Chapter 3I am not innocent anymore but never in my entire life gumawa ng ganun kabulgar. Hindi ko din alam kung anong pumasok sa isip ko at pinatulan ang dare na sinabi ni Kirn, eh halata namang hindi makakapagkatiwalaan ang isang 'yon. At teka, sa pagkakatanda ko magka galit kami ni kuya gabi dahil sa mga bisita. Ibig sabihin hindi dapat ako puwedeng uminom. Did they trick me again? Oh! I will surely kill Kirn for this!
Nang bumaba ako ay naghahanda ng tanghalian sila mama. And to my horror nasa hapag ang dalawang bisita.Muntik pa akong mahulog sa hagdanan ng matanaw ko sila. Halatang mga bagong gising at may hang over pa. Hindi kaya papagalitan ang mga 'to dahil hindi umuwi sa bahay nila? at saka 'san sila natulog kagabi? The hell I care.
Ginala ko ang tingin sa dining area ng may mapansin akong ingay sa sala. Panay ang reklamo ng mga pinsan ko dahil sa sakit ng ulo. Nakakalat pa ang ibang kumot at unan sa sahig kung saan sila marahil natulog.Panay hampas ng unan ang mga babae sa mga lalake dahil sa pagmumura ng mga ito.
"Ayan! Sige pa! Inom pa! Dinamay niyo pa ang dalawang 'to sa mga kalokohan niyo! Ano nalang ang sasabihin ng mga tito niyo niyan!" tinuro pa ni mama ang dalawang bisita. Isa isa namang naglakad ang mga pinsan ko sa hapag.
"Eto kasing si Clint eh! Siya kasi nag aya ng inoman tita!" sumbong ni Andrie kay mama. Na sinang ayonan naman ng ibang lalake. Sasagot pa sana si Clint ng binatukan siya ni mama kaya yumuko at hinihimas nalang niya ang kanyang ulo.
our lunch ended normally. Kahit parang may tumititig sa'kin tuwing nagsasalita o tumatawa ako sa mga biro nila Kyle. Hanggang sa umuwi na sila, hinatid pa namin ni mama ang mga bisita sa labas. Tinanong pa sila ni mama kung hindi ba sila papagalitan dahil tanghali na sila nakauwi. Aniya'y okay lang daw dahil alam daw ng mga magulang kung nasaan sila.
Pagkatalikod nila ay pumasok narin kami ng bahay ni mama. Pumasok siya sa kusina at pumunta naman ako sa kwarto ko. Nang makapasok ay binagsak ko agad ang katawan ko sa kama. Paulit ulit 'kong inaalala ang nangyari kagabi, kahit pa putol putol. Pinilit kong alalahanin ang iba ngunit hindi ko talaga maalala. Ang tanging naalala ko lang ng malinaw ay yung dare ni Kirn, at lumuhod ako sa harapan ng nakabukang hita ng lalaking yun. May kinuha akong isang bagay tapos yun na yun, hanggang dun lang talaga.
Speaking of Kirn hindi ko pa siya natanong sa ginawa niya sa'kin kagabi. Ang swerte talaga ng isang yun. Tsaka hindi ko parin alam pano nila akong napainom kagabi eh magkagalit kami ni Kuya.
"Mia! Sinong hinihintay mo? Ako?" tanong ko sakanya Lunes ng tanghali ng pumasok na ulit kami sa skwela at nakita ko siya sa labas ng building namin.
"A-ah Oo! Sunduin daw kita sabi nila Tony." sagot niya sakin.
Tinanguan ko nalang siya at sabay kaming naglakad papuntang JQ. Ang Juan Quino o mas kilala sa tawag na JQ ay isang three storey building at pinapagitnaan nito ang apat na school. Sa second at third floor ay ang mga iba't ibang stalls ng pagkain habang ang first floor naman ay isang school supplies at internet shop.
Nang makarating sa second floor ay punuan ang mga lamesa. Ginala ko ang tingin ko nagbabakasakaling makita ko ang iba kong pinsan. Pero iba ang nakita ko. It's him again! Kasama niya yung pinsan niyang si Felwin, may kasama rin silang tatlong babae at dalawang lalake. Nagtatawanan sila dahil sa biro ng isang kasama nila, aksidente namang nagkatinginan kami. His brows furrowed. Iniwas ko kaagad ang tingin ko sakanya at bumaling kay Mia na kanina pa pala ako sinisiko ngunit ang paningin niya ay nasa isang nagkukumpulan na mga lalake.
Oh right! JQ nga pala 'to! The four schools inlcludes, USC, USJR, UC MAIN, and UP! How could I forget?
"Nasa third floor sila Syn..." paulit ulit niyang sinabi yun habang hindi parin inaalis ang paningin sa mga lalake na ngayon ay masayang kumakain ng tanghalian. Hinila ko kaagad siya, ngunit hindi parin siya nagpatinag.
BINABASA MO ANG
Flames of Victory (Dalcemedty Cousins Series #1)
Non-Fiction"She is good, who is close to the fire and does not burn. But be careful, just like fire she can also burn you until you turn into ashes."