“Dear Kiro,Alam kong sa oras na mababasa mo 'to marahil wala na ako, nagmamadali kasi sila lolo na mag-meet up kami haha Charot! Salamat sa mga oras na binigay mo sa'kin, sa pag-aalaga, sa binigay mong pagmamahal, Basta sa lahat lahat. Sorry sa pagiging makulit ko ha? Buti nakapag-tiis ka sa'kin hehe. Sorry din pala kasi 'di ko sinabi sa'yo ang kalagayan ko, gusto ko kasi na matupad mo ang pangarap mo, kaya nilihim ko nalang ang sakit ko. Uy, naalala mo pa? Nung unang beses nating nakita ang isa't isa, 'yung dinala mo 'ko sa hospital. Actually 'di ko pa do'n nalaman ang sakit ko, hanggang sa ayon nagtagal, lumala. Pasensya ka na kung nasaktan kita ngayon ha? Pero ang hiling ko sana para sa'yo ay makahanap ka ng bagong babaeng pasasayahin ka, mag-aalaga sa'yo, at mamahalin ka higit pa sa pagmamahal ko. Sadyang 'di lang sang-ayon ang tadhana sa'tin Kiro. Pero alam mo? Sa susunod kong buhay, ikaw pa din ang pipiliin at mamahalin ko, hahanapin kita, pangako. Hinding-hindi ako magsisisi na ikaw ang naging una't huli kong minahal, promise! Mamatay man kahit patay na 'ko, double dead gano'n. 'Wag ka na umiyak mahal ko, ayaw kong magka-gan'yan ka dahil sa'kin. Oh siya, 'wag na magdrama haha. Tandaan mong may isang babaeng maganda at sexy na nagmamahal sa'yo. Pinapalaya na kita Kiro para magmahal ulit. Hanggang sa muli nalang nating pagkikita. Paalam, Kiro. I love you.
Lia”
**
Lia...
If only I knew, I'm sorry I'm not there when you're handling the pain. I'm sorry..
But baby, even if it hurts, it's okay, kasi atleast nakapagpahinga ka na, wala ka nang mararamdamang sakit.
I'm happy because for a long time, you kept breathing, for me.
I.. I love you always more than everything, Lia.
![](https://img.wattpad.com/cover/229611622-288-k441156.jpg)
YOU ARE READING
Breathe, Lia
RomantikA girl who suffers from a heart disease A girl who loves to help others A girl who has a good but weak heart A girl, who sacrificed her own good for someone she loves. And that girl is Alliah Samantha Estevan.