CHAPTER TWO
*tok! tok! tok!*
"Larri, papasok na ako ah," Ani Kuya. Hindi naman ako sumagot at hinayaan siyang pumasok ng kwarto.
May dala siyang paperbag at baso, alam kong gamot 'yon at pagkain pero hindi ko nalang siya pinansin at muling iniyakap ang braso sa tuhod bago humarap sa bintana.
"Larri kumain ka," Alok ni Kuya, pero nang hindi ako kumibo ay narinig ko siyang bumuntong-hininga. "Hindi pwedeng ganto ka nalang.." Aniya nang makatabi saakin, ginaya niya ang posisyon ko at lumingon rin sa bintana.
"Dalawang linggo ka nang wala sa sarili, Larri, kelangan mong magsimula muli," Nangangaral na tinig ni Kuya, Hindi ako umimik at muling tumingin sa kawalan.
Dalawang linggo na ang nakalipas matapos ang lahat. Ang pagkawala ng trabaho ko maging ng nobyo ko. Kung noong una ay nagmumokmok ako dahil sa pagkawala ni Dad, ngayon ay nagkukulong ako sa kwarto dahil sa pagkawala ng lahat. Dalawang linggo kong pinag iisipan kung paano magsimula muli, pero sa dalawang linggong 'yon ay wala akong maisip, wala akong lakas, wala akong dahilan na mahita.
Naramdaman ko nalang ang braso ni Kuya sa balikat ko. Di ko namalayang umiiyak na pala ako. Walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi ang mga nangyari, paulit-ulit sa utak ko ang lahat. Kung paanong nawala isa-isa na parang bula, kung gaano kasakit binawi ang mga 'yon sa'kin.
"I may not know your pain, But i want you to know that it will all end one day.. "
One day.. Mas tumulo pa ang luha ko. "I don't know if that one day will still come," Nanatili akong nakatingin sa puno, unti-unti na itong natutuyuan ng dahon dahil taglagas na. "I can't see myself happy anymore.."
"Sshhhhh.." Isinandal niya ako sa balikat niya at hinimas ang ulo. "Stories hurt but stories heal.. Gano'n rin sa oras, May oras na masasaktan tayo pero parating darating ang oras na muli tayong magiging masaya. Not because we need to.. but because we have to," Mahabang sambit ni Kuya, pinapalakas ang loob ko.
Pero hindi, ilang linggo pa ang lumipas pero hindi nawala ang lungkot sa puso ko, lahat parin ng pangyayari ay pabalik-balik pa rin sa isip ko.
"Anak,"
"Larri!"
Halos mawasak ko na ang makina ng sasakyan namin dahil sa pagpipilit kong maayos ito. Paboritong sasakyan ito ni Dad, Ito rin ang ginagamit naming sasakyan noon ni Jam tuwing mamamasyal kami. Hindi ako gaanong marunong mag-ayos ng mga makina pero kailangan kong matuto para maayos ito.
*Thhssssss*
"Larri tama na yan! Wala nang pag asang maayos yan!" Pagpigil ni Kuya, naririnig ko na ang pagsingaw ng makina. Kahit anong pilit kong pagpapandar dito ay di talaga gumagana.
Ramdam ko na ang hapdi at tumutulong dugo sa kamay ko dahil naipit ito kanina habang nasa ilalim ako ng sasakyan. Sobrang dumi ko na rin dahil kanina pa akong umaga nag-aayos nito.