14 first kiss

1K 70 1
                                    

Joshua POV

Martes ng gabi ngayon

Tatlong linggo na namamalagi si kai dito sa bahay

At dalawang linggo ko na siyang nililigawan

At ang nakakainis lang ay ako ang kinikilig

Walang paramdam ang mga kalaban ngayon

Kaya yun ang iniisip ko ngayon

Anong plinaplano nila

Kasalukuyan akong naghahanda ng dinner

Si kai naman ay nasa kwarto niya at nag tratrabaho

-----
Ngayon ay nasa harap ko siya at kumakain

Ako naman ay di makapag focus sa pagkain dahil sa inaakit ako ng ganda niya

"Di ka mabubusog sa tingin"sabi niya na sa pagkain na nakatingin

"Nabubusog ako "sabi ko at ngumiti ng kinikilig

At dahan dahan naman itong tumingin sa akin

At tumingin sa mga mata ko

Ang ganda niya

Ang mukang iyan ang gusto ko makita sa tuwing gigising ako

Ang mga matang iyan ang gusto ko masaksihan araw araw na dahan dahan mumulat

"Alam mo ba na kinikilig ang mga babae sa ganyang titig"sabi niya

Ibig sabihin kinikilig siya

"Kinikilig ka babe?"tanong ko

"Kaso di ako babae"sabi niya

At bumusangot ang muka ko

"At para kiligin ako gawin mo ang mga bagay na kinakikiligan ng mga lalaki"sabi niya

At kumunot lalo ang noo ko

"Paano naman"tanong ko

"Kinikilig ako sa simpleng salita kagaya mo at di mo kailangang gawin ang mga bagay na makakapag pakilig sa mga babae dahil hindi ako babae "siya

Ano

Teka

Kinikilig siya sa simpleng salita

At nanalaki ang mata ko

"T-talaga babe kinikilig ka sa simpleng bagay"tanong ko

"Oo kagaya ng pagtingin sa mga bebot kinikilig nako dun"sabi niya

At pinitik ko ang noo niya

Habang masamang nakatingin sa kanya

"Ano baa"siya habang hinihimas ang noo

"Ilang beses ko ba sasabihin na ako ang pagnasaan mo at wag ang mga babae"sabi ko

"tyaka na kita pagnanasaan pag nag ka boobs kana"sabi niya

At tumawa

Parang uusok ako sa inis

At bumusangot ang muka ko

Kaya tumayo ako

"Hoy ikaw sobra ka dinaig mo pako"sabi ko sa kanya

"Tshh bakla ka kasi"sabi niya

At tuloy parin ang pagbungisngis

Kaya nainis ako

Nang makalapit nako sa kanya ay hinarap ko sakin ang inuupan niya

At kinulong ko siya sa bisig ko

"Alam mo ba pagsinasabihan ng mga babae ang lalaki ng bakla ay ibig sabihin nun ay gusto nilang magpahalik"tanong ko

My Tomboy Wife Is Mafia Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon