Chapter 2

7.1K 170 3
                                    

Flower's POV

Nagpupuyos ako sa galit na iniwan ang Shawn De Villa na iyon! Saka ko na nakilala ito ng pakaladkad niya akong pinalabas sa sasakyan!

Never ko talagang makakalimutan ang lalaking iyon kahit 3 years na ang nakalipas!

Pinahiya niya ako sa lahat ng friends ko dahil lang sa halik! Akala mo naman virgin pa ang lips!

Kung hindi lang dahil sa Management na may hawak sa akin ay never akong pupunta sa Paradise Beach Resort na pag mamay ari niya!

Kailangan kasi doon kami magpo photoshoot para sa cover and posters ng bagong movie na gagawin ko.

Napakayabang at arogante talaga ng Shawn De Villa na iyon!

Na buwesit talaga ako, nasira na ang araw ko ng makita siya. Bahala na kung pakasuhan niya ako dahil sa ginawa kong pagbangga sa bago niyang kotse.

Nagtungo ako sa CNB Studio, kung saan may interview ako. Agad akong sinalubong ng manager ko na si Lea.

Naghihintay na ang mga reporters at mga iba ko pang kasamahan para sa bagong Movies na gagawin namin. Magpo promote rin kami.

"Oh na late ka yata." Sita ni Lea sa kanya, para ko na rin itong kapatid kahit na mas matanda ito sa akin ng ilang taon.

"Nagkaroon lang ng konting problema sa daan." Saad ko, agad na niya akong inakay sa room ko at inayusan.

Nakaupo na sa harap ng camera ang mga kasamahan ko sa movie na gagawin namin. Pagdating ko ay umusog ang supporting actress na si Megan para makaupo ako sa gitna.

Si James Morgan naman ang Male Lead at ako ang Female Lead. Magaling na artista rin si James saka isa siya sa sikat na mga Male Lead Actor, si Megan San Andres naman ay sikat din bilang supporting actress or antagonist sa movie pero never pa ito naging Female Lead sa isang movie, i don't know kung bakit, tingin ko magaling naman ito.

Nagsimula na rin ang interview, una ay about sa movie lang ang mga tanong hanggang sa nagiging personal na.

"Sa tingin ninyo magkakailangan ba kayo ni James ngayong first time ninyong makatambal ang isa't isa?" Tanong ni Kristine, isa sa celebrity reporters ng CNB Studio.

Bahagya akong tumawa at tumingin kay James, hindi ko alam na nakatingin na pala ito sa mukha ko,kaya saktong nag-tama ang paningin namin. He is so handsome at malakas ang karisma, no wonder madaming babae ang nahuhumaling dito.

"Ahhhmmm... I don't think so. Magaan kasing kasama si James saka napaka cool." Sagot ko kay Kristine saka matamis na ngumiti, iniiwas ko na rin ang tingin kay James bigla kasi akong nailang sa ipinukol nitong tingin sa akin.

"How about you James? Hindi ka ba naiilang na ka tandem si Ingrid? Knowing you mga bigatin ang mga artistang nakakatambal sayo."

Tumawa lang si James. At napasinghap ako sa sinabi nito.

"She's my crush since model pa lang siya, kaya i'm so glad na ngayon isa na siya sa mga sikat na artistang makakatambal ko. It's like a dream come true, matagal kong hiniling na sana mag artista siya." Masaya nitong turan kay Kristine, parang kinilig naman ang lahat ng nandoon sa Studio. He's just a charmer, i faked my smile, bigla kasi akong nailang.

"Wow! What a revelation James, i smell romance is in the air." Kinikilig na saad ni Kristine.

"You're single right Ingrid?" Muling tanong ni Kristine, simple akong sumagot ng 'yes'

"Oh my! Pareho kayong single!" Tili nito sa aming dalawa kaya napatawa kami.

Sa wakas natapos na rin ang interview, bukas daw iyon ipapalabas.  Pasakay na ako ng kotse ng bigla akong tawagin ni James.

"Ingrid."tawag nito saka lumapit sa akin, nakangiti pa ito kaya nginitian ko rin siya.

"May lakad ka pa ba? Can i invite you for a coffee?" Casual na anyaya nito sa akin. Napakagat labi ako pero hindi ko na binigyan ng malisya.

"Maybe next time James, may lakad kasi kami ni mommy."

I saw the disappointment on his face, siguro hindi ito sanay ma reject kahit sa simpleng imbitasyon lang.

"Maybe another time?" Pilit itong ngumiti sa akin, tumango ako saka sumakay na sa kotse ko, nag wave pa ako sa kanya bago ko pinaandar ang sasakyan palayo rito.

I know he is a charmer, guwapo at ma appeal din naman siya pero ewan ko ba, hindi ko siya type. Friendly at mabait naman si James tsaka cool itong kasama, kaya siguro na iinlove rito ang mga naka tandem nito before.

Napapailing nalang akong nagtungo sa condo Unit ko. Gusto kong magpahinga para sa photoshoot bukas, buti nalang ang manager kong si Lea ay may lakad ngayon, hindi na ako pinilit kung saan saan pa kami magpunta.

Under ako ng JS Management, sila ang may hawak sa akin ngayon. Nakapirma ako ng 2 years contract sa kanila.

Biglang nag ring ang phone ko, si Lea.
Matanda lang ito ng ilang taon sa akin kaya parang magkapatid lang turingan namin.

"Yes,Lea." I answered her.

"Ingrid, you need to pack your things right now. Bukas sa Paradise Beach na tayo mag e stay, good for 2 months. Doon kasi gaganapin ang major scene ng movie, nakapag meeting na rin ang Management mo sa may ari ng Resort. Na close na ang deal."

Saad ni Lea, napanganga naman ako sa sinabi nito. Akala ko mag-photoshoot lang bukas. Shit! Doon talaga magsho-shoot?! So ibig sabihin may posibilidad pa na magkrus ang landas namin ng Shawn De Villa na iyon?!

"Hey,Ingrid?! Are you listening?" Untag ni Lea sa akin.

"Oh,yes,yes. Okay i'll pack my things." Saad ko rito.

"Okay bye, see you tomorrow." Saad nito saka pareho na kaming nag end button.

Huminga ako ng malalim, bigla tuloy akong kinabahan, paano nalang kapag nag krus ulit ang landas namin?! Tsk! Baka ipakulong niya talaga ako.

Bahala na! Eh di bayaran ko siya kung magkano ang damage na nagawa ko sa kotse niya!

Maarte kong saad sa sarili.

***

De Villa Series 4: Shawn's Elusive Love  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon