CHAPTER NINE

10 3 0
                                    

Andrei's Point of View

Saturday morning, nandito ako ngayon sa walk in closet ko namimili ng bag na gagamitin ko mamaya para sa sleep over namin sa tree house.

Hindi ko parin maiwasang matawa dahil sa pagmumukha ni Snow kahapon nang matalo siya sa Election for SSG.

She didn't expect that she will lose. Nakakatawang gulat na gulat siyang discualified siya. Haha

Matapos makapili ng bag ay inilapag ko na ito sa kama ko at lumabas na ng kwarto para pumunta sa kusina. Tinawag ko na rin ang kasambahay namin para ayusin yung mga dadalhin ko.

Pagbaba ko ay naabutan ko si Dad na nasa salas at nagbabasa ng libro.

Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng maiinom. Pagkatapos ay sinamahan ko si Dad sa salas.

"Dad, tonight may sleep over kami sa tree house." pagpapaalam ko para maagaw ang atensyon niya. Bigo ako dahil tumango lang ito. "I'm with Heily and Jazpearl." dagdag ko pa.

Lumingon naman siya sa akin. "And Snow?" napairap naman ako sa hangin ng marinig ang pangalan ng babaeng 'yon.

"Dad, she's not welcome there, and she will never be." inis at may diin kong sagot sa kanya.

"Son, Snow is the Grand daughter of my very good friend, Emilio Imperial. You should be friends with her, and maybe someday siya rin ang makatuluyan mo." wika nito na mas lalong kinainis ko.

"Have you forgot what I just told you about Snow? She's evil as hell and never ko siyang gugustuhing maging kaibigan specially maging partner." saad ko naman. Sinara niya ang librong binabasa niya saka humarap sakin at inayos ang kanyang suot na reading glass.

Tumikhim muna siya bago nagsalita. "And what? That Jazpearl? She's the one you like, aren't you?" seryoso nang tanong nito. "You know you can't Andrei." madiin pa nitong dagdag.

"Why not Dad? We all know that Jazpearl is one of us so what's the problem with that?" ngayon na inis na talaga ko. Bakit ba kasi ayaw ni Dad sa kanya

"After your 21th birthday, ililipat ko na sa pangalan mo ang Haeream Academy." pag-iiba pa nito sa usapan.

"Answer me Dad, why don't you like her for me? Bakit ba lagi mo nalang iniiba ang usapan kapag napupunta sa kanya ang pinag-uusapan natin?" ngayon ay medyo mataas na ang boses ko dahil naiinis nako, lagi nalang kasi niya iniiba ang usapan kapag nagtatanong ako kung bakit ayaw niya para sakin si Jazpearl. Tsk

"She's no longer one of us Andrei." ngayon ay naguluhan na ako sa sagot niya. What does he mean?

"Anong ibig mong sabihin Dad?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

Tumayo naman si Dad sa sofa at nagpunta sa glass wall. Tumingin ito pataas saka iniligay ang kamay sa likod.

"Simula nang maging mag-asawa sina Lucas at Alice, pinutol na ang pagiging isa nila sa atin. Kaya you have no choice but to marry Snow in the future." bakas ang seryosong tono nito habang nagsasalita.

Umiling naman ako na animo'y nakatingin ito sa akin. "No Dad, that's imposible." sambit ko na hindi pagtanggap sa sinabi niya.

"They broke the rule Son, and you have nothing to do with it." tumayo ako sa sofa at nagdesisyon nang umalis. Nakatalikod na ako kay Dad at pahakbang na paalis nang lumingon ulit ako. "You'll see Dad, we can be together when her 21th birthday came. Mapapatunayan kong isa siya sa atin at pwedeng maging kami.

A Vampire's Promise [ON-GOING]Where stories live. Discover now