Chapter 3- Born for You

2 0 0
                                    

June 15, 2020
Thine

Dana: Kuya, pauwi ka na?

Thine: Oo, bunso ko, bakit?

Dana: Wala lang po. Hehehe!

Thine: Naku, Dana, alam ko na yan. Ano nanaman papabili mo?

Dana: Wala nga, Kuya, eh. Ano lang fries-fries lang.

Habang nag-aayos pauwi galing office, tumawag ako kay Mama para itanong if may ulam na sa bahay dahil nakasahod na ako pero ang bunsong boss ko ang nakasagot. Haha! Ang kulit-kulit pero hindi ko siya matiis.

----------------------------------------

[Sa bahay]

Mama: Dana, sino yung tumawag?

Dana: Si Kuyaa Thine-thine, Mama.

Mama: Bakit daw?

Dana: 'Di ko alam.

Mama: Akin na nga yan! Pasaway ka.

Dana: Ito na po. Hehehe!

Mama: Hello, anak, ano yun?

---------------------------------------

Thine: Ay, Ma, may ulam na ba? Ako na bibili huwag ka na po maghanda.

Mama: Ay ok lang, anak.

Thine: Hindi na, Ma, alam ko napagod ka sa paglaba kay Aling Diday kaya bibili na lang po ako saka may sahod naman na rin ako kaya ok lang po.

Mama: Naku, anak, hindi naman ako napagod. Okay lang, tabi mo nalang pera mo. Saka ikaw ah masyado mong iniispoiled si Dana. Naka ngiti na naman ng sobra, ano na naman pinababili sayo?

Thine: Ah wala yun, Ma, fries-fries daw.

Mama: Naku, anak, baka lumaking spoiled yang kapatid mo.

Thine: Wala naman yun, Ma, ok lang saka kaya nga ako nagtatrabaho para sa inyo saka kay bunso kaya ok lang sige na, Ma, a-out na ako. Huwag na kayo maghanda ng ulam ako na bahala sige po, Ma.

Mama: Sige, anak, ingat ka, huh?

Thine: Opo, Ma, sige po.

🎶Too many billion people running around the planet
What is the chance in heaven that you'd find your way to me
Tell me what is this sweet sensation
It's a miracle that happened
Though I search for an explanation
Only one thing it could be🎶

Isang araw na naman ang lumipas sa opisina. Kahit walang masyadong ginawa napagod ako ng hindi ko alam.

🎶That I was born for you
It was written in the stars
Yes, I was born for you
And the choice was never ours
It's as if the powers of the universe
Conspired to make you mine until the day I die
I bless the day that I was born for you🎶

"Hindi ko alam kung sinasadya pero grabe yung kanta born for you. Hahaha! Trip ata ako ni tadhana." Nasabi ko na lang habang nagpepedal pa concepcion para bumili ng baliwag.

🎶Too many foolish people try to come between us
None of them seem to matter when I look into your eyes
Now I know why I belong here
In your arms I found the answer
Somehow nothing would seem so wrong here
If they'd only realize that...🎶

Nang bigla na lang ako nagulat sa mga nangyari. May babae na biglang lumitaw sa harapan ko para pulutin ang isang payong sa kalsada. Then next thing that I now napasampa at naka higa na ako sa sidewalk buti nalang at walang nangyari sa babae pero medyo sumasakit yung braso ko kase yun yung unang bumaksak sa sidewalk. Napasigaw na lang yung isang ali sa babae ng 'nene' na nagulat rin sa pangyayari dahil hindi parin siya nakagalaw sa kinatatayuan niya. Ilang minuto may tumulong na sa akin na mga lalake na nakabike din at pagtayo ko bigla akong nilapitan ng babae.

🎶I was born for you and that you were born for me
And in this random world, this was clearly meant to be
What we have the world could never understand
Or ever take away until the day I die
I bless the day that I was born for you🎶

At napatingin ako sa kanya.....

Hindi namansa pagiging O.A. pero akala ko namatay na ako kasi akala ko nakakita na ako ng anghel.

Babae: Ok ka lang ba, Kuya? May masakit ba sayo?

Napansin niyang hawak ko yung braso ko kaya hinawakan niya at napaaray lang ako dahil amdam ko yung pagdiin niya doon.

Babae: Kuya, tara punta nalang tayo sa clinic or sa ospital gusto mo ba?

Kita sa mata ng babae na nag-alala siya at nilapitan niya yung aling sinigawan siya ng nene mukhang nanah niya iyon at nag-usap sila pero sabi ko okay lang ako at una ko talagang tinignan yung bike ko pero buti naman na walang nangyari sa kanya. Hay! Tapos napatingin na naman yung babae.

Babae: Mas inalala mo pa bike mo kaysa sa kalagayan mo?

At napatingin na lang ako sa kanya at nasabi sa sarili ko "paano niya nalaman yun" habang nakatingin lang sa kanya.

Habang unti-unti na umalis yung mga taong nakitingin sa nangyari.

Babae: Kuya, hindi mo ba kayang magsalita? Okay ka lang ba talaga? Tara ipatingin natin braso mo.

Ako: Ay! Okay lang ako, Miss, wala lang ito. Ipapahilot ko lang sa tatay ko ito mamaya mawawala rin ito.

Nanay ng Babae: Hindi nga ,Toy, okay ka lang ba talag? Himihingi kami ng pasensiya sa'yo, wala kami masyado maiitulong sayo at maibibigay.

Ako: Ay! Okay lang po maiintindihan ko po iyon.

Tapos nagulat na lang ako may binigay na papel yung babae tapos pagtingin ko number ang nakalagay.

Ako: Kaninong number 'to?

Babae: Akin 'yan. Kontakin mo lang kami ni Mama kung may sumakit sayo o may nasira sa bike mo kasi nakita kong mas nag-alala ka pa sa bike mo kaysa sa sarili mo.

Napangiti na lang silang dalawa ng mama niya

Nanay ng babae: Ano pala ang pangalan mo, Toy?

Ako: Justhine po. Thine na lang po for short.

Babae: Ako pala si Hana, nice to meet you, Thine.

🎶What we have the world could never understand or ever take away
And as the years go by until the day I die
I bless the day that I was born for you🎶

At napatingin na lang ako ng hindi ko alam kay Hana.

Baka Walang ThineadHanaWhere stories live. Discover now