Papasok na sana ako ng classroom for our first subject nang biglang makasalubong ko si Gem na umiiyak at balisa pagkalabas nya ng CR.
"Gem! Okay ka lang?" Tinawag ko sya.
Pero parang wala syang narinig, binangga nya lang ako at dumire-diretso sya paakyat sa taas.
"Gem, wait lang!!!" Sigaw ko.
Bakit kaya sya umiiyak? Siguro pinagtripan nanaman 'to nila Nicole? Nako, di porket famous sila sa school na 'to eh may karapatan na sila mangbully ng ibang students ah!
Di ko naman sinasabi na cool kid ako ah, actually isa nga ako sa mga dead kid dito sa school. Pero si Gem? She's a total nerd. Alam mo yun? Yung tipikal na walang pakialam sa itsura, nakasuot ng makapal na lense ng salamin at laging tambay lang sa library.
Kaya naman sinundan ko si Gem paakyat. Shet! Bakit sya dumiretso papunta ng rooftop?
Hingal na hingal ako kakahabol sakanya! Di ko na nga inisip first subject namin. Bad shot nanaman ako neto sa prof namin!
Pagkapasok ko sa pinto ng rooftop, naabutan ko si Gem na nakatayo sa edge ng building na 'to.
Nakatalikod sya sakin, and nakita ko kung pano nanginginig yung buong katawan nya sa takot. Ako rin sobrang natatakot ngayon. Sino bang hindi? It seems like she's about to jump!!!! Tangina.
"Gem? Kung anoman yang problema mo, pwede natin pag-usapan yan. Okay? Di kailangan ganito magtapos yung kwento mo." Sabi ko sakanya, ang shaky rin ng boses ko.
Dahan-dahan humarap si Gem sakin. Sobrang putla ng mukha nya. I mean, lagi naman syang maputla, pero iba yung ngayon! Parang medyo namumuti rin yung itim sa mga mata nya. Weird.
"Umalis kana dito, Sab! Dito rin naman bagsak ko!" Sumigaw sya, dilat na dilat yung mga mata nya.
"Sabihin mo sakin! Maiintindihan kita. Please bumaba kana dito." Pinilit kong kumalma.
"Umaakyat na sila sa ulo ko, Sab. Yung virus sa loob ng katawan ko, ramdam na ramdam ko! Sobrang kirot! Nababaliw na ata ako!" Humawak sya sa ulo nya at sinimulan pukpukin 'to habang humahagulgol sa iyak.
"Sabi ng DOH diba okay na lahat? Wala tayong dapat ipag-alala sa virus na 'yon. Tsaka pano ka naman maiinfect? Please, bumaba kana dito, Gem." Nagmakaawa ako sakanya.
"Matalino ka, Sab. Gamitin mo utak mo! Sinong tangang maniniwala sa sabi ng gobyerno?! Man-made 'tong virus na 'to! Gagamitin nila tayo panglaban sa mga Chinese na 'yan na pilit tayong sinasakop!" Gigil na gigil sya habang sinasabi yan. Hindi ko na makita yung Gem na kilala ko.
"Nagtatrabaho yung papa ko sa DOH, diba? Sa tingin mo ba talaga nagsuicide sya? Hindi! Ayun lang ang pinalabas ng mga gagong may posisyon! Isa lang naman yung tatay ko sa mga pinapatay nila dahil tutol sila sa pagpapakalat ng tanginang virus na 'yan!" Tuloy parin yung pag-iyak ni Gem. Pero natakot ako ng mapansin kong dugo na yung lumalabas sa mga mata nya.
"Paano mo nasabi na infected ka? Paano ba kumakalat yung virus? Airborne ba? Physical contact? Tell me!" Sigaw ko habang nanginginig ako sa takot. Di ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.
Tinaas nya sleeve ng polo nya and pinakita nya sakin na may sugat sya don. Parang kagat ng isang tao? Nagdudugo 'to at malalim ang pagkakabaon ng ngipin ng kung sinomang kumagat sakanya.
"On the way ako sa school kanina, may lalaking wala sa sarili nya ang humabol sakin. Akala ko nga snatcher sya. Pero hindi, Sab! Nakita ko yung mukha nya, namumuti yung mga mata nya. Nagdudugo rin ilong nya. Sinubukan kong lumaban! Pero masyado syang malakas. Nagulat ako dahil kinagat nya 'ko. Tila ba parang gusto nya 'ko kainin ng buhay!" Patuloy sa pag-iyak si Gem habang nagkekwento.
BINABASA MO ANG
Last Words
Short StoryThis might be the end of the humanity, the last day of your life, the last time everyone gets a grasp of their sanity, and you get to spend it with the love of your life. What would your last words be?