Gil's POV:
'I'm Inlove' nasabi ko sa isipan ko habang nakatitig sa kanya.
Ganito ba talaga kapag nagmamahal ka? Yung titiisin mo nalang yung sakit dahil wala kang magawa, wala kang karapatan sa kanya.
Habang hinihintay namin si sir ng ilang minuto, napaisip ako.
'Bakit ba nasabi kong mahal ko na agad?
Bakit ba ang bilis?'Sa puntong ito hindi ko din nasagot, naguguluhan ako. Pero ang alam ko lang ay mahal ko siya. Yun nalang ang papaniwalaan ko.
Unang kita ko palang sa kanya bumilis na agad ang tibok ng aking puso. Pero hindi ko pa alam na inlove na pala ako sa bandang iyon. Akala ko kinakabahan lang ako, pero sa tuwing gabi nilalamon niya ang buong oras ko. Hindi maalis ang mukha, ang pustora, ang maangas niyang dating na nagpabihag sa akin. Nung una hindi ako makapaniwala na nagmamahal ako, ang tulad kong nagpapaiyak ng babae? Ang tulad kong pinaglalaruan ang mga babae? Ay inlove sa babaeng kung pumorma ay lalaki. Hindi ganun ang mga type ko eh. Pero wala akong magagawa, puso ko na ang dumikta. Sa ikalawang araw ng klase, binawela ko yung nararamdaman ko. Pero nung nagsimula na siyang sumayaw,BOOM!! inlove na nga ako! At naiinis ako sa sayaw nila!. Naiinis ako sa damit nila!.
Bumalik ang wisyo ko nung may
pumasok na babae at hinalikan si Heidie. Naghiyawan ang mga babae. Hindi ko aakalain ang gagawin niya. Nagulat ako at ang hindi ko maintindihan ang bigla nalang pagtayo ni Nixone. Tumingin ako sa kanya na nagulat din sa nangyari.Bigla nalang lumapit si Nix sa babaeng nanghalik kay Heidie. Literal talaga na halik.
Nakalapit na si Nix at pinaghiwalay silang dalwa, binalingan ni Nix si Heidie at tinaas ang kanyang damit para lang punasan ang labi ni Heidie ng marahan lang. Binaba niya ang damit at pinunasan niya ulit ang labi ni Heidie gamit ang kanyang hinlalaking kamay. Hindi makagalaw si Heidie batid kong nagulat.
Napahawak ako bigla sa aking dibdib. Bumibilis ang tibok ng aking puso. Iyan ang bagay na ayaw kong makita pero malas ko dahil ayaw bumaling sa iba ang aking mata. Nasasaktan ako sa oras na ito.
Tinitigan ni Nix si Heidie na walang emosyon sa mata "ako lang dapat ang hahalik sayo" maotoridad na sabi ni Nix. Talagang matatakot ka sa boses niya at sa kanyang mata. Nakabawi na sa pagkagulat si Heidie at tinitigan niya si Nix "anong pinagsasabi mo?" Maangas na tanong niya. Pumikit ng madiin si Nix at nagmulat, pinapakalma ang sarili. "you've heard it" pasuplado niyang sabi at nilingon yung babae na nagugulat at nagagalit.
"Why did you kiss her?" Mababang boses ang kanyang pagkakatanong.
"Cause she's my girlfriend" walang pag-aalinlangan niyang sabi.
Nagulat ako sa kanyang sinabi. Heidie have a girlfriend and damn!! Tinignan ko si Heidie na nanunood lang.
Nagulat din yung iba naming kaklase, batid kong ngayon lang din nila nalaman.
Hindi man lang nagulat si Nix sa sinabi ng babae "then, hiwalay na kayo" pinangunahan niya ang relasyon ng dalawa. Walang sinabi si Heidie o dikaya ginawa sa sinabi ni Nix.
"What!?" Asik niya
"You've heard it" walang emosyong sabi
"Wala kang karapatan na paghiwalayin kami! Bakit? Sino kaba? Boyfriend ka ba niya? Hah!! In your dreams dude!" Nang-aasar. Ngisi-ngisi ang babae kung tumingin kay Nix. Pumikit ng madiin at nagmulat si Nix, ganyan siya kapag naiirita siya, pangpakalma.
BINABASA MO ANG
Without your LOVE
RomanceWithout your LOVE I feel incomplete. Without your LOVE I feel uneasy. Without your LOVE is the worst. Without YOU there will be no us,and damn!! It HURTS.