Joshua POV
Kasalukuyan akong nasa byahe at di alam kung saan tutungo
Nasa 5 star hotel na ang kasama ko at nag paalam ako kay tita na mag papahangin lamang
Di ko alam kung bakit nangangati akong talagang makita si kaishin na asawa ko gayong pareho na kami ng tinutungtungan ng lupa
Ganoon ako kasabik sa kanya
At umalis din ako roon sa 5 star hotel dahil sa taglay na kaharutan ng apat na abnoy
Naiinis lang kasi ako na wala yung akin
Habang nag dridrive papunta sa bahay ng prime minister ay my napansin akong parang babae na nasa puno at mukang natutulog roon
Pati pala rito sa japan ay my ganyang babae
akala ko ay mahinhin ang babae rito
Ngunit diko na iyon nakuhang pansinin at nag pocus sa pagmamaneho
Nang makarating ako sa tapat ng bahay ng prime minister ay biglang dumagungdong ang tibok ng puso ko
Bumaba ako sa kotse at pinagmasdan ang malaking malacañang kung tawagin sa atin sa philipinas
Makikita ko na ba siya
Anong magiging reaction niya
Kelangan ko na ba agad mag pakita
Sasabihin ko bang nasasabik ako sa kanya
Tanging mga tunog ng kulisap sa tahimik na gabi ang naging tugon lang ang aking naririnig at ang kabog ng aking dibdib
Ano kaya ang magiging reaction niya kapag nakita niya ako
Magiging malamig parin ba ang pakikitungo niya
Ganon parin ba??
Dudurugin niya ba uli ako??
Sa aking mga naiisip ay biglang ayaw ko na lang magpakita sa kanya
Nalulungkot akong napa upo sa isang malaking bato malapit sa sasakyan ko
Siguro ay Mas mabuti na lang ang ganito na alam ko kung nasaan siya
Mas ayos na ito
Hoy joshua akala ko ba ay babawiin mo ang asawa mo??
Bigla ay tanong kong uli sa sarili ko
Oo nga babawiin ko nga ,pupunta ba ako rito kung hindi??
Kung babawiin mo bakit ganyan ka??
Ewan ko bakit nga ba ganito ang nararamdaman ko kung noong nasa manila ako ay nag uumapaw ang kagustuhan ko ngunit ngayon na naririto na ako tila ay umuurong na agad
Nalulungkot akong bumuntung hininga
Pumikit ako ng kaunting oras at sa isip ay humihiling
Sana lumabas siya
Sana lumabas siya
Sana lumabas siya
Ngunit pag mulat ko ay walang lumalabas
Hayss
Bukas na lang ...
"Anong ginagawa mo dito"bigla ay my boses na nagmula sa likod ko at di ako pedeng magkamali kung sinong nag mamay ari niyon
Kumabog ang dibdib ko at parang nababakla ng kaagad narinig ko pa lang ang boses niya
Ito yung pakiramdam na tanging siya lang ang nakakagawa, ang paulit ulit na pakiramdam na sakanya ko lang nararamdaman
BINABASA MO ANG
My Tomboy Wife Is Mafia Boss (Completed)
RandomFalling in love with the tomboy the marriage that we both do not know And last both of us is mafia boss