Chapter 7- Kahit Maputi na ang Buhok ko/Even my Hair Turn to White

1 0 0
                                    

June 15, 2020
Hana

"Unexpected things come when you are not ready...

Oo naman unexpected ba yun if ready ka?"

"'Di ba?!"

'Yan mismo nafeel ko kanina nang muntikan na akong masagasaan ng lalaking na naka bike kanina. Ano nga ulit pangalan niya? Ahh. Thine pala, totoo natakot ako kanina pero mas naawa ako kay 'Kuyang naka bike' kasi sumemplang siya dahil sa akin, kung hindi ko sana nabitawan yung payong sana... sana hindi siya nasaktan.

🎶Kung tayo ay matanda na
Sana'y di tayo magbago
Kailan man, Nasaan ma'y ito ang pangarap ko🎶

🎶Makuha mo pa kayang
Ako'y hagkan at yakapin, ooh
Hanggang pagtanda natin
Nagtatanong lang sa iyo
Ako pa kaya'y ibigin mo
Kung maputi na ang buhok ko?🎶

10:30 kakatapos ko lang maligo at magaayos na ako para matulog. Iniisip ko lang kung kamusta na kaya si Kuyang nakabike. Nakakatawa nga siya kasi mas inisip pa niya yung bike niya kaysa sa sarili niya. Kamusta kaya yung braso niya? Sana okay lang siya, sana pala kinuha ko yung number niya para ako na mangangamusta. Mukha kasing hindi na siya magtetext.

(doot doot doot...)

Nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Nagulat din ako sa nakita ko.

"Good pm po. Ako po si Thine, yung kanina po. Kamusta po kayo? Sorry po kanina ako po yung muntikang makasagasa sa inyo, ako pa po yung inalala niyo."

Si Kuyang naka bike?!

Anong sasabihin ko?

Ako: Ma! Si Kuyang naka bike nagtext.

Mama: Sinong Kuyang naka bike?

Ako: Yung kanina, yung muntik nang makasagasa sa akin.

Mama: Ahh si Justhine, yung lalaking mas inalala pa yung bike niya kaysa sa kanya.

Kahit si Mama gano'n ang tingin kay Kuyang naka bike. Hahaha! Mag-ina nga kami.

Ako: Anong sasabihin ko, Ma?

Mama: Aba't pati sasabihin mo ako mag- isip? Naku, Ne, kamustahin mo bike niya o ikaw na mag-isip, malay ko ba sayo at tinanong mo pa ako.

Grabe si Mama mapangasar pa ohh.

Ako: Mama naman kasi.

Mama: Kasi naman, Ne, ikaw na bahala sa sasabihin mo. Ikaw rin naman dahilan ng pagkasemplang niya kaya ikaw na bahala.

Tama naman si Mama kahit papaano, makabawi naman ako sa kanya.

🎶When we're already older
I hope we'll never change
Whenever, Wherever, what my heart wishes is this🎶

🎶Will you still get to do
Hug and kiss me my darling, ooh
Until the time our youth has fade
I'm asking you this one thing
Will you still love me
Even if my hair is white?🎶

"Send"

Sana pumayag siya.

--------------------------------------------------

June 16, 2020, 7:00am
Hana

🎶Pagdating ng araw
Ang 'yong buhok
Ay puputi na rin
Sabay tayong mangangarap
Ng nakaraan sa 'tin🎶

🎶Ang nakalipas ay ibabalik natin, ooh
Ipapaalala ko sa 'yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko🎶

Nagising ako ng normal lang sa araw na ito. Pagtingin ko sa cellphone ko wala naman reply si Kuyang naka bike, so baka maging normal lang araw ko.

🎶The time will come
Your lovely hair
Will turn white too
We'll dream together
Of the the way we were before🎶

🎶We'll bring back the times that passed
I'll be recalling it for you
My promise
That my love will always be yours
Even if my hair is already white🎶

(doot doot doot...)

Dali-dali kong chineck ang cellphone ko pero...

Smart

"You have 50 MB left in your data subscription. Dial *123# or TRY the NEW Smart App to get your favorite GIGA promo! https://onelink.to/smartapp"

Hay! Ano ba 'yan buti pa si smart nagtetext.

Normal day, YouYube, FB, YouTube, ML, YouTube, Sims and YouTube. 'Yan na ginagawa ko halos araw-araw dahil sa GCQ. Dahil sa 19 years old palang ako bawal ako lumabas pero sinasamahan ko minsan si mama para mamalengke at maglakad-lakad paminsan minsan, pero minsan natatakot ako dahil sa virus.

🎶Ang nakalipas ay ibabalik natin, ooh
Ipapaalala ko sa'yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa'yo🎶

🎶We will return what was passed, ooh
I will remind you
My promise
That my love is always for you🎶

(doot doot doot...)

"Kuyang nakabike"

"Hi Hana, sige after work ko bale 5 out ko. Text na lang kita kung na sa Meralco na ako. Wait kita doon, sige work muna ako. Bye, ingat ka."

Hala, pumayag siya! Akala ko hindi na siya magrereply.

🎶Kahit maputi.
Kahit maputi...🎶

🎶Even though it's white.
Even though it's white...🎶

🎶Kahit maputi na ang buhok ko🎶
🎶Even if my hair has turned white🎶

Hindi ko alam bakit, pero natuwa ako na nagreply siya. Sana ngayon maging maayos ang kakalabasan nito.

Baka Walang ThineadHanaWhere stories live. Discover now