Hindi ko naman sinasadya marinig pero sadyang malakas lang talaga yung boses nya kaya ko narinig.
"Ma? Opo, wag kana mag-alala. Safe na safe kami dito! Kasama na namin yung mga sundalo, ihahatid na rin nila kami dyan sa city hall, wait nyo 'ko ha? Tumawag lang ako kasi gusto ko lang malaman na okay kayo dyan. See you soon ma! Mahal na mahal ko kayong lahat!" Sabi ni Rey sa phone habang pinipigilan yung pag-iyak nya.
Nagsinungaling sya. Obviously. Dahil una, di naman kami talaga safe dito. Pangalawa, walang mga sundalo. At pangatlo, walang kasiguraduhan na makakalabas pa kami ng buhay sa school na 'to.
Nahuli nya 'ko na nakatingin ako sakanya nung mga oras na 'yon. "Ikaw? Di mo tatawagan yung pamilya mo? Baka huling araw na natin 'to." Sabi nya, sinubukan nya magmukhang chill pero halata ko yung lungkot nya.
"May natanggap akong text galing sa kaibigan ko." I said, then inabot ko sakanya yung phone ko para ipabasa yung text ni Japs.
"Totoo nga yung sa border na ginawa ng gobyerno. Tangina. Nagpapahalata naman sila masyado na sila yung nagpakalat ng virus kaya ready sila ngayon!" Sinara ni Rey yung fist nya sa sobrang galit.
"So, anong plano?" Tanong ko.
Bigla nalang sumigaw si Rey, enough para marinig ng mga taong andon. Sa pagkakabilang ko, 17 kami lahat na andito, kasama ang isang professor at isang babae na nagtitinda sa cafeteria.
"Either mamamatay tayo dito na naghihintay sa walang kasiguraduhang tulong, o lalabas tayo para lumaban." Sigaw niya.
"Lalabas? Are you out of your mind? Wag mo kami idamay dyan. Magstay nalang kami dito." Reklamo ni Nicole.
"Sinong mga sasama sakin na lalabas? Guys, bukas ng 12pm, bobombahin lahat ng lugar maliban sa bawat border na ginawa kada city. Wala tayong kasiguraduhan na may dadating pang tulong." Paliwanag ni Rey.
"Kung sakali mang lalabas tayo, ano gamit nating armas? O panlaban? Narinig nyo naman kanina paano nila inatake yung lalake sa labas. Di natin alam ano yung mga naghahantay satin." Sabi ni Rajih na halatang naghehesitate.
Napansin ko na nagsikuhan yung dalawa. Si David at Louise. Hmmmm, bakit kaya?
"Actually... may baril kami. Ako and si David." Nahihiyang pag-amin ni Louise.
WHAT THE HECK?
"Oh! Wag nyo kaming i-judge. Wala kaming planong masama o kung anoman. Medyo napredict lang talaga namin yung mga ganitong sitwasyon kaya kumuha kami ni Louise ng baril." Sabat ni David.
"Nasan mga baril nyo?" Tanong ni Rey sakanila.
"Nasa kotse ko." Sagot ni David.
"Check rin natin yung kitchen for sharp objects." Nagsuggest si Louise, yes tama!
"Guys, gustuhin ko mang sumama kaso I'm scared! Ayoko malapa ng mga people na parang naging animals! My nose, this cost 100k pa naman." Nagpapabebe si Kyla. Ugh, kairita. Walang pumansin sakanya.
"Sino pa mga sasama samin?" Tanong ni Rey.
Nagtaas ako ng kamay, pati ang limang miyembro ng Magnus Haven.
OMGGGGG. Pati si Yano nagtaas ng kamay? Another dead kid sa school na 'to kagaya ko.
"Sumama na kayo. Mas malaki yung chance natin mabuhay kung lalabas tayo!" Sinubukan silang kumbinsihin ni Rey.
BINABASA MO ANG
Last Words
Short StoryThis might be the end of the humanity, the last day of your life, the last time everyone gets a grasp of their sanity, and you get to spend it with the love of your life. What would your last words be?