiya n'yang sagot.
"Nah, ayos lang. Wala rin naman akong kaibigan dito, hehe"
"O-O sige, friends na tayo! Salamat pala sa pagligtas mo sa'kin kahapon hihi!" saad n'ya
"Speaking of that, ba't ka nakain sa locker room? Mga students na may P.E class lang ang pwede do'n ah? And besides, you can eat here naman." pag-uusisa ko sa kaniya
"E-Eh kasi.. Marami-rami din kasi ang nambubully sa'kin dito, 'pag nakita nila ako dito at nakain ng sandwich tatawanan nila ako kasi mayonnaise lang ang palaman. 'Di ko naman a-afford 'yung mga pagkain d-dito.. 'Yun lang ang pinapabaon sa'kin ng Lola ko para sa l-lunch." sambit n'ya sabay punas ng luhang lumalabas mula sa mga mata n'ya.
Parang piniga ang puso ko sa narinig ko. Hindi ko malubusang akalain ang pagdami ng bullies dito.
"G-Gano'n ba? Eh k-kung gusto mo sabay na tayo lagi mag-break o lunch, libre nalang kita ng kakainin mo. Tapos mamaya, 2:30 dismissal nating lahat dahil may meeting lahat ng teachers? G-Gusto mo deretso tayo sa Grocery store dyan sa malapit tapos bilhan kita ng stocks n'yo ng Lola mo?" pag-aalok ko sa kaniya.
Nakita ko naman s'ya na bahagyang nagulat saka umiling.
"Huwag na, nakakahiya sa'yo at isa pa gusto ko kapag nakuha ko 'yang mga 'yan ay ako dapat ang gumawa ng paraan para makuha." saad n'ya
"I insist, para rin ito sa Lola mo para kung sakali nandito ka sa school ay siguradong may makakain s'ya sa inyo."
"Hay.. Alam kong 'di ka magpapaawat kaya sige, pero hayaan mo 'kong suklian ka sa mga itutulong mo sa'kin." sabat n'ya
"Kahit 'wag na, ano ka ba! Kaibigan mo na 'ko kaya walang problema yon. Basta magsabi ka lang sa'kin kung may kailangan o problem ka."
"Heyooo beautiful girls, heto na foods, mukhang may masinsinan kayong pinag-usapan ah? Mind sharing it with meh?" biglang singit ni Kiro na dala ang tray na may pagkain malamang.
"Nope!" sabay naming sambit ni Mira saka tumawa.
Guess I already had friends?
I hope it'll last..
-------------------
VOTE. COMMENT.
Follow mo na den ako HAHAHA mwuah!
THANKYOU FOR READING!

YOU ARE READING
Breathe, Lia
RomansaA girl who suffers from a heart disease A girl who loves to help others A girl who has a good but weak heart A girl, who sacrificed her own good for someone she loves. And that girl is Alliah Samantha Estevan.