Jazpearl's Point of View
Napatigil ako sa pagtakbo nang may marinig na boses sa isipan ko. Lumingon ako pero nawala na ang kubong pinanggalingan ko.
Sa sobrang takot ng naramdaman ko ay tumakbo lang ako ng tumakbo.
Sa sobrang dilim ay may tumamang bato sa paa ko kaya nawalan ako ng balanse sa katawan.
Akmang babagsak na ako nang may humawak sa bewang ko. Inayos niya ako sa pagkakatayo at mabilis na umalis. Sino siya?
Masyadong madilim kaya naman hindi ko nakita ang mukha ng lalaking nagligtas sa akin. Pero kung sino man siya, salamat sa kanya.
Mayamaya ay napansin kong nandito na pala ako sa bungad ng gubat kung saan ako pumasok kanina. Pinagpagan ko ang sarili ko saka tumikhim at nagdiretso ng lakad papauwi.
Nang makauwi ay alalang mga mukha ang naabutan ko.
"S-sorry po." mahina kong paghingi ng tawad. Sandali pa silang natahimik at saka lumapit sakin si mama.
"Saan kaba kasi galing? bakit ngayon kalang? Hindi ka man lang tumawag o nagtext, pinag-alala mo kami." bakas sa mga boses niya ang pagaalala.
"S-sorry." ulit ko pa.
Tumikhim naman si papa para makuha ang atensyon namin. Hindi naman siya nabigo dahil agad kaming napatingin sa kanya.
"Hindi na ito mauulit perlas!" madiin niyang sabi. Nako po! Perlas ang tawag sakin ni papa kapag nagagalit ito. "Hindi ka pwedeng umalis ng bahay nang hindi nagpapaalam at hindi kana rin pwedeng gabihin basta-basta ng walang pasabi." yumuko nalang ako dahil ayokong makita ang mga mukha niyang nakakatakot pag nagsesermon. "Alam kong matatanda na kayo anak para paghigpitan, pero pinipilit ninyo ako." dagdag pa nito.
Tumango nalang ako. Para hindi narin humaba pa ang pagsesermon nito.
"Oh, siya halika na kumain na tayo." pagputol ni mama sa panandaliang katahimikan.
Kagaya ng madalas na eksena ay tahimik lang kaming kumakain. Walang nanira ng katahimikan hanggang sa matapos kami dahil mukhang hindi maganda ang mood ni papa.
Ako ang nakatokang maglilinis ng pinagkainan kaya nang matapos na ang lahat ay mabilis ko itong inayos.
Habang nasa lababo at naghuhugas ng mga pinagkainan naalala ko nanaman ang lalaking nakabunggo ko kanina. Ang gwapo talaga niya
"Hindi ko alam kung anong nangyare pero nakakapagtakang nasermonan kana ni papa pero nakangiti ka parin." masayang paggambala sa akin ni Jazmine.
"Huh?" patay malisyang tanong ko sa kanya.
"Hulaan ko ate." nakangiting lumapit ito sa akin at sumandal sa gilid ng lababo para makaharap sakin. "Nakakita ka ng gwapo no?" nanunuyang tanong nito sa akin.
Tumawa naman ako ng mahina.
"Sabi ko na nga ba e!" natatawang saad pa nito ng tumawa lang ako sa tanong niya. "Anong itsura niya?" excited na tanong nito.
Tumingin naman ako sa kanya ng diretso. "Ikaw na nga ang nagsabi hindi ba? Gwapo." pagkasabi non ay tipid akong ngumiti sa kanya.
Napanguso naman ito dahil mukhang hindi siya satisfy sa sagot ko. "Ihh! Ang gara mo naman e, ano nga? Matangkad ba siya? Maputi? Anong pangalan niya? Natanong mo ba?" sunod-sunod na tanong nito.
Nakangiting umiling ako sa kanya. Nakita ko namang mas humaba pa ang nguso niya. "Hanggang leeg niya lang ako." pagsuko ko. "At.... Oo, maputi siya." nakangiti paring sagot ko sa kanya.
YOU ARE READING
A Vampire's Promise [ON-GOING]
FantasyThe fulfilment of a promise long buried in the past. Sabi nila "Promise is just a word" pero paano kung ang taong nagbitaw ng salitang 'Pangako' ay magbalik para tuparin? Ngunit maraming buhay ang kapalit para sa kanyang pagbabalik...