Nagpaiwan ako sa kusina habang sila eh nagstay sa sala para mag-usap usap sa gagawin naming paglakad papunta sa border bukas.
Bigla nalang akong nasuka ng maalala ko yung itsura ni Gem kanina at yung sinapit nung lalaking nagmakaawa samin na papasukin namin sya sa cafeteria.
Malamang buhay pa sana sya ngayon kung tinulungan namin sya. TANGINA.
"Okay ka lang, Sab?" Tanong ni Rey.
"Oo." Sagot ko.
Kumuha sya ng baso at nilagyan ng tubig 'to sabay abot sakin. "Salamat, Rey." I said.
Sumunod ako sa sala para alam ko yung planong gagawin namin para bukas.
"Guys, so far, dalawang baril lang yung pinaka armas natin. Pati mga kutsilyo." Sabi ni Rey.
"May nakita akong mga kahoy sa likod ng bahay, pwede natin patulisin yung dulo non." Nag-suggest si Rajih.
"Meron ring baseball bat don sa unang kwarto eh. Magagamit natin 'yon!" Si David naman yung nagsalita.
"Gawa rin tayo nung bote na sumasabog pag hinahagis. Bote na may gas lang sa loob 'yon eh. Marunong ako!" Nakangiti si Raj na halatang proud sya sa kaya nyang gawin.
Kaya naman wala kaming sinayang na oras. Ginawa namin ang mga dapat naming gawin. Walang tumigil para magpahinga sa pag-gawa ng mga armas.
Hanggang sa inabot na kami ng dilim. Buti naman at natapos namin ang lahat para bukas! Nagpahinga na kami pagkatapos.
Kumuha ako ng posporo at kandila para maglagay sa bawat kwarto. Buti naman at kahit papano, hindi na gaano madilim. Si David, Louise, at Raj yung magkakasama sa unang kwarto. Sa pangalawang kwarto naman ay si Yano, Rey, at Sean. Solo ko yung pangatlo.
Nagstay muna ako sa sala. Hindi kasi ako pinapatulog nitong mga naiisip ko. Tinignan ko phone ko, lowbat na pala ako. 23% nalang natitira.
May mga messages akong nareceive from papa and sa isang unknown number.
Papa
"Anak? Mahal na mahal ka namin ng mama mo at ng mga kuya mo ha. Andito na kami sa city hall. Okay naman kami dito. Sana andito kana rin. Hihintayin ka namin."09278119***
"Sab, si Japs 'to. Number ni Chael 'tong ginamit ko. Malapit na kami sa may border. Umaasa akong makikita pa kita. Sana ligtas ka. Gusto ko lang rin sabihin na mahal na mahal kita. Baka lang kasi 'di ko na masabi."Bigla nalang ako naluha sa mga nabasa ko. Miss na miss ko na pamilya ko. Gusto ko na sila makasama. I'm not even sure if makakasama ko pa nga ba talaga sila.
It's like the death is waiting for us, literal na nag-aabang pagkalabas namin ng pinto.
Maya-maya, may nakita akong figure ng isang tao sa peripheral vision ko. Takot na takot ako! Tinignan ko kung sino 'to. Pero bago pa man ako mapasigaw, tinakpan nya yung bibig ko.
"Wag ka sumigaw! Ako lang 'to."
Si Rey lang pala. UGGGHHH!
Tinanggal rin nya yung kamay nya sa bibig ko nung kumalma nako. "Bakit kasi di mo man lang ako tinawag? Parang tanga!" Sabi ko.
"Sorry na, nakita kasi kita na umiiyak? Okay ka lang ba?" Tanong nya, umupo sya sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Last Words
Short StoryThis might be the end of the humanity, the last day of your life, the last time everyone gets a grasp of their sanity, and you get to spend it with the love of your life. What would your last words be?