Chapter 2

776 29 4
                                    

ANG BARUMBADA KONG KATULONG

FENICE'S POV

"Fenice, ikaw ba naka-assign na maglinis sa silid ng amo natin?" tanong ni Manang Pearl.

"Ah, si Palamurang gago," bulong ko.

Tinignan ko si Manang na naghihiwa ng carrot.

"Opo," sagot ko.

"Maglinis ka na roon bago pa bumalik si Sir Leumark galing sa gym," sabi niya.

Kinuha ko na ang mga panglinis at umakyat sa taas.

"Bakit ang haba ng hagdan na 'to? Kainis ha," sabi ko.

Naglalakad ako sa hallway. Sa mga dingding, puno ito ng paintings at mga pictures ng Seiverous.

Napatitig ako sa portrait ni Leumark. Ang gwapo niya pero suplado. Mayaman kasi kaya ganon.

Nasa tapat na ako ng silid niya. Kinuha ko ang susi sa bulsa ko at binuksan na ang pinto. Pagkapasok ko sa silid niya, magulo ang kama niya. Ang kumot niya ay nasa sahig.

Pinulot ko ang kumot at inayos ang kama niyang gusot. Pumasok ako sa banyo at naglinis. Pagkatapos ay nag vacuum ako. Kinuha ko ang feather duster at nilinis ang figurines, sa taas ng closet niya, at sa book shelf niya. Pinunasan ko rin ang mga picture frames.

Tinignan ko ang litrato ng isang batang lalaki.

"Ang cute naman nito," sabi ko.

Inilapag ko ulit ang picture frame. Lalabas na ako ng biglang naalala ko na nakalimutan ko ang relo ko na niregalo ng mga kaibigan ko. Importante 'yon sa akin dahil nag-ambagan pa sila para mabili iyon.

"Nandito ka lang pala." Sinuot ko ulit ang relo ko. Sinara ko ang pinto ng banyo.

Napatigil ako sa paglalakad nang nakita ko si Leumark na walang damit pang-itaas.

Umiwas ako ng tingin. "Ah, um, nandito ka na pala, S-Sir."

Tumingin ako sa taas, sa baba at sa mga daliri ko.

"Napakatigas ng ulo mo, no? Sinasabi ko na ayaw kong may maabotan ako kahit sino." Sinuot niya ulit ang damit niya.

Tinignan ko siya. "Pasensya na ho. Naiwan ko kasi ang relo ko sa loob ng banyo. Aalis na sana ako eh. Kasalanan ko ba na napaaga ka nang balik? Umalis ka ulit," sabi ko at nilagpasan siya.

Kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas na sa silid niya.

••••

"Head Maid!" sigaw ni Leumark.

Napangiwi ako sa ingay niya. Dali-dali naman lumabas si Head Maid galing sa kusina.

Nag-va-vacuum kasi ako sa sala na de carpet pa.

"Yes, Sir," sabi ni Head Maid.

"We'll be having party. A pool party. I want you to prepare everything. Okay?" seryoso niyang sabi.

Tumango naman si Head Maid at nagbow sa kaniya bago umalis.

"Taray. May pa bow effect pa. Kamahalan lang ang gago," bulong ko sa sarili ko pero hindi ko akalain na nasa likod ko pala siya.

"What did you just say?" Tinignan niya ako ng seryoso.

"Nateng.(Nothing)" Bumalik ako ulit sa pagva-vacuum.

"Stupid woman! It's nothing. Fix your pronunciation! You're fucking annoying!" sigaw niya sa pagmumukha ko.

Tumingkayad ako at kwinelyuhan siya. "Gago ka ba? Huwag mo 'kong sisigawan!"

ANG BARUMBADA KONG KATULONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon