Jazmine's Point of View
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil excited akong bumili ng gown namin. Mabilis na nawala sa isip ko ang mga nangyare kahapon pero ngayon tila bumabagabag ulit ito sa akin.
Bumalik siya.
Hindi ko alam pero imbis na maging masaya ako para kay ate dahil sa pagbabalik ni Alex ay mas kinabahan pa ako, pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayare.
Kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyare.
Umiling-iling ako nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Kanina pa pala ako gising pero hindi pa ako bumabangon.
Pagkabukas ko ng pinto ay si mama ang tumambad sa akin.
"Nak, aalis na kami ng papa mo, magiingat kayo sa pagbili ng gown mamaya ha. Bago magdilim narito na kami." ngumiti pa ito matapos magbilin, tumango nalang ako dahil ayoko din namang magsalita. Hindi pa ako nagto-toothbrush
Kagaya ni ate ay hindi ko rin maiwasang magtaka. Madalas na umaalis sila mama at papa ng magkasama.
Saan kaya sila pumupunta?
Ipinagwalang bahala ko nalang ang mga tanong sa aking isipan at nagsimula ng magayos ng sarili.
Mayamaya pa habang nagaayos ako ng makakain ay bumaba na si ate.
"Oh, ate sabay na tayong kumain." aya ko sa kanya. Tumango lang ito at umupo na para kumain.
Hindi siya nagtanong kung nasaan sina mama, malamang ay nasanay na siya.
Mabilis lang kaming kumain at mayamaya pa ay dumating na sina Heily. Dahil kasama namin silang bibili.
"Oy! Guys! Tara na?" masayang aya ni Andrei.
"Let's go!" sabay at masayang sagot namin ni Heily. Tumango naman si ate bilang pagsang ayon niya.
Habang nasa kotse ni Andrei ay masaya kaming nagkukwentuhan. Habang si ate ay tahimik lang na nakikinig sa amin. Tsk lagi naman ganito ang eksena
"Hey! Bukas magka-campaign na yung mga running for SSG, aren't you guys excited? It's just means na gagraduate na tayo." excited na sabi ni Heily.
Tipid naman na ngumiti si ate.
"Balita ko tumatakbo raw presidente si Christian." saad ko sa kanila.
Tumango-tango naman si Andrei. "At sa kabilang partido, tumatakbo raw na presidente si Snow." malakas kaming nagtawanan ng sabihin niyang 'yon.
"From grade 11 representative tumakbong president? May boboto kaya sa kanya? Lalo na at si Christian ang kalaban niya." natatawang sambit pa ni Heily.
Nag-init naman ang mukha ko at napatingin sa akin si Heily. "Hey! Jazmine? Kinikilig kaba? Why are you blushing?"
Nagiwas naman ako ng tingin. At narinig na mahiwang natawa si Andrei. "Have you forgotten Heily? Crush ni Jazmine si Christian." pagkasabi non ay malakas silang nagtawanan, nakita kong natawa rin ng mahina si ate. Hay nako naman
Pagkatapos makabili ng gown ay naglakad-lakad pa kami sa mall at kumain bago umuwi. Tanghali palang sobrang nakakaantok pag-uwi namin. Nakita kong dumiretso lang si ate sa kwarto niya. Umuwi na sina Heily at Andrei pagkahatid sa amin.
Pagkatapos kong ayusin ang mga pinamili namin ay nagdesisyon na akong umakyat sa kwarto ko at matulog muna. Pagkapasok ko sa kwarto ko ay nakita kong bukas ang bintana at hinahangin ang kurtina 'don.
YOU ARE READING
A Vampire's Promise [ON-GOING]
FantasyThe fulfilment of a promise long buried in the past. Sabi nila "Promise is just a word" pero paano kung ang taong nagbitaw ng salitang 'Pangako' ay magbalik para tuparin? Ngunit maraming buhay ang kapalit para sa kanyang pagbabalik...