Chapter 7

571 19 1
                                    

ANG BARUMBADA KONG KATULONG

FENICE'S POV

Naisipan muna naming maglunch bago maligo sa dagat.

Nakangiti akong nakatingin sa kanila na masayang nag-uusap.

Kumuha ako ng barbeque at kinain ito. Lumapit si Patrick sa akin.

"Ate, sino sa kanila ang gusto mo?" tanong niya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ano ba 'yang pinagsasabi mo, ha?"

"Patrick, you want some mango? I'll slice this for you," sabi ni Helvric.

Umiling si Patrick. "I'm fine. Thanks."

"Nakita mo 'yon? Nagpapalakas sa akin at kay Mama eh," sabi niya habang naka-crossed arm na nakatitig sa kanila.

"Sino?" tanong ko.

"Si Kuya Helvric, Ceriv at si Leumark. Paano na si Kuya Badrine? Kawawa manok ko sa kanila,"

Hinila ko ang tenga ni Patrick kaya napadaing siya sa sakin.

"Aray ko naman! Ang s-sakit, ate!"

Naagaw namin ang atensyon nila.

"Fenice, inaaway mo na naman ba kapatid mo?" tanong ni Mama.

"Pwede ho?" tanong ko kay Mama at tinignan ng seryoso si Patrick.

"Tumigil ka, Fenice," saway ni Mama sa akin.

"Halika rito, Pat," tawag ni Badrine sa kaniya.

Binelatan niya ako saka tumakbo papalapit kina Badrine.

"Mga Kuya?"

Napunta ang atensyon ng mga lalaki sa kaniya.

"Ano ang ginagawa ng kapatid mo?" tanong ni Reina at umupo sa tabi ko.

"Mabibitay ko talaga 'to si Patrick," gigil kong sabi.

"Yes, lil bro?" sabi ni Helvric.

Pumunta si Patrick sa gitna habang nasa beywang ang mga kamay.

"I have a simple question," panimula niya.

"Ano iyon?" tanong ni Badrine.

"What is it?" tanong ni Ceriv.

"Sinong may gusto sa ate ko?" diretso niyang tanong.

Nagkatinginan sila. Si Leumark, tahimik lang nakaupo. Si Helvric, kahit saan-saan ang tingin. Tumawa naman sina Lance at Marvin. Si Badrine ay ininom ang natitirang juice sa baso niya. Si Ceriv ay agad na tumayo at inaayos kuno ang mesa.

"Gusto ko si Fenfen kasi kaibigan ko siya," sabi ni Harold.

"Importante si Fenfen sa akin bilang kaibigan," nakangiting sabi ni Kai.

"Same," pagsang-ayon ni Pers kay Kai.

"Mahalaga siya sa amin," sabi ni Katof.

"Childhood friend namin si Fenfen at siya lang ang gusto naming maging kaibigan habang buhay. Darating din ang araw na iibig ang barumbada naming si Fenfen, susuporta kami sa kaniya at magiging masaya," sabi ni Harold.

Tumango-tango si Patrick habang ang hinlalaki at hintuturo niya ay nasa baba niya, parang nag-iisip.

"Ganon ba? I'm happy dahil pinahahalagahan niyo ang ate ko. Nakikita niyo siya as a woman that needs to be treasure. Basing from your answer mga kuya, kaibigan lang ang tingin niyo sa ate ko. Mabuti naman at hindi sira ang mga mata niyo," sabi ni Patrick at tumawa.

ANG BARUMBADA KONG KATULONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon