Chapter 2- Line in Heaven

2 0 0
                                    

June 11, 2020

🎶Heaven knows I've done no wrong
I only want to sing this song to you
Why did it have to end this way
Only a fool like me could say to you that
If I ever had a line to heaven I swear
I'd call you there
If I ever had a line to heaven I swear
I'll be there tonight🎶

???: Mama, punta ka daw kila Tita, may ibibigay daw siya sa'yo.

Mama: Sige, anak, pakisabi kay tita mo pupunta ako mamayang hapon.

???: Sige po, Ma, sabi ni Tita.

🎶Where would I be without you now
Yet I have to make it through this life
Somehow
Only time will tell me so
Of the things I need to know
Somehow
If I ever had a line to heaven I swear
I'd call you there
If I ever had a line to heaven I swear
I'll be there🎶

Habang nage-fb ako sa sala pinatugtog naman ni mama itong kantang ito. Palagi niyang pinatutugtog to kasi paborito daw ito ni papa at theme song daw nila. Pero sayang kasi nawala si papa noong 14 years old ako. Nagkasakit si Papa kaya naiwan kami nila Mama't Kuya. Ang alam ko lang nagkasakit siya kasi nasa malayo si Papa para magtrabaho at madalas sila mag-usap ni Mama pero kita ko parin ang lungkot sa mga mata niya hanggang sa nalaman na lang namin na nasa opital na si Papa at doon na binawian ng buhay.

🎶How do I find the answers
To all the questions I've been hiding inside
And all the fun and laughter
We've shared I'll have to set aside
If I ever had a line to heaven I swear
I'd call you there
If I ever had a line to heaven I swear
I'll be there
If I ever had a line to heaven I swear
I'd call you there
If I ever had a line to heaven I swear
I'll be there tonight🎶

Kaya itong kantang ito yung nagpapaalala kay Mama kay Papa kaya kahit papaano naging paborito ko na rin ito. Hi! Ako pala si Hana, 19 years old, estudiyante at 2nd year college na sa PLMar pero gawa ng pandemik ay 'yon, hindi alam kung anong magaganap sa school year. As of now 2 months and counting na fb, movie at laro lang gawa ko kase ipinasa na kami ng mga prof namin.

Pero hindi parin maalis sa isip ko ang mag-alala at matakot kung anong mangyayari sa akin at sa family namin dahil kahit na nakakapagtrabaho si Mama bilang nagseservice ng tagalinis ng paa kulang pa rin kase bihira magbigay si Kuya kahit may trabaho siya. Hindi kami nag-uusap ni Kuya. Hindi kami magkasundo sa maraming bagay at mukhang walang pake sa isa't isa kaya para lang kaming magkasama sa bahay na hindi magkakilala.

At sa araw-araw na dumadaan parang wala namang nagaganap. Minsan naiisip ko na magtrabaho na kaya ako pero sabi ni Mama tapusin ko daw muna ang pag-aaral ko kasi kapag nagtrabaho na ako mas gugusohin ko na lang magtrabaho kaysa sa makapag-aral. Pero gusto ko na talaga magwork, gusto ko ipakita kay Mama, kay Kuya at sa mga tao na kaya kong tumayo mag-isa kahit wala sila. Gusto ko maging independent kaya wala rin sa isip ko na magka boyfriend kasi para sa akin matututo lang ako na umasa sa iba. Umasa at iiwanan lang din naman sa huli at maalala na ang mga alaala sa isang kanta.

Baka Walang ThineadHanaWhere stories live. Discover now