Prologue

24 11 6
                                    

PROLOGO

LARRI


PINAGMASDAN ko maigi ang natatanaw kong dalampasigan. Hindi ako magdadalwang isip na muling puntahan ang lugar na ito. Napakaraming alaala, masasayang alaala na nais kong madagdagan pa.


Bahagya akong naglakad-lakad sa gilid ng dalampasigan, natanaw ko roon ang isang duyang yantok. Maging ang treehouse, lahat ay nangingibabaw sa isip ko. Lahat ng may magandang alaala saakin.


Bakit ba ako nag-iisip ng ganito? Dadalaw lang naman ako sa pamilya ko, babalik naman ako. Pero bakit pakiramdam ko ay ito na ang huling punta ko rito?


Napailing ako sa isiping 'yon. "Babalik ako rito, hindi pwedeng hindi.. " Wala sa sariling sabi ko.


"Bumalik ka kung naging masaya ka.." Halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita sa gilid ko.


Narinig ko pa siyang tumawa dahil sa naging reaksyon ko. Napangiti naman ako nang makita ko siya. "Babalik ako para sayo.." Sabi ko at hinawakan ang kamay niya.


Nanatili siyang nakayuko sa kamay naming magkahawak. Mukhang malalim ang iniisip. "Bumalik ka para sa sarili mo.. dahil nandito lang naman ako.." emosyonal niyang untag. 


Hindi ko gustong umiyak ngunit nangibabaw ang emosyon sa pagitan naming dalawa. Huling araw ko na ngayon rito sa El Viejo, pero bakit ako malulungkot at magpapaalam? Kung babalik rin naman ako kaagad. Natawa ako sa kawalan.


"What's funny? Ang hilig mo talagang pagtawanan ako," Nakangusong sabi niya kaya mas natawa ako.


"Bakit ba kasi tayo nagpapaalam sa isa't isa? Eh dadalaw lang naman ako kala Mama, babalik rin ako dito kaagad baliw!" Natatawang sabi ko at ngumuso lang muli siya.


Inilapat niya ang kamay ko sa labi niya at marahan 'yong dinampian ng halik. "Ma-mimiss kita.."


Nababasa ko ang lungkot sa mata niya. Napabuntong hininga ako. "Isang sabi mo lang na 'wag akong umalis, mananatili ako.." Nakangiti ngunit naluluhang sambit ko.


Umiling-iling siya. "No, your family misses you so much.. Alam kong gusto mo na rin sila makita," Pilit ang ngiting ganti niya. 


"When you miss me," kinuha niya ang kamay ko at inilapat 'yon sa dibdib ko. "Just look into your heart," nakita ko siyang pumikit kaya pumikit rin ako.


"And you'll see me there,"


Gano'n nga ang ginawa ko at kakatwang nakikita ko siya sa isip ko, 'yung bagsak na buhok niyang nalalapatan ang mukha, ang manipis niyang labi at matangos na ilong, ang nakakaakit niyang mga mata.


"Smiling, laughing and dancing with you.." Dagdag niya at naramdaman ko nalang na tumulo na ang mga luha ko kahit nakapikit. Nakikita ko lahat ng masasayang nangyari sa'min dito sa El Viejo, siya lamang ang bukod tanging magandang bagay na nangyari sa buhay ko.


Nang imulat ko ang mata ay matamis siyang nakangiti saakin, inakbayan niya ako at nilapatan ng halik sa noo. Umupo siya sa duyang yantok at bahagyang isinandal ang ulo, ibinukas niya naman ang mga braso at tumabi ako sakaniya. Yakap niya ako habang pareho naming tinatanaw ang paghampas ng alon sa dalampasigan. 


Masarap ang ihip ng hangin, presko at hindi mainit ang panahon, hindi rin naman malamig. Sakto lamang sa naghahalong saya at lungkot sa aming mga puso. Sinulit namin ang mga oras na narito ako sa El Viejo. Sa tabi niya, sa yakap niya.


"Ang sabi mo, natagpuan mo ako bago mo mahanap ang sarili mo.." Sinabi niya 'yon habang sinusuklay ng kamay niya ang madulas kong buhok. "Hindi mo alam na mas nauna mong natagpuan ang sarili mo bago saakin.." Dagdag niya.


Hindi ako umimik. Hinintay ko lang siyang sabihin ang punto niya. "Dahil hindi ka naman talaga nawala.. Dahil hindi mo rin ako matatagpuan kung hindi mo pa nahahanap ang sarili mo," Aniya. 


Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Pilit siyang iniintindi. Hinawakan ko ang kamay niyang nakayakap sa braso ko. Dinama ang kaniyang mainit na balat.


"Hindi rin," Umiiling na sagot ko.


"Nahanap ko lang naman talaga 'yung sarili ko.. 'Nung natagpuan kita rito sa El Viejo," 







---------------------------------------------

Start na tayo baby? 



He, The one I met in El ViejoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon