Heidie's POV:
Katatapos lang ang klase namin kaya dederetso ako sa auditorium para mag practice ng sayaw namin para bukas. Nagsisiuwian na ang mga estudyante kaya marami akong nakakasakubong.Habang naglalakad ako nakita ko si Chase na nakatingin sa akin na nakangiti,showing his charming smile. Pinagtitilian parin siya at pinagtitinginan.
"Hey,hi" nakangiting bati nya sa akin. Hindi ko siya pinansin at deretso lang ang lakad ko. Nakisabay siya sa paglalakad ko as always. Lagi na lang ganito.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang masasama nilang tingin dahil lang sa hindi pagpansin kay Chase.
"Yow hehehe" nahihiyang sabi nya sa akin. Yung studyanteng dumadaan hindi mapigilan ang kilig sa tuwing ngumingiti si Chase pero kapag ako naman ang tignan nila malamang patay na ako sa isip nila.
Hindi ko siya parin pinapansin para tumigil na siya.
Malapit na kami sa auditorium kaya medyo binilisan ko ang lakad ko. Baka maupakan ko ng bigla-bigla itong mga babaeng dumadaan."Pansinin mo naman ako oh" mababang boses ang pagkakasabi nya dahilan para tumigin ako sa kanya at nakita ko yung mata niyang medyo namamasa. such a cry baby=_=
Nakatingin lang ako sa kanya na naiiyak. kalalaking tao umiiyak,parang bata. Ngumiti nalang siya ng basta basta at pinunasan ang nahulog nyang luha. Iyakin talaga. Pinagtitinginan kami siguro nagtataka sila kung bakit umiiyak si Chase."Bakit ka ba umiiyak?" Tanong ko kay Chase. Basta basta nalang kasi umiiyak ,baka akalain nilang pinaiyak ko siya. Hindi pa naman ako magaling mang hele ng bata=_=
"Miss na kita,at ikaw lang ang iniiyakan ko" seryosong sabi nya sa akin ni Chase. Tumingin ako sa mga nagdadaanan na estudyante na nanunuri ng tingin at ibinalik agad ang tingin kay Chase.
" Hindi pa ako patay para iyakan mo, tumigil ka na" sabi ko kay Chase.
Lumaylay ang balikat nya dun sa sinabi ko na parang nanlumo siya.
Saka nya nalang ako iyakan kapag dumating ang araw na iyon."Umuwi ka na" utos ko sa kanya, may practice pa kami,nakakaabala na siya.nalungkot na naman siya sa sinabi ko.Parang dalawang buwan lang kami hindi nagkita eh. Hindi ko naman siya na miss.
"Mamaya na,papanuorin nalang kita mag prac-----" sumabat ako sa sinasabi niya. Ayokong mapanuod nya yung sayaw namin,bukas nalang.
"Umuwi ka na" seryosong sabi ko.Gusto ko na maupo,nangangawit na ako katatayo dahil sa kumag na to.
Hindi ko na siya hinintay na magsalita at naglakad na ako. Marami pa akong gagawin sa araw na ito,ayaw kong masayang ang oras ko dahil lang sa kanya. Napansin kong walang humahabol sa akin kaya alam kong umuwi na siya.Pumasok na ako sa auditorium at nakita ko silang nag papractice na. Tumigil sila sa pagsasayaw at tumingin sa akin. Naupo lang ako sa upuan.mamaya na ako mag practice,alam ko na naman yung steps.
Nagsimula na sila ulit sumayaw at pinanuod ko sila kung paano nila igalaw ang kanilang mga katawan na bumabagay sa tugtog. Sabay sabay na galaw ng paa at kamay, kung paano sila umindayog mga nag-gagalawang puwet na kumekembot. Maganda panuorin sabay sabay sa mata. Tumayo na ako at sumali sa sayaw nila at simulan ko nang igalaw ang aking katawan . Matagal na akong sumasayaw, bata palang ako sayaw na ako ng sayaw at dito sa pagsasayaw ko nakilala ang utol ko, mahilig din siya sumayaw kaya nagkasundo kami,yun ang mga oras na babae pa ako gumalaw. Hindi ako ang leader nila,hindi porket kami ang may-ari ng paaralan,mag rere-reynaan ako dito?tsk. Sumali lang ako dahil gusto ko na sumasayaw ako. Matagal na ang grupong ito, first year nabuo ang grupo namin. Marami na kaming pinanalunan dahil sumasali kami ng mga contest every year,laging panalo.May apat kaming lalaki at limang babae.tuloy tuloy lang ang sayaw namin hanggang sa natapos na. Nagpractice pa kami sa mga susunod na sayaw,dalawang sayaw ang hinanda namin.
BINABASA MO ANG
Without your LOVE
RomanceWithout your LOVE I feel incomplete. Without your LOVE I feel uneasy. Without your LOVE is the worst. Without YOU there will be no us,and damn!! It HURTS.