Chapter 13: Revenge of a Sister

1K 84 23
                                    

Mga alas-tres na ng hapon nang may dumating na bisita sa bahay. Walang iba kundi si Ma'am Erich, ang sinisinta ni Kuya Neico. Nabanggit ni Kuya Neico sa akin ang tungkol sa pagbisita nito noong nakaraang araw.

Kasalukuyan kaming nasa sala. Nagkukuwentuhan sila habang kumakain kami ng miryenda na hinain ni Ate Christy―mango shake at banana cue.

"Mabuti nagkakilala kayo ni Neico?" ani Pastor Alvin kay Ate Erich.

Ngumiti naman si Ate Erich, kaya naman mas lalo itong gumanda. "Nagkita po kami noon sa isang worship conference at sa youth camp. Nagkasama-sama rin po kami noon nina Pastora Christy sa worship team during ng camp," magalang na saad nito.

"Wala ka ata no'n, Tito. Nasa mission kayo," ani Ate Christy kay Tito Alvin.

"Ah, oo. Nasa mission ako noong magkaroon ng youth camp sa lahat ng churches sa town natin," sabi ni Tito Alvin at tumango-tango.

Sumandal ako sa backrest ng sofa at tahimik lang na iniinom ang shake ko habang pinapakinggan ang kwentuhan nila.

"Matagal ka nang kinukwento sa akin ni Neico. Mabuti at nakadalaw ka rito," nakangiting sabi ni Tito Alvin.

Ngumiti naman si Ate Erich at sumulyap kay Kuya Neico na nakaupo sa single sofa na katapat ko lang. Ngumiti rin si Kuya Neico sa kanya.

"Matagal ko na rin pong gustong bumisita rito. Medyo busy po kasi sa work at ministry kaya ngayon lang po nagkaroon ng pagkakataon," tugon ni Ate Erich.

"Welcome ka rito kahit kailan mo gusto bumisita. Para naman makilala nang lubusan ni Pastor Alvin ang future manugang niya," biro ni Ate Christy.

Nagtawanan naman sila. Namula naman ang pisngi ni Ate Erich.

"Tamang-tama kayong dalawa. Song leader at pastor. Naalala ko sa inyong dalawa ang kabataan namin ng pumanaw kong asawa. Magpapastor din ako noong makilala ko si Carmina. Song leader din siya sa ibang church. Nagkakilala kami noong magkaisa ang church nila at ang church namin sa isang crusade," kwento ni Tito Alvin.

"Maaari ko po bang malaman kung paano po siya pumanaw?" tanong ni Ate Erich.

"Bata pa lang kasi si Carmina may sakit na siya sa puso. Ilang buwan pa lang kaming kasal noong pumanaw siya. Hindi na nakayanan ng puso niya."

Bata pa lang ako alam ko na ang tungkol roon, pero hanggang ngayon nakakalungkot pa rin sa part ni Pastor Alvin. Sa tingin ko mahal na mahal niya si Tita Carmina kaya hindi na rin niya nagawang mag-asawa muli. Mas pinili niyang ituon ang sarili sa paglilingkod sa Diyos. Pero nandito naman kami ni Ate Christy para sa kanya, kaya hindi niya kailangang mangamba sa pagtanda niya. Ibabalik namin ang kabutihang loob na pinaranas niya sa amin. Kung wala siguro si Pastor Alvin baka tumira na kami kina Kuya Daniel. Napakasungit pa naman ni Tito Joseph.

Kung saan-saan napunta ang kwentuhan nila, hanggang sa nagpaalam si Ate Erich dahil naggagabi na. Ihahatid siya ni Kuya Neico.

"Faith, sama ka sa kanila," sabi ni Tito Alvin sa akin.

"Po?" nagtatakang sabi ko.

"Samahan mo ang Kuya Neico mo na maghatid. Hindi pwedeng sila lang dalawa ang magkasama."

Naalala ko bigla ang church policy. 'Yun siguro ang dahilan.

Niluwa ng pintuan ng kwarto si Kuya Neico na ngayon ay dala-dala ang susi ng motorbike niya.

"Isama mo si Faith, Neico," sabi ni Tito Alvin sa kanya.

"Okay po," tugon ni Kuya Neico at saka sumenyas sa akin na sumunod na sa kanya.

Against Our WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon