Nixon's POV:
'Hindi kita jowa para umasta ka ng ganyan ngayon pati kanina'
Bakit ko nga ba nagawa iyon?? Eh hindi ko naman siya girlfriend para umasta ako ng ganon? Shit!!!
Ang totoo naapektohan talaga ako sa sinabi niya. Hindi lang ako nagpahalata nung sinasabi iyon pero ang totoo natigilan talaga ako."Son, why are you still awake?'' napalingon ako sa pinto dahil sa tanong ni mommy.
"I can't sleep ma" sinabi ko yung totoo. Lumapit siya sa akin at umupo sa gilid ko. Naningkit ang kanyang mata at ngumiti kalaunan. Parang naninita ang kanyang mata.
"What's that face ma?" Tanong ko dahil wagas siya kung makangiti sa akin.
"Nothing" iling iling niyang sabi habang nakangiti. "so how's your day?" Tanong niya na exited malaman ang nangyari kanina. Unang araw ko sa school nagtanong siya sa akin kung ano ang nangyari, kinuwento ko naman, siyempre. Nakangiti si mommy habang nag kekwento ako. Tapos sa ikalawang araw nagpakwento na naman siya sa akin, tuwang tuwa siya habang kinukuwento ko yung pagsayaw namin ni Gil. Nagtatanong nga si mommy na kung saan ko daw namana yung pagsasayaw ko, eh hindi naman daw sila marunong ni daddy. My mommy and daddy are singers. And that's the reason na nagka inlaban sila.
"Wala naman po masyadong nangyari" ayaw kong ikwento ang ginawa ko kay Heidie. Baka asarin lang ako ni mommy.
She seems disappointed "is that so?"
"You have to sleep na, maypasok ka pa bukas" nakangiting aniya. Tumayo si mommy at hinalikan ako sa ulo."Goodnight" nakangiting aniya
"Goodnight too ma" pagkasabi ko nun umalis na si mommy.
Kalaunan din ay nakatulog na ako.
-
Heidie's POV:
I'm happy now that I see my bestfriend. Wala man lang kaming komunikasyon noong bakasyon. He didn't even call me once. Hindi ko din siya makontak.
Nakangiti ako habang nakatitig sa puti kong kisame. Pero nawala ng barang bula iyon dahil sa pesteng blind date na iyon.
Kakauwi ko lang galing sa eskwela at kaylangan ko nang maghanda para sa blind date kuno
May kumatok sa pinto at pumasok si mommy dala ang dalawang shopping bag. Damn!! Iyon na siguro ang damit na susuotin ko.
Tumayo ako at humalik sa pisngi ng mama ko. Nakalimutan kong batiin siya pagkadating ko dito sa bahay, dumeretso agad ako dito sa room ko
"Is that what I'm wearing ma?" Tanong ko kay mama na nilapag ang bag sa kama ko.
"Yeah, it's so pretty. It's kinda expensive but it's okay" nangiti siya habang nilalabas niya yung damit.
Lumuwa ang mata ko ng makita ko kung ano ang disenyo ng dress.
Ibinalandra niya iyon sa aking mukha, muntik ko ng hablutin iyon at itapon sa binta ko. Hindi ko ata kayang suotin yan. Shit!!
Itim siya na sleeveless, manipis na straps lang na maikli na dress.
Sa mata ng iba simple lang iyan pero sa akin, shit!! Sobra sobra na iyan.
"Are you serious ma?" Seryosong tanong ko. Malay mo meron pang ibang binili si mama na loosy t-shirt at maluwang na pantalon. Pero malay ko lang iyon.
"Yes baby. Bakit, ayaw mo ba?" Nanghihinayang na tanong ni mama.
Gusto ko man na sabihing oo pero sayang ang oras ni mama sa pagbili niyan.

BINABASA MO ANG
Without your LOVE
RomanceWithout your LOVE I feel incomplete. Without your LOVE I feel uneasy. Without your LOVE is the worst. Without YOU there will be no us,and damn!! It HURTS.