Pagkatapos ng almost isang oras na paglalakad, malapit na rin kami sa safe zone.
Hindi nawala yung tingin ko kay Rey, magdamag yon. Gusto ko syang bantayan. Alalang-alala ako sakanya. Kasalanan ko 'to eh!
"Hindi talaga mapagkakatiwalaan 'tong google map. Sabi isang oras na lakaran lang eh." Reklamo ni Sean.
Habang naglalakad kami, bigla nalang sumigaw ng sobrang lakas si Rey. Napatingin kaming lahat sakanya. Namumutla na sya.
"Rey! Okay ka lang?!" Tanong ko.
Napaluhod sya bigla habang iniinda nya yung sobrang sakit na nararamdaman nya. Pinalibutan namin sya. Lahat kami ay sobrang takot na takot nung mga oras na 'yon.
"Sobrang sakit ng ulo ko! Nararamdaman ko na silang kinakain yung utak ko unti-onti!" Kumapit sya sa ulo nya.
"Please sabihin mo samin pano ka namin matutulungan!" Sobrang natataranta si Sean.
"Hanggang dito nalang ata ako." Sabi ni Rey.
"Bubuhatin ka nalang namin! Malapit na tayo, tol." Ang lakas ng boses ni David.
"Iwan nyo na 'ko, please. Ayoko maging pabigat sa inyo." Mahinang pagkakasabi ni Rey.
"Anong pinagsasabi mo Rey? Makakarating tayo don ng kumpleto!" Sinigawan sya ni Louise.
Dahan-dahan inangat ni Rey yung ulo nya galing sa pagkakayuko neto.
"Tangina ano bang hindi nyo maintindihan?! Mamamatay na kong ganito!" Pinilit tumayo ni Rey, at nung tutulungan sya ni Louise, tinulak nya 'to ng sobrang lakas. Natumba nalang si Louise sa lapag.
Gulat na gulat kaming lahat sa nagawa ni Rey. Miski sya ay nagulat sa sarili nya. Hindi sya makapaniwalang nasaktan nya ang isa sa tinuturing nyang kapatid.
"Okay lang ako." Sabi ni Louise habang tinutulungan sya itayo ni Raj.
"Wag kayong lumapit sakin! Kayong lahat!!! Hindi nyo ba nakikita? Nagsisimula na 'kong mawala sa sarili ko. Di na ako 'to! Patayin nyo na 'ko bago ko pa masaktan ulit yung isa sa inyo!" Nagmakaawa si Rey.
"Pre! Tutulungan ka nila. Maniwala ka. Malapit na tayo sa border oh!" Nanginginig na yung boses ni David.
"Di ko na kaya mga tol..." napaluhod ulit si Rey.
Tangina, di ko sya kayang makita ng ganito!
"Ano ba?! Anong hindi mo na kaya? Baka nakakalimutan mo si Rey Maestro ka, diba?" Nagsimula na maging emosyonal si Raj.
"Bago pa 'ko mawala sa sarili ko ng tuluyan, gusto ko lang sabihin na mahal na mahal ko kayong lima. Pinaramdam nyo sakin na tunay ko kayong mga kapatid." Nagsimula ng umiyak si Rey, pero dugo na yung lumalabas sa mga mata nya.
Ang sakit sakit makita na ganito sya ngayon!
Nag-iiyakan na kaming lahat dito.
"Pre malapit na mag 12pm, bobombahin na nila tayo dito. Tara na please! Diba walang iwanan? Sabi mo walang maiiwan!" Pagmamakaawa ni Sean sakanya.
"Tangina naman, wag ka magsalita ng ganyan. Marami pa tayo isusulat na kanta ng magkasama!" Medyo nagkacrack yung boses ni David kasi isa sya sa grabe umiyak.
BINABASA MO ANG
Last Words
Short StoryThis might be the end of the humanity, the last day of your life, the last time everyone gets a grasp of their sanity, and you get to spend it with the love of your life. What would your last words be?