Chapter 24

272 10 0
                                    


FENICE'S POV

"The engagement party will be held on Saturday," anunsyo ni Mr. Seiverous.

Biglang akong nagulat sa aking narinig, pati sina Pam at Grace. Tinignan ako ni Leumark. Nakita kong napakuyom ang kaniyang kanang kamay na nasa ibabaw ng mesa.

"What do you think, Shaelyn?" tanong ni  Mr. Seiverous sa kaniya.

Sumilay ang ngiti sa kaniyang maamong mukha. "Kayo po bahala, Tito."

Nakatitig lang ako kay Leumark na nakatungo.

"Dad? Aren't we rushing the marriage? It's not yet the end of the world. Why rush?" singit ni Helvric.

"Why? I was 20 when I married your Mom. Your older brother is 22," sagot ni Mr. Seiverous saka uminom ng wine.

"Bakit pa natin patatagalin? Everything is planned," dagdag nitong sabi.

"Are you against this, Leumark?" tanong ni Mr. Muerez. Inangat ni Leumark ang kaniyang ulo at tinignan si Mr. Muerez. Hinawakan ni Shaelyn ang braso ni Leumark.

"Thank you for asking," sabi niya at tinignan ako.

"Your daughter is a wonderful woman but I'm in love with someone else," sabi niya saka inalis ang tingin sa akin.

"What kind of nonsense is this?!" tanong ni Mr. Seiverous, halatang may bahid na galit ang kaniyang boses.

"Hon, calm down. Let your so---" putol na sabi ni Mrs. Seiverous dahil biglang nagsalita ulit si Mr. Seiverous.

"You're marrying, Shaelyn!" sabi nito.

"I'm sorry, Mr. Muerez. I'm just being honest here. No wedding will happen. If so, it will not be her. It will be her." Tinuro niya ako na ikinanganga ng bunganga ko.

'Ano ba'ng iniisip mo, Leumark?'

Tumungo ako at mahigpit na napahawak sa gilid ng aking palda.

Napakapit sa magkabilang braso ko sina Grace at Pam.

"Ang tapang ni Sir Leumark," pabulong na saad ni Pam.

Nagulat si Mr. Seiverous sa sinabi ni Leumark. Tinignan niya ako at halatang hindi inaasahan na sa isang katulong nagkagusto ang anak niya.  Tumayo si Leumark at nilapitan ako. Tumabi sina Pam at Grace.

"Dad, Mom, everybody, I'm proud to present to you, my one and only woman, the love of my life, Fenice Airy Norquessa," anunsyo niya sa lahat at hinawakan ang kamay ko.

Tumayo si Mr. Seiverous sa pagkakaupo. "NASISIRAAN KA NA BA LEUMARK?! TATANGGIHAN MO SI SHAELYN DAHIL SA ISANG KATULONG?!"

"SA KATULONG KA PA UMIBIG! SA ISANG KATULONG! ANO NALANG ANG SASABIHI--"

"I DONT FUCKING CARE WHAT THEY WILL THINK OR SAY TO  ME! BULLSHIT! WHAT IS THIS? SOME KIND OF DISGUSTING VOMIT?" pasigaw na tanong ni Leumark.

"Honey, Leumark, can we just talk in a nice and calm way?" paki-usap ni Mrs. Seiverous.

"What's wrong of loving her? Dahil ba sa katulong lang siya? Kaya ka ba nagagalit ngayon dahil hindi ko sinunod ang gusto mo? Dahil umibig ako sa isang katulad niya o takot kang madungisan ang reputasyon mo?"

"You're going to marry Shaelyn," seryosong sabi ni Mr. Seiverous.

"Hiwalayan mo siya kung ayaw mong may mangyaring masama," pagbabanta niya. Matalim ang tingin nito sa akin. Tumungo ako at napapikit sa aking mga mata.

Umalis si Mr. Seiverous sa dining at sinusundan siya ni Mrs. Seiverous.

"Shaelyn, I think we need to go," sabi ni Mr. Muerez at tumayo.

ANG BARUMBADA KONG KATULONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon