Part 2

357 224 59
                                    


A/N: Dapat one shot lang to eh kaso ang daming nagrerequest ng part 2. HAHAHA. Kaya eto na dahil mahal ko kayo🤗.

PS: Hindi po dito sa watty😉

******

- Part 2 -

"Happy monthsary babe, let's break-up," I said, sadly. He tried to hold my hands pero iniiwas ko ito at binigay sa kanya ang cake na hawak ko.


"Sayo na 'yan baka nagugutom na kayo eh." Pilit akong ngumiti sa kanya kahit na nagbabadya parin ang aking luha. Mas lalo akong nasaktan ng makita ko itong umiyak. Wag kang umiyak mahal ako ang may kasalanan kasi nagpakatanga ako. Naniwala ako na seryoso ka sakin. Kaya hindi mo kasalanan.

Ako.

Ako ang may kasalanan. Tumingin ako dito at umiling iling sa kanya, "It's okay. Hindi mo kasalanan. It's all my fault." Tinakpan ko ang aking bibig upang pigilan ang pag-iyak, "Mauna na ako huh. Baka nakadisturbo ako sa inyu eh." I smiled at him at dali-daling lumabas sa unit niya.

Nasa may elevator na ako nang humabol ito sa akin. Hinawakan nito ang kamay ko, "Babe, sandali!" Hinarap ako nito sa kanya "It's not what you think," sabi niya pero umiling iling ako. "Okay lang ako. Ahm...balik ka na do'n baka hinahanap ka na ng girlfriend mo." Naiiyak na naman ako. Ano ba nakipaghiwalay na nga ako sayo eh.

Panalo ka na.

Napaglaruan mo na ako. Bumalik ka na sa nagmamay-ari talaga ng puso mo. Kasi umpisa palang hindi ka talaga naging akin. You're still belongs to the girl that you're inlove with at ako? Panakip butas lang. Laruan mo lang.

Kasalanan ko naman eh, umoo kaagad ako no'ng unang inaya niya akong maging gf niya kahit di pa kami gano'n kalubos na magkilala. Nakita kong papabukas na ang elevator. Agad akong tumalikod sa kanya.


Pagkapasok humarap ulit ako sa kanta at sinabing, "Goodbye and thank you." Sabay sarado ng elevator. Napahawak ako sa bibig at napasubsob sa sahig dahil sa sakit na nararamdaman ko sa aking puso.

Paulit-ulit itong kinukurot.

Pinipisa at nilulukot.

Tumunog ang elevator hudyat na nasa 1st floor na ako. Lumabas ako at naglakad papalabas ng hotel. Wala sa sarili akong naglalakad, hindi alam kung saan tutungo. Napagdesisyunan kong tumambay muna sa park na nakita ko habang ako'y naglalakad.

Umupo ako sa swing na nakita ko at natulala na naman habang lumuluha. Ilang minuto na yata akong nakatulala nang may naglahad ng panyo sa aking harapan. Tiningala ko ito at nakita akong lalaki na may ngiti sa labi na nakatingin sa akin. "Ang panget sa babaeng umiiyak."

Kinuha nito ang kamay ko at nilagay doon ang panyong inilahad niya na 'di ko kaagad kinuha. Umayos ito ng tayo sabay sabing, "Hayaan mo itong panyo ko na tuyuin ang luha mo."

Umupo ito katabi ng swing na inuupuan ko.

Nakatitig lamang ako dito at 'di napansing 'di ko pa pala pinupunasan ang luha sa aking mukha. Napansin yata nitong nakatingin ako rito kaya lumingon ito sa akin, "Punasan mo na ang mukha mo. Sayang naman kung hindi mo gamitin. Sayang effort ko oh," sabi nito sabay nguso sa panyong hawak ko.

Tumawa ako at inumpisahang punasan ang aking mukha. Tumingin ako dito at nagpasalamat. "Thanks for this, " ngiting sabi ko sa kanya.


"Lalabhan ko nalang 'to at isasauli sayo bukas." Umiling naman ito.

"No, you can have it." Tumitig ito sa akin at ngumiti, "Keep it."

Ultimatum- Completed (SUPER UNDER REVISION) Where stories live. Discover now