CHAPTER EIGHT

10 2 0
                                    

Third Person's Point of View

Flashback.....

Masayang nagkukwentuhan ang mga batang magkakaibigan sa isang bench habang kumakain.

Mula sa malayo ay pinagmamasdan lang sila ng isang bata, tila inggit na inggit ito sa mga nagkakasiyahang mga batang tinatanaw niya. Walang may gustong maging kaibigan siya dahil sa di mapagkakailang kasamaan sa ugali nito.

Nakakuyom ang mga kamao at nagpupuyos sa galit na tumayo siya sa kinauupuan niya at nagdesisyong pumunta sa isang grupo ng mga batang tinatanaw niya.

Nang makarating siya sa bench ay natahimik ang mga batang nagtatawanan. Marahas niyang kinuha ang baunan na may lamang pagkain at sinaboy iyon sa mukha ni Jazmine.

Ang tila maamong mukha nang kapatid ni Jazmine na si Jazpearl ay napalitan ng galit para kay Snow na nagsaboy ng pagkain sa kanyang kapatid.

Akmang itutulak na ni Jazpearl si Snow nang pigilan siya ng isang batang nagngangalang Alex. Hinawakan niya pareho kamay nang nagkakainitang mga bata at saka ipinaglapit ito para pagbatiin.

Ngunit marahas na inalis iyon ni Snow at tinulak si Alex dahilan para madapa ito at magasgasan ang mga braso. Mabilis na nilapitan si Alex nang mga batang sina Heily at Andrei. Para alalayan ito.

Lalong nagdilim ang mukha ni Jazpearl dahil sa galit kay Snow.

"Huwag mong gagalawin ang mga kaibigan ko lalong lalo na ang kapatid ko!" galit na sigaw ni Jazpearl.

Mabibigat ang mga paang lumapit siya kay Snow na tila tuwang-tuwa pa sa mga nagawa niya.

Tumigil si Jazpearl sa paglapit sa batang si Snow nang ilang pulgada nalang ang layo nila sa isa't isa.

Tumalikod sa kanya si Snow at akmang hahakbang na papalayo nang marahas na tinulak ito ni Jazpearl na galit na galit parin. Nasubsob ang mukha nang bata at nagkagasgas ito, may gasgas din ito sa tuhod at braso.

"How dare you push my daughter?!" napaatras ang bata nang makitang papalapit ang mommy ni Snow. Mabilis na tinayo ni Lucile ang anak niya.

"Sinaktan niya po an----" hindi na natapos ang sasabihin ni Jazpearl nang hawakan siya ni Lucile sa tainga at malakas itong binitiwan palayo.

Napaupo naman ang bata dahil sa lakas nang pagbitaw ni Lucile sa kaniya.

Mayamaya pa ay dumating ang mga magulang ng kambal. Ang mag-asawang sina Lucas at Alice. Tinayo ni Lucas ang anak na natumba samantalang matapang na lumapit kay Lucile si Alice.

Nagkatitigan ang mga ito. Mata sa mata sobrang init ng mga titig sa pagitan nila. Galit na galit. Walang paglagyan ang galit.

"Huwag na huwag mong gagalawin ang mga anak ko Lucile, dahil ako ang makakalaban mo." matapang na pagbabanta ni Alice.

Mapait na natawa naman si Lucile dahil sa sinabi niya. "Hindi ako natatakot sayo Alice." ngumiwi ito at saka tumawa nang malakas.

Hinila naman papalayo ni Lucas ang asawa kasama ang isang grupo ng mga batang nakaupo sa bench kanina.

Mula sa di kalayuan ay muling nilingon ni Alice si Lucile na maluwag ang ngiti, nakatayo parin ito kung saan sila nagkainitan ng tingin.

Kitang-kita ang galit sa kanilang mga mata. Mayamaya pa bago alisin ni Alice ang kanyang tingin kay Lucile ay pinasilip nito ang kulay dilaw niyang mata. Tumawa ng malakas si Lucile saka nag-iba ang kulay ng mata niya sa dilaw.

A Vampire's Promise [ON-GOING]Where stories live. Discover now