Chapter 1

8.1K 214 37
                                    

Year 2020

Paradise Beach Resort.

Shawn's POV

Nasa office ako ngayon, dito sa first floor ng Paradise Hotel, ang Penthouse ko ay nasa pinakaitaas na palapag ng Hotel.

Nakakunot ang noong napatingin ako sa news, bigla nalang nag pop up sa laptop ko, i got curious dahil mukha ng babaeng kinaiinisan ko ang nandoon, it's been 3 years pero hindi pa rin mawala ang inis ko rito.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit, dahil ba sa pamimilit nito sa akin na halikan ako o dahil sa naiinis ako kung bakit ito ganoon kung umasta!

Napapailing nalang akong napatingin sa screen ng laptop ko, ngayon ay sikat na itong actress, model lang ito dati pero pinasok ang mundo ng showbiz, grabe na ang kasikatan nito lalo na ng e release nito ang bagong movie na One Wish. Ang dami niyang awards na natanggap, naging best actress din siya.

Napapailing nalang ako, hindi naman ako nanonood sa mga movies na gawa nito. Hindi pa rin mababago ang tingin ko rito noon na isang spoiled brat at liberated na babae.

Biglang tumunog ang telepono ko, nag inform ang reception area na dumating na raw ang hinihintay ko, nag inform daw sa kanila ang guard na nasa entrance.

Agad akong lumabas sa office at nagtungo sa reception area, husto naman ang pagpasok ni Marcus Myles, he is one of my friend.

"Marcus." Bati ko sa kanya sabay lahad ng palad ko rito saka nagbigay ng bro-hug sa isa't isa.

"Shawn" Sambit naman nito sa pangalan ko.

"The villa is ready for the both of you." Seryoso kong saad sa kanya, napansin ko rin ang babaeng kasama nito. Her beauty is so captivating, kakaiba ang angkin nitong ganda at nakakaakit. Gusto ko sanang tanungin kung sino ang kasama but knowing Marcus, baka magselos pa.

"Thanks man!" Nakangiting saad ni Marcus, tinanguan ko lang siya. Saka lumabas na sila ng Hotel patungo sa villa na pina reserve ko para sa kanila.

Pabalik na sana ako ng office ng bigla akong tawagin ni Megan ang receptionist ng Hotel.

"Sir Andrew, may nagpa reserve po as VIP sa isa sa mga Villa natin sa beach. Bukas po ang dating ng mga ito" Saad ni Megan, mas kilala akonsa pangalang Andrew. Kaya karamihan sa mga staff ko dito sa Resort ay Andrew ang tawag sa akin.

"Okay, ipa prepare mo nalang ang isa sa mga Villa natin, anong location ba ang gusto nila?" Tanong ko rito.

"In front of the beach po." Sagot ni Megan. Napatango ako.

"Okay, kayo na bahala, pa inform nalang ang Housekeeping department para ma prepare nila ng maayos ang Villa. Saka sa Maintenance/Engineering department para ma check ang mga amenities sa loob ng Villa." Seryoso kong saad.

"Yes Sir." Simpleng sagot ni Megan, nagtuloy tuloy na ako sa office, hindi ko na naitanong kung sino ang VIP bukas.

Pagkapasok ko ay bigla namang nag ring ang phone ko.

"Hello? Yes mom." Sagot ko, si mommy na naman.

"Shawn, anong oras ka pupunta rito sa bahay?" Narinig ko ang matinis na boses ni Mommy, napakamot ako sa batok.

Shit! I forgot, birthday niya pala tapos wala pa akong regalong nabili.

"Mamaya mom."

"Don't be late! Lagi ka nalang late, tawagan mo rin si Kent, diyos ko kayong mga batang kayo kinakalimutan niyo na ako!" Pagtatalak ni Mommy. Napapailing nalang ako.

After the call ay nagmamadali akong umalis sa Resort para magtungo sa mall, natawagan ko na rin si Kent ang bunso naming kapatid, ayon busy pa rin sa pagka car racing nito.

Maaga pa naman kaya dahan dahan lang ako sa pagmamaneho ko ng sasakyan ng may biglang bumangga sa likod ng kotse ko.

Damn it!

Buti nalang nakapag break ako, wala pa naman masyadong mga sasakyan na dumadaan.

I gritted my teeth dahil sa inis, nakakunot ang noong bumaba ako sa sasakyan ko at tiningnan ang damaged sa likod ng kotse.

Ang nakabangga sa akin ay hindi pa rin bumababa, tinted ang glass window nito kaya hindi ko kita kung sino ang driver.

Ilang minuto akong nakatayo, naghintay na bumaba ang driver ng kabilang sasakyan pero hindi ito bumaba kaya kinatok ko na.

Bahagya nitong ibinaba ang shield ng window nito.

"Hi." Nakangiting saad ng babae, nakasuot ito ng dark shades, at nakalugay ang mahahaba nitong buhok, hindi ko tuloy halos makita ang mukha nito dahil sa suot na shades.

"Miss, did you know what you did?" Iritable kong saad sa kanya, hindi man lang bumaba.

"Yes i know, bayaran ko nalang. How much ba?" Nakangisi nitong saad na tila ayaw pang ipakita ang mukha sa akin.

Kakabili ko lang sa sasakyan ko ngayon, tapos ganito lang?

"Mind if you get out of your goddamn car?!" Saad ko sa kontroladong boses, pero galit na ako.

"I'm sorry, i can't baka kasi may makakita sa akin." Saad nito sa mahinang boses.

Napapalatak ako. Wow naman! Napaka imposible talaga ng babaenf ito. Walang sabi sabing binuksan ko ang sasakyan niya, buti nalang hindi naka lock, saka kinaladkad ko siya palabas ng kotse nito.

Nagulat ito sa ginawa ko pero mas nagulat ako ng makilala ko kung sino ito.

"Oh my god! I can't believed it na kinaladkad mo ako! How dare you!" Inis na saad nito sabay tanggal aa suot na dark shades.

Napatulala naman ako sa magandang mukha nito. Mas lalo itong maganda at attractive in person, walang iba kundi si Flower Ingrid San Sebastian o mas kilalang Ingrid San Sebastian , ang screen name na gamit niya.

"Babayaran ko nalang ang damage, okay?" Muling saad nito pero ng matitigan ako ay nanlaki ang mga mga mata.

"You?!" Bulalas nito, tulad ko ay hindi rin siguro ako nito nakalimutan kahit pa sabihing 3 years na ang lumipas.

"Oh, we met again Ms.Flower. Available pa ba iyong offer mo sa aking halik?" Pang aasar ko rito na ikinapula ng mukha nito, nakita ko ang inis sa hitsura nito.

"Oh yes Mr.Arogant bastard! Available pa pero hindi na para sayo!" Asik nito sa akin, amused akong napatingin sa kanya.

Sasakay na sana ito sa sasakyan ng maagapan ko ang kamay nito, and damn it! Ano bang kuryente iyong naramdaman ko?

"Wait, how about my car?" Tanong ko rito, tinaasan lang ako nito ng kilay.

"Oh your car? Mayaman ka diba?! Ipaayos mo!" Mataray na saad nito saka tuluyan ng sumakay sa kotse at pinaandar, naiwan siyang nakatulala.

Aba naman! Tila ang laki yata ng galit sa akin ah!

I smirked at myself, we're not done Flower! Akala mo palalagpasin ko ang nangyari ngayon?!

No way!

***

De Villa Series 4: Shawn's Elusive Love  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon