Chapter 2
Katahimikan ang bumalot sa aming magpipinsan. Ang mga magulang namin ay nag uusap parin. Walang ka alam alam sa nangyayari sa amin. Nang mag angat ako ng tingin sa mga lalaki kong pinsan, lahat sila malamig na nakatingin sa lalaking nasa harap ko.
Great. I just pulled the trigger. Just great.
"What is your name?" Malamig at puno ng awtoridad na tanong ni Kuya.
"Ryoji" maikling sagot niya.
Tumango lang si Kuya. Tumingin siya kay Jermell at tinanguan ito. Parang alam na nila kung ano ang ibig sabihin nito. Ilang saglit pa ay kami namang mga babae ang nagkatinginan. Puno ng pagtataka ang nga mata nila, hindi alam kung ano ang sinasabi ni Kuya sa pagtango niya kay Jermell.
"Girls..." Pagtawag sa amin ni Jermell. Nag angat kami ng tingin lahat sa kanya.
"Bonfire. Now." Walang emosyong sabi niya habang nakatingin parin sa lalaking nasa tapat ko.
Nagtataka namin siyang sinunod. Pero nahuhulaan ko na ang mga mangyayari. Umupo kami sa mga kahoy nakalatag malapit sa lumiliyab na apoy.
"Someone just pulled the trigger" parinig na sabi ni Gwynn.
"Shut up Gwynn" mariing sabi ko sakanya. Tinawanan lang nila ako.
"'Di lang si Syn, right Arah?" Halatang nang aasar na baling ni Charm kay Arah. Yumuko lang si Arah bilang sagot.
"Stop it you two." Saway ni Mia sa dalawa.
Nang tignan ko sila Kuya ay papalapit na sila sa amin. Stern cold eyes. Sina Kyle at Hint ay halatang nang aasar ang tingin at ngiti.
"Shatap. Nandiyan na sila" sabi ko sakanila. Napa ayos agad ako ng upo. Nakita ko rin si Arah na prim and proper na nakaupo. Habang ang iba ang kaswal lang.
"Kieggarah, sit beside Crimsyn" mariing utos ni Jermell na siyang sinunod agad ni Arah.
Nang makaupo siya sa tabi ko, pinulupot niya ang braso niya sa braso ko. She also intertwined her cold fingers on mine.
"Ghorll kalma. Pwde nang gawing ice yang kamay mo. Kalma okay?" bulong ko sa kanya. Sinamaan niya lang ako ng tingin. Napatawa nalang ako.
Pinagitnaan kami nila Kuya at Jermell. Sa magkabilang gilid ay nakupo sina Gwynn, Carmel, Hint at Clint. Sina Mia, Bella at Ai, ay nakaupo sa buhangin kasama ang ibang lalaki. Sa tapat naman namin ay ang dalawang panauhin na mag pipinsan.
Maingay na ang mga pinsan ko habang kami ni Arah ay tahimik lang. Pinapakiramdaman namin ang dalawang dragon na nasa magkabilang gilid namin.
Overprotective!
"Ano ba 'yan Clint! Ang boring ng jokes mo!" Mamayay sabi ni Mia. Aambang sasagot na si Clint ng pigilan siya ni Hint.
"'Tol kalma. Ang puso mo. Ang puso mo" hinawakan pa ni Hint ang bandang puso ni Clint. Ang gago, dinadama naman niya.
"Laro nalang tayo." Suhestyon ni Bella.
Sinang-ayunan naman ito ng lahat.
BINABASA MO ANG
Flames of Victory (Dalcemedty Cousins Series #1)
Non-Fiction"She is good, who is close to the fire and does not burn. But be careful, just like fire she can also burn you until you turn into ashes."