FENICE'S POVDahan-dahan kong sinandal ang likod ko sa headboard. Biglang nagring ang phone ko kaya agad ko itong kinuha sa gilid ng lampshade.
Tinignan ako ng anim, maliban kay Badrine na abala sa paghahanda ng almusal ko.
Kumunot lang ang noo ko at hindi na sila pinansin. Sinagot ko ang tawag ni Mama.
"Hello, anak? Ano'ng oras ka uuwi?" tanong ni Mama. Agad na napadilat ang mata ko at tinakpan ang phone ko.
"Si Mama," mahina kong sabi. Nataranta naman sila sa sinabi ko.
"Hello? Hello, Fenice? Fenice?!"
"Sabihin mo, mamayang hapon," sabi ni Harold sa akin at tumango-tango naman ako.
"Mamayang hapon po, Mama," sagot ko.
"Ang tagal mong sumagot ah," medyo naiirita niyang sabi.
Tumawa ako ng tipid. "May g-ginawa po kasi ako, Ma."
"Hmm. Sige, sige. Mag-iingat ka sa pag-uwi mo, ah. Ay, teka. Pahatid ka nalang kina Badrine. Birthday mo pa naman baka ano'ng mangyari sayo," sabi niya.
'May nangyari na nga sa akin,'
"Sige po!" masiglang pagsang-ayon ko at binaba na ni Mama ang tawag.
Huminga ako ng malalim saka inilapag ang phone ko sa tabi ng lampshade.
"Kumain ka na. Sabi ng doctor, pwede ka ng lumabas mamaya. Basta mag-iingat lang daw na hindi maipit o madiin 'yang sugat mo," sabi ni Badrine at tumango lang ako.
Ngumiti siya ng tipid. "Kain na."
Pagkatapos akong pakainin ni Badrine ay biglang dumating si Grace at Pam. Dala nila ang mga gamit ko.
"Fenice!" tawag ni Pam sa akin at tumakbo papasok ng aking silid.
Ngumiti ako ng malapad. "Hello!"
"Ayos ka na ba?" tanong ni Grace saka nilapag ang bagpack ko sa aking paanan.
Tumango ako. "Ayos na ako."
"Ikaw naman kasi, kung date, date lang hin--" Hindi natapos ni Pam ang sasabihin niya dahil sumenyas ako na tumahimik siya. Nag-uusap kaming tatlo sa pamamagitan ng paggalaw ng aming mga mata.
'Huwag kang maingay. Hindi pa nila alam,'
'Pasensya na. Hindi ko alam na bawal,"
'Ikaw talaga, Pam. Takpan mo ang bibig mo,'
"Ah, ayos lang kayong tatlo?" tanong ni Lance.
Ngumiti ako. "Ayos lang kami. Diba?"
Sabay na tumango sina Grace at Pam.
"Lumabas muna kayong pito. Magbibihis ako," sabi ko sa kanila at isa-isa silang tumayo at lumabas sa silid ko. Huling lumabas si Badrine kaya siya na ang nagsara ng pinto.
"Pwede ka na bang lumabas?" tanong ni Pam.
Dahan-dahan akong tumayo. "Oo naman."
"Bakit nga pala hindi nakapunta si Leumark ngayon?" tanong ko.
"Dumating na ang Mommy niya no'ng isang araw. Tapos ngayon, dumating 'yong Daddy niya ng madaling araw," sagot ni Pam at tumango-tango lang ako habang hinuhubad ko ang hospital gown.
"Alam mo ba, ika--" Hindi natapos ni Pam ang sasabihin niya ng biglang tumawa ng malakas si Grace habang pumapalakpak.
"Nakakatuwa. Maayos ka na, Fenice," sabi niya na tumatawa. Kumunot lang ang noo ko sa kaniya. Nagtataka kasi ako sa kinikilos niya.
BINABASA MO ANG
ANG BARUMBADA KONG KATULONG
RandomSi Fenice Airy Norquessa ay isang babaeng hilig pumapasok sa gulo, nakikipag-away, kasama ang mga kaibigan niya. Kilala siya sa probinsya nila na kapag may gulo, siya ang pakana o nakikisali sa gulo. Isang araw, nakatanggap sila ng notice patungkol...